24

2.9K 135 12
                                    


Jane POV

Sa sobrang sama ng loob ko kay Charles, nagdesisyon muna ako na sa bahay ng magulang ko tumuloy. Sinama ko rin si Lance. Hindi naman nagtatanong ang parents ko kung ano ang nangyari, siguro inaantay lang nila na ako ang magkwento.

Dalawang araw na rin akong hindi pumapasok sa school. Hindi pa kasi talaga ako handa makita si Charles. Ilang beses niya ng sinusubukan na tawagan ako pero hindi ko sinasagot.

"Hija may bisita ka."tawag ni mommy sa akin. Andito kasi ako sa kwarto ko.

"Ma kung si Charles yan, ayoko po muna talaga siyang makita."

"Anak si Carl ang nasa baba."pagkasabi nun ni Mommy ay doon ko lang binuksan ang pinto ng kwarto.

"Ma asan si Lance?"tanong ko, bago bumaba.

"Sinama muna ng daddy mo sa opisina niya. Hindi mo rin naman masyadong naasikaso ang anak mo. Kaya magandang malibang man lang."nakaramdam naman ako ng guilt. Simula kasi ng umuwi kami sa bahay, nagmukmuk na ako sa kwarto ko at hindi ko na nagawang makipaglaro man lang kay Lance.

"Sorry ma."hingi ko ng paumanhin.

"Anak naiintindihan kita. At kung handa ka ng magkwento, andito lang ako."nakangiting sabi ni mommy. "Sige na bumaba ka na, nag-aantay si Carl."

Nang makababa ako, nakita ko si Carl sa may Garden.

"Carl."tawag ko sa kanya. Mukhang malalim ang iniisip niya.

"J-jane."tumayo pa siya para halikan ako sa pisngi.

"Napadalaw ka?"tanong ko kahit alam ko na ang ipinunta niya.

"Nagpunta si Kuya sa bahay, nakwento niya yung pagtatalo niyo."simpleng sagot niya.

"Alam mo hindi talaga ako makapaniwala sa kuya mo. All this time akala niya nagkaroon tayo ng relasyon? Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin? Na papatol sa kapatid ng ex boyfriend ko?"hindi ko na maiwasan na ilabas ang sama ng loob ko.

"Hindi mo naman masisisi si kuya na isipin yun."parang may iba sa tono ni Carl nung sinabi yun.

"Anong ibig mong sabihin?"kunot noo na tanong ko sa kanya.

"Jane may sasabihin ako sayo. Pero sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin."sabi niya habang nakatingin ng diretso sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.

"M-masyado ka namang s-seryoso. Pinapakaba mo ako."komento ko pero hindi niya man lang pinansin.

"Naalala mo ba yung nakwento ko sayo nung nakaraang araw na babaeng mahal ko pero hindi ko magawang ligawan kasi alam ko na may mahal siyang iba?"agad ko namang naalala yung napagkwentuhan namin.

"Oo. Ano bang meron at napasok yun sa usapan?"takang tanong ko.

"Alam mo kahit kailan, ang slow mo talaga."iiling iling na sabi niya. Kung kanina seryoso kami ngayon parang gusto ko siya sipain.

"Ako pa talaga ang slow? Eh hindi mo ipinapaliwanag ng maayos!"inis na sabi ko sa kanya.

"Ikaw ang tinutukoy ko."sabi niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

"H-ha?"ano daw? ako ang tinutukoy niya?

"Psh ikaw ang tinutukoy ko na matagal ko ng mahal."at sinalubong niya na ang tingin ko. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Para bang nagloadin ang utak ko at pilit iniintindi ang sinabi niya.

"Wag kang mag-alala, nasa stage na ako ng pag momove-on kaya hindi mo na kailangan mag-isip ng kung ano. Paranoid ka pa man din."natatawang sabi niya. Pero ako di ko magawa na tumawa. Ngayon ko napatunayan na tama sila ng sinasabi. Na may pag ka slow talaga ako. Hindi ko man lang napansin na may gusto na pala sa akin si Carl.

"K-kailan pa?"Hindi ko maiwasan na itanong.

"Unang kita ko pa lang sayo, naramdaman ko ng gusto kita."

"Sure ka? Eh ang sungit mo sa akin nung unang kita natin. Paanong nagustuhan mo na agad ako?"naalala ko kasi na ang unang kita namin ay yung 1st day ng academic year. Naging mag classmate kasi kami. At hindi ko makakalimutan nung sinungitan niya ako nung tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya. Eh gusto ko lang naman makipagkaibigan.

"Yun ang way ko para hindi mo mahalata na may gusto ako sayo. Kitams hanggang ngayon hindi mo man lang napansin."nakangiting sabi niya na para bang ipinagmamalaki niya pa ang ginawa niyang pagsusungit sa akin noon.

"Wait ibig sabihin alam ng kuya mo na may g-gusto ka sa akin noon pa?"tumango naman siya bilang pag-sang-ayon.

"Sa sobrang close namin noon ni kuya, nakwento ko na sa kanya ang feelings ko sayo. Hindi ko naman alam na nagkakilala na pala kayo at ayon nagustuhan ka rin niya. Eh mas malakas ang loob niya, kaya siya ang unang nangligaw sayo. Wala eh, torpe ako ng mga panahon na yun."Iiling iling pa na pagkukwento niya. Para bang nanghihinayang. At kung pwede lang siguro ibalik ang nakaraan baka ginawa niya na.

"Sumama ba ang loob mo sa ginawa ni Charles?"tanong ko.

"Oo hindi naman maiiwasan yun. Pakiramdam ko trinaydor ako ng sari kong kapatid. Pero narealize ko na may gusto ka rin sa kapatid ko kasi hindi mo naman siya sasagutin kung wala kang nararamdaman sa kanya diba? . Kaya ayun pinilit ko na lang kalimutan yung nararamdaman ko sayo."

"Nung naghiwalay kami ni Charles, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin yung nararamdaman mo? Eh diba doon na nag-umpisa ang pagkakaibigan natin."Usisa ko pa.

"Ayun na nga eh, nag-uumpisa na ang pagkakaibigan natin. Syempre ayoko naman masira yun kung malalaman mo na may gusto ako sayo. Ayoko gamitin yung kahinaan mo nung mga panahon na yun."sa mga naririnig ko kay Carl, imbes na magbago ang tingin ko sa kanya. Para bang humanga pa ako. Hindi kasi madali na kaibiganin mo ang taong mahal mo. At siya ang dami niyang pagkakataon para mag take advantage pero hindi niya ginawa.

"Thank you Carl."biglang pasasalamat ko sa kanya. Ewan ko pakiramdam ko maiiyak pa ako.

"Para saan?"takang tanong niya.

"Sa lahat. Andito ka sa tabi ko tuwing mag pinagdadaanan ako. Hindi ka gumawa ng bagay na pwedeng ikasira ng pagkakaibigan natin. Alam ko balang araw makikilala mo rin ang babae na inilaan sayo ni God."pagkasabi ko nun ay niyakap ko pa siya.

"Siguro naman malinaw na ang lahat? Baka gusto mo ng umuwi sa bahay niyo at miss na ni kuya ang mag-ina niya. Mag-usap na kayo ng maayos! Pakinggan muna ang sasabihin ng isa bago mag-isip ng kung ano. Minsan yan ang nakakasira sa isang relasyon. Hindi ako nagpa-ubaya para lang sa wala."Payo niya pa at tinapik tapik pa ang balikat ko.

"Thank you talaga Carl."

"O paano, mauuna na ako. Nagpunta lang talaga ako dito para sabihin yun. Nang malinawan ka."hinatid ko na siya sa labas at pasakay na sana ng sasakyan niya ng huminto siya.

"Oo nga pala, may nakalimutan pa akong sabihin."at ngumiti pa siya sa akin.

"Ano nanaman?"

"Jane tandaan mo, Ikaw lang ang minahal ni Kuya Charles na babae bukod kay mommy ."pagkasabi niya nun ay agad na siyang sumakay ng sasakyan niya at umalis na.

Naiwan akong nakangiti, kung kanina ang bigat ng pikaramdam ko ngayon kabaligtaran na. Sobrang gaan na at para bang may nawalang napakabigat na bato na nakadagan sa puso ko.

Tama si Carl, hindi siya nagpaubaya para lang sa wala. Kailangan may patutunguhan ang love story namin ni Charles. Aba may Lance na kami, hindi na pwede ang pag-iinarte!

----------

Prof ko, Ex ko (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon