Chapter 51: chill lang

4.7K 77 4
                                    

S E P T E M B E R       2 4       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Maaga akong nagising at inabutan kong nanonood ng tv ang dalawa.

"Good morning!" Pareho silang nakangiting lumingon saakin.

"Good morning, Mommy. Pinagluto ka namin ng breakfast ni Daddy." Lumapit ako sa kanila tsaka humalik sa pisngi nila.

"Ni-ready na rin namin ang milk and vitamins niyo ni baby." Nakangiting sabi naman ni Calvin.

"Anong meron at naka-headband ka?" Natatawang tanong ko sa kanya. He still looks hot tho.

"Ang haba na kasi ng buhok ko. Should I cut it short?" Tanong niya tsaka tinanggal ang headband at ginulo ang buhok niya.

"Don't." Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "You look hotter with that." Nakita ko naman ang pagngisi niya dahil sa tono ng pananalita na ginamit ko.

"Umagang-umaga ha, Mrs. Natividad. Wag mo 'kong simulan." Mahina pero nanggigigil niyang sabi. Kinindatan ko lang siya bago ako tumalikod at pumunta ng kusina para makakain na.

Mukha namang hindi na ako hinintay nung dalawa at nauna na kumain saakin kanina.

OoooOoooOooo

"Any plans for today?" Tanong ko sa dalawang lalake na wala yatang balak tantanan ang tv. Pareho silang seryoso sa panonood ng basketball.

"Shoot!" Pareho pa silang sumigaw tsaka pumalakpak nang mashoot nga ang bola. Napapailing na lang ako. Ito pala ang bakasyon na sinasabi nila.

"Wala kayong plano ngayong araw?" Tanong ko nanaman sa kanila. Tinignan lang nila ako tsaka nagkibit balikat tapos balik nanaman sa tv ang tingin. Nag-init na ang ulo ko.

"Ano? Sagot." Napalingon silang dalawa saakin tsaka umayos ng upo. Nahalata na yata nila ang pagkainis ko dahil binabaliwala lang nila ako buhat kanina.

"Where do you want to go?" Tanong saakin ni Calvin tsaka ako inakbayan habang hinahaplos ang nakaumbok kong tyan.

"Anywhere. I don't want to just stay here in our hotel room." Sumimangot ako. Tatlong araw na kami dito pero wala pa kaming napupuntahang lugar. Hanggang dyan lang kami sa labas.

"Then dress up. Aalis tayo ngayon." May pag-aalinlangan pa sa boses niya tsaka ibinalik ang tingin sa tv.

"Dad, paano yung basketball? We can't miss this game." Tanong naman ni Uno sa ama niya. Kita kong pinanlakihan siya ng mata ni Calvin.

"May iwantv naman. Baka ilagay nila ang replay doon. Magbihis ka na." Nagkakamot ulong sumunod si Uno kay Calvin. Tumayo na ako at nagbihis na rin.

Kapag talaga nanood na silang dalawa, asahan mong hindi mo na sila mapapatayo doon hanggat hindi ako nainis.

Pagkatapos ko magbihis ay inabutan ko nanaman silang nanonood. Wala pang suot na tshirt si Calvin.

"Kung ayaw niyo talagang iwan yang pinapanood niyo, just tell me. Maiintindihan ko naman. Ako na lang mag-isa mamamasyal." Inayos ko ang shoulder bag ko tsaka nagtungo palabas ng hotel room namin.

Iniwan ko sila doon. Nakakainis!

Calvin's Point of View

"Ayan, kasalanan mo to, Uno." Paninisi ko kay Uno na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa panonood kahit na nagwalkout na si Amber.

"Dad, ikaw ang may kasalanan. Hindi ka pa nga bihis o." Tinuro pa niya ang hubad kong katawan. Kaagad ko namang sinuot ang damit ko tsaka tumayo.

"Ikaw ang may kasalanan. Kung hindi mo ako tinawag at sinabing malaki na ang lamang natin, edi sana hindi ako uupo ulit dito." Pagbalik ko sa sisi niya saakin.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon