1 - NEW FRIENDS

5K 136 2
                                    


Orayt! First day ng school kaya di dapat malate. Mahirap mabadshot sa prof nuh !

"Mommy alis na ko" paalam ko sa butihin kong ina.

"Osige mag-ingat ka ah. Good Luck sa 1st day mo. Ako na bahala dito.Mag ingat sa pag dadrive."sabi ni Mommy bago ako umalis.

Dahil malapit lang naman ang bahay namin sa school na papasukan ko nakarating agad ako.

After ko iparada yung kotse ko sa parking lot, nagmadali na kong hanapin yung room ko para sa 1st subject. Pero dahil transferee ako sa school na to di ko agad nahanap yung room ko.

"Asar naman oh! Malapit ng mag time di ko pa nahahanap yung room na yun."inis kong sabi sa sarili ko habang isa isang tinitingnan yung room number ng mga classroom dito.

"Ms? Excuse me?" napatingin naman ako sa nagsalita.

"Yes?"tanong ko. At grabe siya ! Ang pogi niya.

"Sorry ah, kanina pa kasi kita napapansin. Mukhang nawawala ka."

"Bagong lipat kasi ako, di ko mahanap yung room ko"

"Ganun ba, gusto mo tulungan na kita?"nakangiti niyang tanong sakin. Sino ba naman ako para umayaw sa tulong niya?

"Sure"nakangiti kong sagot sa kanya. Kailangan maging friendly ako kasi mahirap naman kung ako lang mag-isa at walang kaibigan. Yung mga kaibigan ko kasi nung nag aaral pa ko puro nakagraduate na ako nalang natira.

"Ano ba room hinahanap mo?"tanong niya sa akin.

"Room A-3."

"Sakto Room A-4 lang ako. Magkatabi lang room natin, malapit na tayo."nakangiti siya habang sinasabi niya yun. Di niya ba alam na lalo siyang gumagwapo sa pagngiti niya?

"Andito na tayo sa room mo."At tumigil nga kami sa isang classroom.Marami pang estudyante ang nasa labas mukhang wala pa ang prof namin.

"Salamat ah"nakangiti kong sabi sa kanya. Dahil kung di niya pa ako sinamahan malamang na late na ko sa 1st class ko.

"Walang ano man. By the way Josh nga pala ."Sabi niya tapos nilahad yung kamay niya para makipag shake hands.

"Jane " sabi ko at inabot yung kamay niya. In fairness kay Josh mukhang mabait siya.

"Pasok na ko hah Salamat ulit."sabi ko. Tapos tumalikod na.At dun ko lang napansin na may mga nakatingin na sa akin. At dahil nakakailang mga tingin nila sa akin, ayon yumuko nalang ako habang papasok hanggang marating sa bakanteng upuan sa likod.

Tiningnan ko ang relo ko at ilang minuto nalang mag-uumpisa na ang klase. Bakit kaya wala pa yung prof?

"Hi Ms. Bago ka?"napatingin naman ako sa nagsalita. Isang babae na tsinita ang nasa harap ko. Nakangiti siya kaya lalong nawala ang mata niya. Waaah ang cute niya!

"Oo."nakangiti kong sabi sa kanya.

"Lizel Chua, pero dahil magiging friends na tayo Liz nalang" Nakangiti pa rin siya habang sinasabi niya yun. Nakakatuwa siya!

"Jane"sabi ko at nakangiti rin.

"Okey lang ba sayo na umupo ako sa tabi mo?" tanong niya.Napatingin naman ako sa tabi kong upuan at may bag na nakalagay dun.

"Ok lang sakin kaso baka magalit yung nakaupo dito." sabi ko sabay turo sa upuan.

"Francis! Palit tayo ng upuan ah dun ka nalang sa tabi ni Monica tutal crush mo namana siya" sabi niya dun sa lalaki na nakatayo di kalayuan sa amin. Lumapit naman yung lalaking tinawag niyang Francis.

"Ikaw talaga Lizel yung bunganga mo di mo mapreno"sabi nung Francis. Gwapo rin siya at tulad ni Lizel singkit rin. Medyo may hawig nga sila. Magkapatid ba sila?

"Kambal kami."

"Hah?"

"Si Francis kambal ko. Yung mukha mo kasi parang nagtataka bat may hawig kaming dalawa Hahaha"sabi ni Lizel.

"Nako Ms Transferee wag ka magsasama diyang sa kambal ko kung ayaw mo mahawaan ng sapak niya sa utak"sabi ni Francis at kinuha yung bag niya tapos dinala sa isang upuan di kalayuan sa amin.

"Nako Jane wag mo pansinin yan si Francis. Masyado kasing seryoso sa buhay yang kambal ko"Sabi niya at umupo na sa upuan na binakante ng kambal niya.

"Alam mo ba kung bakit kita nilapitan bukod sa transferee ka at gusto ko talagang makipag kaibigan sayo?"biglang tanong niya sa akin.

"Bakit?"

"Kanina kasi bago ako pumasok sa room nakita kitang kasama mo si Josh."

"Ah ganun ba? Nakasabay ko kasi siya kanina, hinahanap ko kasi yung classroom na to eh sakto naman na nagmagandang loob siya ayon simahan ako dito"paliwanag ko.

"Alam mo ba kung bakit ang daming nakatingin sayo habang papasok ka ng classroom?"napakunot noo naman ako sa tanong niya.

"Bakit nga ba?"

"Captain kasi ng basketball team ng school si Josh at obviously sikat siya. Take note playboy yan si Josh kaya naman maraming nagtataka kung bakit mo siya kasama"

"So kaya pala ganun mga tingin nila sa akin kasi akala nila isa ako sa mga girlfriend nung Josh?"tanong ko.

"Oo." Nako naman! Sana di nila ako awayin Waaah mommy!

*Riiiiiiiiiiiiiiiiing*

"Hey parating na yung prof, Maya na tayo mag chikahan."sabi ni Lizel at umayos na ng upo.

Tiningnan ko muna ang phone ko para icheck kung may message si Mommy.

Narinig ko na nagbukas yung Pinto at tumahimik na sila. Mukhang andyan na yung prof..Tinago ko na sa bag ko yung phone at napatingin sa harap.

At Shit na malagkit! Totoo ba tong nakikita ko?



Prof ko, Ex ko (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon