Chapter 4: Confirmed!

7.7K 142 15
                                    

M A Y       2 9       2 0 1 7
---------------------- 💎 -----------------------

Amber's Point Of View

One month na ang nakakalipas mula nang makumpirma ko na si Calvin Natividad nga ang kasama ko ng gabing birthday ni Andrea. We saw the cctv videos na siya ang kasama ko papasok ng vip room.

Mangiyak-ngiyak ang mga kaibigan ko nang malaman nila na ang iniidolo naming si Calvin Natividad ang naka-ONS ko. Pero syempre kaagad ko pinaayos yun. Panigurado kapag kumalat yun sa publiko, patay kami pareho ni Calvin. Siguradong sira ang career niya.

I was shocked. Si Calvin Natividad yun! Ang ultimate crush ko! Ang pinakamamahal ko sa lahat ng lalake! Ang dahilan kung bakit single ako hanggang ngayon. Siya din ang inspirasyon ko sa pag-aaral. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako kumakain sa school para lang makabili ng mga magazines, albums at kung anu-ano pa tungkol sa kanya.

Siya yun eh!

Si Calvin Natividad!

Ilang beses ko nga pinaulit yung video pero siya pa rin talaga yung lumilitaw eh. Hayy...aaminin ko naman na masaya ako. Siya ang nakakuha ng pinakaiingatan ko. Ang kinalulungkot ko lang, baka para ko na ring tinapon yun dahil wala naman siyang pakialam saakin.

Iningatan ko yun at pinangako sa sarili ko na ang lalakeng papakasalan ko lang ang makakauna saakin. Huhuhuhuhu! Buhay nga namaaaaaaan!

Sa loob ng four weeks na yun, wala akong balita tungkol sa kanya. Ang huling dinig ko, busy daw siya ngayon. Hectic sched dahil sa bagong album niya.

Naiiyak ako sa sobrang panghihinayang! Kahit naman ultimate crush ko ang nakakuha nun, wala naman akong assurance na siya ang pakakasalan ko.

Ugh!

Never na akong iinom ng alak! I swear!

"Amber!"

Napalingon ako kina Nico nang tawagin nila ako. After that day ay pumasok na rin kami sa school kinabukasan. Marami na kasi kaming ginagawa. Sobrang busy ko na rin. Malapit na rin kasi ang graduation kaya rush lahat ng kailangan tapusin.

Dalawang buwan na lang naman ay matatapos na ako sa pag-aaral ko. Pagkatapos ng week na ito, practice na lang for our graduation day.

"Girl, nabalitaan ko na may mall show si Calvin." Kaagad na sabi saakin ni Monique.

"So?" Kung normal lang na panahon 'to, magtatatalon na ako sa tuwa at kaagad aalamin ang detalye. Or, ako ang unang nakakaalam.

Kaso, everything changed mula nung gabing yon. It is not that easy. I can't act in front of him as if nothing happened. Oo, alam ko kilala niya ako. Alam niya na ako yung babaeng nakasama niya nung gabing yun.

"This is new. Ang die-hard fan ni Calvin Natividad ay nalanta na." Natatawang sabi ni Nico kaya binatukan ko.

"Anong nalanta ang pinagsasabi mo dyan?"

"Nalanta na ang pagiging fangirl kay Calvin." Inirapan ko lang siya. Wala ako sa mood para makipagkulitan ngayon.

Monique's Point Of View

Nagkatinginan kami ni Nico bago tinignan si Amber na papalayo na saamin. I'll tell you a secret guys. Alam niyo ba na this past few days ay napakasungit at sensitive ni Amber? Hindi na nga namin siya makulit ni Nica. Noon, mas makulit pa yan saamin.

"She's acting weird, Oni." Nilingon ko si Nica. Oni ang tawag niya saakin. It was from my name. mONIque..

"Ano kayang nangyare dun noh?" Tanong ko rin naman sa kanya.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon