PRESENT TIME
"So kamusta ka na?"basag ni Carl sa katahimikan. Andito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa university na pinapasukan ko. Inaya niya ako dito pagkatapos namin magkabanggaan sa parking lot kanina.
"Okey lang. Ikaw kamusta ka na?"Nakangiti kong sabi sa kanya. Pero alam ko na halata sa ngiti ko na kinakabahan.
"Okey lang din ako. Nagtatrabaho ako sa company ng magulang namin."Yun lang ang sinabi niya at tinitigan niya ulit ako na para bang nag aantay ng paliwanag muna sa akin. Tumikhim muna ako bago nag salita.
"Okey fine, sorry."
"Sorry for what?"nakataas ang kilay na tanong ni Carl sa akin pero alam ko na alam niya ang hinihingi ko ng tawad.
"Sorry kung bigla nalang akong nawala at nagtago."napayuko ako ng sabihin ko yun.
"Tell me Jane bakit bigla ka nalang nawala? Oo alam ko na may hindi magandang nagawa si kuya sayo. Pero bakit pati sa akin nagtago ka?"maririnig sa boses niya na may hinanakit talaga siya sa akin dahil na rin sa ginawa ko.
"Sobra akong nasaktan sa sinabi ni Charles ng gabing iyon.Na mismo ako hindi inaasahan na masasabi niya yun saakin. Kaya naisip ko na magpakalayo layo nalang para makalimot. Na putulin lahat ng ugnayan ko na meron ako kay Charles at-"
"At dahil sa magkapatid kami naisipan mong putulin rin ang pagkakaibigan natin?"napaangat na ang ng tingin kay Carl at sinalubong ang tingin niya.
"Sorry for being selfish Carl. Hindi ko na naisip ang mararamdaman mo ng bigla ako nawala."sinsero na hingi ko ng paumanhin sa kanya.
Tinitigan niya ako ng matagal at biglang ngumiti.
"Okey tinatanggap ko na ang sorry mo, pero kailangan mong bumawi sa akin."sabi niya. Napangiti na rin ako. Mukhang okey na kami.
"Ano naman ang gusto mong gawin ko?"tanong ko.
"Ipakilala mo sa akin ang pamangkin ko."
--------
"Mommy sino po siya?"tanong ng anak ko sa kaharap niya. Dahil nga sa gusto na makita ni Carl ang pamangkin niya dinala ko kaagad siya bahay namin.
"Baby siya si Tito Carl, friend siya ni mommy. Magpakilala ka baby."sabi ko sa anak ko.
"Good Day Tito Carl, My name is Lance Fajardo, I am 3 years old."nakangiting pagpapakilala ni Lance kay Carl.
"Kamukha mo ang daddy mo."Agad akong napatingin kay Carl ng sinabi niya yun sa anak ko. Naalarma ako dahil alam ko na maghahanap nanaman ito sa tatay niya.
"Really Tito Carl? Kilala mo po ang daddy ko?"excited na tanong ni Lance sa Tito niya. Nakaramdam naman ako ng awa para sa anak ko. Alam ko na gusto niya na rin maranasan na magkaroon ng daddy. Oo andyan si dad para sa apo niya pero iba pa rin pag totoong tatay ang nasa tabi mo.
"Yes Baby at kamuka mo siya."Nakangiti si Carl sa anak ko habang sinasabi yun.
"Asan po ang daddy ko? Kailan po siya pupunta dito sa house namin? Yung mga kalaro ko po kasi ang mga daddy nila nakatira sa house nila tapos nag lalaro sila."sunod sunod na tanong ni Lance. Tiningnan naman ako ni Carl na para bang nagpapatulong kung ano ang sasabihin niya.
"Ahm baby ang daddy mo kasi busy sa work niya. Di pa siya makakapunta baka matagalan pa."nakangiti kong paliwanag sa anak ko. Kahit na alam ko na malabong magkakilala sila ng tatay niya.
"Kaya habang wala ang daddy mo, andito muna si Tito Carl para makipaglaro sayo. Okey lang ba?"
"Yes Tito Carl. Tara po magplay na tayo."At hinatak na niya si Carl para makipag laro.
--------
"Tuwang tuwa ang anak mo sa Tito niya. Halatang sabik sa tatay."napalingon ako sa nagsalita.
"Mommy."Andito kami sa may garden at nanunuod sa mag tito na naglalaro.
"Anak ayoko pahimasukan ang gusto mo sa anak mo pero di ka ba naawa sa anak mo na naghahanap ng tunay na daddy?"napabuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Syempre ma naawa ako lalo na sa tuwing nakikita ko kung paano niya tingnan yung mga kalaro niya na kasama ang mga daddy nila, na kompleto ang pamilya .Sa tuwing nagtatanong siya kung kailan ba dadating ang daddy niya. Naawa ako sa anak ko ma pero natatakot ako na baka pag nagkakilala sila ng daddy niya at di siya matanggap, masaktan siya. Mas kaya ko pa siguro tiisin na makitang naghahanap siya ng daddy kaysa itanggi siya ng tatay niya."naluluha kong sagot sa tanong ni mommy.
"Anak ang lagi mo kasing iniisip ay kung paano pag hindi matanggap si Lance ng daddy niya. Paano naman kung sa kaling matanggap siya?"nakangiting tanong pa rin ni mommy. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya.
"Lance! Carl! Magpahinga muna kayo." Tawag ni mommy sa dalawa na agad din namang lumapit.
"Tara Lance umayat muna tayo sa taas para mapalitan ng damit. Anak asikasuhin mo muna ang bisita mo."bilin ni mommy bago umakyat sa taas kasama si Lance.
"Nakakatuwa ang anak mo, napaka talino para sa edad niya."nakangiting sabi ni Carl.
"Alam mo na kung kanino nagmana."sabi ko na ang tinutukoy ay si Charles.
"So nagkita na ba kayo ni kuya?"
"Huh?"
"Diba sa University kung saan kita nakabangga kanina, nag-aaral?"
"Oo."
"Pagmamay-ari ng pamilya namin iyon at professor doon si Kuya. Kaya natanong ko kung nagkita na kayo."
"So kaya ka rin pala andoon kanina kasi inyo yung university na iyon."napangiti nalang ako sa ideya na iyo. Ang dami kong pwedeng pasukan na school doon pa talaga. "Mukhang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para magkita tayo."
"Mukha nga."napangiti na rin si Carl sa sinabi ko.
"Nagkita na kami ni Charles at proffesor ko siya sa Algebre."napatingin siya sa akin ng sinabi ko yun.
"Really? Bakit hindi man lang nabanggit ni Kuya yun."takang tanong niya.
"Kasi para sakanya hindi naman na mahalaga iyon. Ibang iba na siya sa Charles na minahal ko." Napangiti ako ng mapait ng maalala kung paano nag iba ang ugali niya at pakikitungo sa akin na para bang hindi kami magkakilala dati.
"Malaki talaga pinagbago ni kuya. Simula nung maghiwalay kayo."sabi ni Carl na ikinalingon ko sa kanya.
"Sige mauuna na ako. Babalik na lang ulit ako para madalaw si Lance."at tumayo na siya.
"Carl."tawag ko ulit sa kanya.
"Please wag mo muna sabihin sa kuya mo ang tungkol sa anak namin."Hindi muna siya sumagot at tinitigan ako.
"Please."ulit ko.
"Fine di ko sasabihin pero hindi mo to matatago ng matagal kay kuya, pasasaan bat malalaman niya rin to. At tulad ng sinabi mo tadhana na ang gumagawa ng paraan."Nakangiti siya ng sinabi yun.
"Sige na mauuna na ko. By the way mas lalo kang gumanda hindi halatang may 3 years old ka ng anak "sabi niya na ikinangiti ko. Hanggang ngayon di pa rin mawawala kay Carl na purihin ako."Ikaw talaga. Sige na. Bye mag-ingat ka sa pag dadrive."
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
RandomMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...