Jane POV
Dahil wala pa kaming kasambahay na nakukuha, nagpasya akong gumising ng maaga para ipaghanda ng breakfast si Charles.
Speaking of Charles naalala ko nanaman yung sinabi niya kagabi. Medyo naguguluhan ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. Siguro sa sobrang pagod kaya nakutulog din ako kaagad.
Pagkatapos ko mag-luto ng umagahan umakyat muna ako sa itaas para maligo. Pagkarating ko doon ay nakabihis na rin si Charles at handa ng pumasok.
"Naghanda ako ng almusal, bumaba ka na para makakain."sabi ko at inasikaso na ang isusuot ko na uniform.
"Sabay na tayong kumain, aantayin nalang kitang bumaba."
"P-pero baka malate kang pumasok."pagdadahilan ko.
"Maaga pa naman. Dalian mo nalang mag-asikaso."pagkasabi niya nun ay lumabas na siya ng kwarto. Tulad ng sinabi niya binilisan ko nalang ang pagligo at pag-aayos. After 20 mins. Bumaba na ako at nakita ko siyang nakaupo na sa hapagkaininan at nagbabasa ng dyaryo.
"Ahm ano ba ang gusto mo? Coffee or juice?"tanong ko.
"Coffee nalang."kahit kinakabahan nagtimpla na ako ng kape at inilagay sa tabi niya. Umupo na rin ako sa upuan na katabi niya.
"Niluto mo to lahat?"tanong ni Charles habang inaabot ang sinangag na gawa ko.
"Oo. Wala pa naman kasi tayong kasambahay kaya naisipan ko na magluto."sabi ko. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Nilagyan niya muna ang plato ko ng pagkain bago niya nilagyan ang kanya.
"S-salamat."
"Mamaya papupuntahin ko dito si Manang Rosa. Sasabihan ko nalang si mommy na dito nalang si manang, mahirap naman kung kukuha pa tayo ng iba, baka hindi pa matino makuha natin."sabi niya pa na tinanguan ko nalang bilang pagsang-ayon.
Tahimik lang kami na kumakain, hindi ko naman kasi alam kung ano sasabihin ko.
"Saakin ka na sumabay papasok ng school. Hindi pa naman naiihahatid yung kotse mo."napatingin ako sa kanya. Oo nga pala hindi pa naihahatid ng driver namin yung kotse ko.
"Mag tataxi nalang ako. Baka may makakita pa sa atin, ano pa ang isipin."sabi ko. At ayoko mangyari yun.
"Sigurado ka?"
"Oo."paninigurado ko sa kanya.
------
"Jane okey ka lang?"napalingon naman ako sa biglang nagtanong sa akin.
"Oh Josh ikaw pala."bati ko. Andito kasi ako sa isang bench malapit sa gym naka tambay. Dahil irregular student ako, hindi ko classmate sila Liezel sa lahat ng subject. At ngayon nga wala akong klase kaya naisipan ko muna maupo.
"Okey ka lang? Mukhang ang lalim ng iniisip mo hindi mo man lang naramdaman paglapit ko."
"May iniisip lang ako."
"Si Sir Charles ba?"
"H-hindi a-ah."sagot ko kahit na totoo naman.
"Weh?"natawa naman ako sa kanya.
"Oo nga."tanggi ko pa rin.
"Alam mo Jane wag ka kasi mag-isip ng kung ano. I-enjoy mo ang nangyayari ngayon. I-enjoy mo ang buhay ng may-asawa. Hindi ka ba masaya na nabigyan mo na ng buong pamilya si Lance? Kasama niya na ang daddy niya."seryosong sabi ni Josh.
"Masaya naman ako. Hindi ko lang maiwasan isipin kung hanggang kailan ito. Paano kung dumating yung araw na magbago ang isip ni Charles, mas piliin niya si Tracy kaysa sa amin mag-ina. Hindi mo naman ako masisisi kasi alam ko na sa umpisa palang may Tracy na siya. Kung mangyari yun, hindi ko alam kung ano magiging epekto kay Lance."pagkukwento ko ng tunay kong nararamdaman.
"Kay Lance ka lang ba talaga nag-aalala?"tanong ni Josh at tiningnan ako ng maigi, agad naman ako nag iwas ng tingin kasi pakiramdam ko malalaman niya pag nagsinungaling ako.
"Oo naman. Nag-aalala lang talaga ako kay Lance, kung ano magiging epekto nun sa kanya pag nangyari yun."pagkumbinsi ko sa kanya.
"Alam mo ang problema sayo masyado kang negative mag-isip. Subukan mo kayang magpakapositive. Tingnan mo ako positive lang lagi kung mag-isip kaya hindi mo iisipin na may problema rin minsan."sabi niya ng nakangiti. Mas lalo tuloy siyang gwapo tingnan. Pero kung iisipin tama siya. Kasi lately nga masyado akong nagiging nega mag-isip, dapat hindi ako ganun. Paano ako magiging masaya kung puro negatibo ang iniisip ko? Tama si Josh dapat i-enjoy ko nalang ang mga nangyayari.
Ngayon pinili ni Charles na magpakasal sa akin para sa anak namin kahit pa na may girlfriend siya, at nakikita ko naman na masaya talaga si Lance kasi buo na ang pamilya niya. Dapat gawin ko rin ang part ko para maging masaya ang anak ko at ganun din si Charles. Dapat hindi siya magsisisi sa naging desisyon niya. Ano naman kung hindi ako mahal ni Charles? Ang mahalaga ngayon ay alam ko na mahal niya ang anak namin. Tama na muna iyon. Kailangan matuto akong makuntento.
"Salamat Josh."nakangiti ko ng sabi sa kanya.
"Ha?"takang tanong niya. Siguro kasi biglang nagbago ang mood ko.
"Thank you kasi binuksan mo ang isip ko."sabi ko at niyakap pa siya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero sa huli gumanti rin siya ng yakap.
"Hoy PDA kayong dalawa."agad naman akong humiwalay kay Josh, at ng tingnan ko kung sino nagsalita ay sila Liezel pala.
"Tapos na ba ang klase niyo?" Tanong ko.
"Tapos na. Nakakaloka yung PolScie pero keribels naman"sabi ni Liezel at tumabi pa sa akin sa upuan. Ganun din ang ginawa nila Monica at Francis.
"Kayo nagyayakapan kayo, hindi niyo alam may nakatingin na sa malayo at mukhang gustong gusto ng sumugod."sabi ni Francis. Agad naman kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"H-ha? Sino?"tanong ko.
"Secret."sabi niya at nginitian pa ako ng loko loko. Psh mukhang pinagtritripan ako.
"Nako Monica wag na wag mo yan sasagutin."Seryosong sabi ko na ikinatawa nila.
Nagkwentuhan pa kami bago pumunta sa susunod na klase.
------Charles POV
Hindi ko alam pero ng makita kong may kayakap si Jane na iba, nakaramdam ako ng selos lalo na ng makita ko pa siyang nakangiti at mukhang masaya. Ibang iba sa Jane na kasama ko sa bahay. Para bang kahit kailan hindi niya ako minahal kung tratuhin ako.
Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, sana mas nagpursige pa ako para makipagbalikan sa kanya, sana hindi ako sumuko kaagad, sana hindi ako nagpadala sa selos na nararamdaman ko tuwing kasama niya si Carl. Eh di sana masaya kami ngayon. Ang laki kong tanga!
----
Tracy POV
"Bullshit!"naiinis na ibinato ko ang cellphone ko. Kanina ko pa tinatawagan si Charles pero hindi niya sinasagot. 3 days ago biglaan nalang siyang nagpunta sa condo ko para sabihin na makikipaghiwalay na siya. At ang rason niya? Magpapakasal na daw sila ni Jane.
"Lecheng babae yun, talagang inilabas niya pa ang anak niya para lang makuha sa akin si Charles? Pwes nagkakamali siya ng kinalaban. Napaghiwalay ko na sila noon, at kayang kaya kong gawin ulit yun!"
----
Carl POV
"Anak may problema ba? Tuwing umuuwi ka nalang, lagi kang lasing."napating ako kay mommy sa sinabi niya. Tama siya. Lagi na nga akong umuuwing lasing. Pero ano magagawa ko? Nasasaktan ako. Ang tanging minahal ko na babae, nagpakasal na talaga sa kapatid ko. Mukhang kahit kailan hanggang kaibigan nalang talaga ang turing sa akin ni Jane. Wala na talagang pag-asa na mahalin niya pa ako, tulad ng pagmamahal niya kay kuya.
"Okey lang ako ma."sabi ko lang at agad ng umakyat sa taas para makapagpahinga na.
A/N: Sorry for late UD. 😉😊 Vote or Kahit Comment po for this Chapter 😃 Aldub you!
PS: Dumating na si Meng! 💜💜
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
RandomMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...