Chapter 64: contentment

5.3K 94 20
                                    

N O V E M B E R        0 6        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Oh, Amber, anong nangyare sayo kahapon? Bakit mo kinancel ang lakad natin?" Pagbungad saakin ni Monique. Saglit ko siyang tinitigan at kaagad niyakap ng mahigpit.

"Calvin wants to get an annulment." Muli nanamang bumuhos ang mga luha ko. Naramdaman kong nanigas siya dahil sa narinig niya.

"He what?" Tanong niya. Hindi ko na nagawang sumagot at patuloy pa rin sa pag-iyak ko.

"Ayaw ko na, Monique. Ang sakit sakit na ng nararamdaman ko." Inalalayan niya ako paupo tsaka hinaplos-haplos ang likuran ko.

"Anong nangyare?" Tanong niya at doon ko sinabi sa kanya ang lahat ng napag-usapan namin ni Calvin kahapon.

OoooOoooOooo

"Paano kung tama nga siya, Amber?" Napalingon ako kay Nico dahil sa sinabi niya. I glared at him.

"I mean, totoo naman ang tagal niyong nagkahiwalay. Tapos ang laki pa ng naging problema niyo. Admit it or not, may lamat na yang relasyon niyo. You were acting as if you understand your situation with that Genny girl when in fact, nasasaktan ka naman sa tuwing nakikita mo si Calvin. Alam mo girl, there are things that we need to accept even if it hurts. And there are people who mean the world to us but needs to let go." Pagpapaliwanag niya. Gusto ko ulit umiyak pero pakiramdam ko ubos na lahat ng luha ko. Ubos na ubos na.

"Tama naman si Nico, Amber. Huwag mo ng ipilit na manatili siya sa piling mo kung hindi ka na niya mahal. Mas lalo ka lang masasaktan. At mas lalo lang maaapektuhan ang mga anak niyo." Pagsang-ayon naman ni Monique sa sinabi ni Nico.

"Iyon na ba ang pinakahuling option na meron ako?" Tanong ko sa kanila. Pareho nila akong nginitian tsaka niyakap.

"Let go of the things that weight everything down. Ibuhos mo na lang lahat ng pagmamahal mo sa dalawang anak mo." Napangiti ako dahil sa isinagot nila. Hindi talaga ako nagkamali ng lalapitan. They always make everything easy and bearable.

OoooOoooOooo

"Mommy, Kuya Uno is cryiiiiiing!" Dinig kong sigaw ni Dos mula sa kwarto nila. Nagmamadali naman akong umakyat sa kwarto nila at kaagad nilapitan si Uno.

"What happened, sweetheart?" Tanong ko sa kanya. Ipinakita naman niya saakin ang isang eroplano niya na bali ang dalawang pakpak.

"Dos broke my Chaliv, Mommy!" Sinamaan niya ng tingin ang kapatid niya. Kaagad naman akong napalingon kay Dos na ngingisi-ngisi ngayon.

"Dos!" Suway ko sa kanya. Kaagad naman siyang napangisi.

"Mommy, it wasn't my intention to break it. I already said sorry to him." Paliwanag niya. Napakamot na lang ako sa sentido ko dahil sa kakulitan nilang dalawa.

"Mommy will fix Chaliv, okay? Stop crying na." Hinalikan ko siya sa pisngi tsaka kinuha si Chaliv sa kanya at nilampasan si Dos. Jusko, habang tumatagal, patigas na ng patigas ang ulo ng batang yan.

"Mommy, are you mad at me?" Nakangusong tanong saakin ni Dos tsaka nakayuko akong nilapitan habang dinidikit ko ang isang pakpak ni Chaliv.

"I'm not mad. Just don't do that again." Sagot ko tsaka hinipan ang kakadikit ko lang na pakpak.

"If you're not mad at me, then kiss me." Kaagad naman naantig ang puso ko dahil sa hinihingi niya saakin. Nagpapalambing nanaman.

"Nagpapalambing nanaman ang pogi kong bunso." Maingat kong inilapag si Chaliv tsaka niyakap ng mahigpit si Dos at paulit-ulit siyang hinalikan.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon