Chapter 62: Leo and Amber

5.3K 85 20
                                    

N O V E M B E R       0 2        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Sumimsim ako sa kapeng iniinom ko habang nakatanaw sa mga taong nag-uunahan sa paglalakad. Lahat sila ay nagmamadali. Kung titignan, napakahalaga talaga ng oras. Ganun din naman saakin. Mahalaga ang oras pero kahit isang bagay wala pa akong nagagawa para bumalik si Calvin saamin.

Ang tanong, may magagawa pa ba ako? Kung meron man, siya ba, gusto pang bumalik? Baka naman kahit anong pilit ko na, kung siya na mismo ang ayaw, wala na akong magagawa doon.

"Nakatulala ka na lang parati. Parang ikaw lang ang nagmamay-ari ng lahat ng sama ng loob." Napatingala ako nang marinig ang boses ni Leo.

"Good morning, Engineer. Tama ba yung lyrics ng kinanta ko?" Nagkamot pa siya ng ulo bago naupo sa tabi ko.

"Ewan ko sayo." Sagot ko sa kanya tsaka muling sumimsim sa kape ko.

"Kailan kaya kita ulit makikitang ngumiti, Engineer? 'Pag nakikita kasi kita ngayon, para bang yamot na yamot ka sa lahat ng bagay." Marahan akong natawa dahil sa sinabi niya.

"Sino ba namang hindi mayayamot kung hindi mo na malaman paano mo mapapabalik ang asawa?" Biro ko tsaka binitawan ang tasa ng kape ko.

"Madali lang yan, Engineer. I-seduce mo." Kung may laman lang ang bunganga ko ay naibuga ko na sa kanya.

"Langhiya ka. Ayaw ko nga na balikan ako nun dahil lang sa s-ex." Sagot ko sa kanya. Laking pasasalamat ko na lang at walang tao dito sa shop na maaaring makarinig saamin.

"S-ex kaagad? Hindi ba pwedeng balik alindog muna. Para saakin kasi, Engineer, importante pa rin yung ganun eh. Ipakita mo sa kanya yung babaeng kinababaliwan niya noon." Sagot niya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"So anong sinasabi mo? Na minahal lang niya ako dahil sa maganda at sexy ako?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Nagpakawala siya ng buntong hininga na para bang nawawalan na ng pasensya.

"Ang slow mo naman, Engineer. Hindi naman sa ganun. Alam mo naman ang sitwasyon niyo diba? May other girl na involve. So dapat talbugan mo yung kaya niyang gawin. Ganun!" Pagpapaliwanag niya at may paghampas pa sa table sabay malaking ngiti.

"What if it's not going to work?" Tanong ko sa kanya tsaka ipinaikot ang daliri ko sa tasa.

"Don't jump into conclusion, Engineer. Alam mo ba kung ano ang kailangan mo ngayon?" Tanong niya saakin. Inangat ko naman ang tingin ko tsaka siya tinanong.

"Ano?" Tanong ko.

"Be positive and believe in yourself." Sagot niya tsaka kinindatan pa ako. Napapailing na lang ako. Kahit papaano naman ay may sense naman talagang kausap tong si Leo.

"At dahil wala kang sched ngayon, sasamahan kitang mamili ng mga bago mong damit. Halika na, Engineer!" Hinawakan niya ang kamay ko tsaka kinaladkad palabas ng coffee shop.

OoooOoooOooo

"Hindi pa ba tayo tapos, Engineer? Grabe, feeling ko konting lakad ko na lang ay mababali na 'tong paa ko." Nilingon ko si Leo na bitbit ang mga shopping bags ko.

"Ikaw nag-suggest nito diba? Panindigan mo." Sagot ko sa kanya. Narinig ko nanaman ang walang katapusan niyang pagrereklamo.

"Hindi ko naman kasi alam na aabutin tayo ng mahigit limang oras sa paglalakad. And to think na limang damit pa lang ang nabibili mo ha. Jusko!" Pagrereklamo nanaman niya. Natatawa na lang talaga ako. Kanina pa rin kasi siya pinagtitinginan ng mga tao. Pabibo din kasi eh, masyadong agaw atensyon.

"Atsaka hindi na ako komportable sa mga titig ng mga tao dito, Enginner. Feeling ko hinuhubaran na nila ako sa isip-isip nila. Sobrang kagwapuhan to eh." Nilingon ko siya tsaka sinamaan ng tingin.

"Feeling mo lang yun, Leo. Tsaka pwede ba, tigilan mo yang pagrereklamo mo." Suway ko sa kanya. Wala naman na siyang naisagot at nanahimik na lang.

Kakaladkarin ako dito sa mall tapos magrereklamo. Ang sarap bigwasan eh.

Pumasok kami sa Primadonna. Ilang beses ako ulit nag-ikot doon bago ako nakabili ng isang pares ng sapatos at dalawang pares ng high heels.

Pagkatapos namin doon ay pumunta pa kami sa iba't ibang boutiques. Todo pa rin ang pagrereklamo ni Leo pero hindi ko na lang pinansin.

"Hindi muna ba tayo kakain, Engineeer?" Tanong niya saakin. Napalingon ako sa kanya at hinahaplos na niya ang tyan niya.

"Saan mo ba gusto kumain?" Tanong ko sa kanya. Bigla namang nagliwanag ang mukha niya na para bang may naisip na magandang ideya.

"Jollibee!" Napakunot ang noo ko at magtatanong na sana kung bakit doon pa nang bigla na niya akong kaladkarin.

Hindi uso saamin ang malumanay no? And to think na boss pa niya ako at secretary ko siya?

Pagdating namin sa Jollibee ay tuwang-tuwa siya naupo sa may bakanteng lamesa. Hinayaan ko na lang siya at naupo na lang din sa katapat niyang upuan.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata tsaka saglit na nag-isip.

"Gusto ko ng spaghetti, chicken joy, yum burger, coke float, annnd french fries, yung large ha, Engineer." Sagot niya habang nakatingin sa mga nakasabit na menu doon sa may counter.

"Hindi ka naman gutom ano?" Tanong ko sa kanya at kaagad naman siyang umiling habang nakangiti pa rin.

Napabuntong hininga na lang ako bago tumayo at nagtungo sa counter para um-order.

Habang nasa pila, inikot ko ang paningin ko. At sa hindi inaasahang pagkakataon, natanaw ko si Calvin. Kasama si Genny at ang anak nila.

"Miss, okay lang po ba kayo?" Kaagad naman akong napalingon sa babaeng nasa cashier nang tanungin niya ako. Ako na pala ang oorder at hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako sa malayo sa counter.

Mukhang kanina pa niya ako tinatawagan para lumapit kaso natulala na lang talaga ako.

"May I get your order, Ma'am?" Nakangiting tanong niya at mukhang binaliwala na ang pagkatulala ko kanina.

"Uhm. Yes, please.." At doon ko na nga sinimulan sabihin lahat ng gustong kainin ni Leo. Pakiramdam ko nawalan ako bigla ng gana kumain dahil sa nakita ko.

"I-seserve na lang po namin sa table niyo, Ma'am." Nakangiting sabi nanaman ng babae kaya nginitian ko na lang siya ulit.

Pagbalik ko sa table namin ni Leo, busy siyang nakatutok sa cellphone niya.

"Nakita mo sila?" Tanong niya saakin. At hindi ko na kailangan itanong kung sino dahil alam ko na ang tinutukoy niya.

"Yeah." Maikling sagot ko.

"Ayan ka nanaman. Pinapakitang affected ka. Diba nga, Engineer, wag ganyan? Chin up and show him what he is about to lose." Sagot niya tsaka napapakunot pa ang noo dahil sa ginagawa niya sa phone niya.

"Ano ba yang ginagawa mo at napapakunot pa ang noo mo dyan?" Tanong ko sa kanya at sakto naman ay sinerve na ang order namin.

"Moba." Sagot niya na hindi ko naman naintindihan. "Mobile Legends, Engineer. Try mo minsan, pampawala ng stress." Pagpapatuloy niya tsaka itinago na ang phone sabay kuha ng spag.

"I hate Mobile Legends."

------------------------- 💎 -------------------------
so ayun nga napagtripan ko
bigyan ng chap sina leo at amber
dahil natutuwa ako sa kanila
yun lang hoho.
------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon