Chapter 15: cr encounter

6.2K 117 9
                                    

J U N E       0 9        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"What should I wear, Mom?" Tinignan ko naman si Uno na busy sa pagpili ng susuotin niya para sa big event mamaya. Kanina pa siya naghahalungkat ng masusuot niya at hanggang ngayon ay wala siyang mapili-pili.

"Just wear a simple shirt and a tokong, hon. Mainit doon mamaya." Sagot ko sa kanya. Kaagad naman niyang ibinalik ang tingin sa cabinet saka naghalungkat nanaman ng masusuot.

"How bout this, Mom?" Tanong niya saakin saka pinakita ang isang itim na sando at isang pair ng maroon na tokong.

"That's perfect." Nakangiting sagot ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at may mga damit siyang masusuot na bagay sa klima dito sa Pilipinas.

"And for my shoes, I'm thinking of this." Tinaas naman niya ang pair of maroon vans niya para ipakita saakin.

Nginitian ko lang siya saka tinanguan. My Uno is really growing so fast. Kung pumorma ay parang binata na talaga.

Pagkatapos niyang magsapatos ay humarap na siya ng salamin saka inayos ang buhok niya. Sinuklay niya ito papunta sa likod saka naglagay pa ng Bench Fix.

"Handsome na ba ako, Mommy?" Tanong niya saakin habang nakahalukipkip bang humarap saakin sabay kindat.

Mabilis akong lumapit sa kanya saka siya pinanggigilan.

"Handsome ka naman parati kahit may drool ka pa sa gilid ng lips mo every morning." Natatawang sabi ko sa kanya. Kaagad naman siyang sumimangot at dinipensahan ang sarili.

"Mommy, I don't drool. I'm too cool to drool." Sagot naman niya saka ngumisi.

"May I ask you a favor?" Tanong ko sa kanya habang nakasimangot.

"What is it, Mom?" Nakakunot noong tanong niya saakin.

"Please, don't grow up so fast." Mas lalo akong napasimangot nang marahan niya akong tinawanan.

"Mommy, you need to accept that I am a grown up now. We can't do anything about that." Lumapit siya saakin saka ipinulupot sa bewang ko ang mga braso niya. Kaagad naman akong lumuhod saka tuluyan siyang niyakap.

"I love you, my Uno." Hinalikan ko siya sa noo niya.

"I love you, too, my Mom. Thank you for sacrificing your work in Manhattan just to be with me here in the Philippines. You're the best Mom in the whole world!" Naramdaman ko ang paghalik niya sa sentido ko.

"Anything for you, hon." Sagot ko naman saka na tumayo.

"Are you ready? The show will start in 30 minutes." Hinawakan ko na ang kamay niya at sabay na kaming lumabas.

Nandito na pala kami sa Pampanga at nag-check in lang kami sa isang hotel dito dahil dalawang araw lang naman kami mag-stay dito then balik na rin kami ng Manila.

Sa tingin ko ay isang linggo na lang ang stay namin dito sa Pilipinas at babalik na rin kami kaagad ng Manhattan. Hindi ko rin naman maiiwan ng matagal ang trabaho ko doon. Gusto ko lang talaga ibigay ang gusto ni Uno kaya nakiusap ako na uuwi dito sa Pilipinas.

"Mommy! This place is awesome!" Nakatanaw nanaman sa labas ng bintana si Uno. Dumaan kasi kami dito sa Air Force kung saan nasa isang parke lang ang mga aircrafts na hindi na gumagana.

"I want to go there later, Mom. After the show!" Turo niya doon sa park na maraming aircraft ang nakaparada.

"Sure, babe. Mamaya na lang after ng show." Sagot ko naman. Tuwang-tuwa siya sa mga nakikita niya. Napakababaw talaga niya. Simple bagay lang ay sumasaya na kaagad siya.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon