Chapter 58: uno dos

5.1K 97 31
                                    

O C T O B E R       1 8       2 0 1 7
thankyouuu sa comments and
votes guys. nakakatuwa sila
basahin. triggered na talaga
kayo kay genny. hahahaha.
yan na ud dahil atat kayo eh no?
enjooooyyyyyyyy!
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Sweaty palms, trembling lips, abnormal heart beats, I continue to pace back and forth while waiting for the doctor to come out of the operating room.

"Amby, stay still. Everything will be alright. Kayang-kaya ng mga anak mo yan." Mom's been comforting me with her words but it seems like nothing's going to calm me right now.

Not until my children's inside that OR and not until I know that the operation is going to be successful.

"Hindi makakatulong yang kaba mo, Amber. Imbes na magpalakad-lakad ka dyan, why don't you just pray?" Tumigil ako saglit tsaka tinitigan si Mommy. Tama siya, wala namang magagawa ang pag-aalala ko.

Umupo na lang ako sa tabi niya at ibinulong ang mga dalangin ko.

OoooOoooOooo

Napatayo kami pareho ni Mommy nang lumabas na ang doktor sa OR. Tinanggal niya ang facemask niya tsaka kami hinarap.

"Doc, how was the operation? How's my sons?" Tanong ko kaagad sa kanya. May lumapit namang nurse sa kanya at iniabot ang isang clip board bago niya sinagot ang mga tanong ko.

"Mrs. Natividad, I am glad to announce that the operation was successful. Uno's body responded very well than expected. While Dos, he's perfectly fine. Parang wala man nangyare. I guessed, the real power of love. Hindi nila binigo ang isa't isa. Congratulations, Mrs. Natividad. And maipapayo ko lang, continue the healthy lifestyle but still let Uno enjoy his childhood, at least." Masaya at nakangiting sabi saakin ni Dr. Tan. Sobrang saya ko dahil sa nalaman kong kinalabasan ng operasyon.

"For now, inilipat na sila sa isang private room sa third floor. Maaari niyo na silang puntahan." Nakangiting sabi pa rin niya.

"Thank you so much, Doc. You never failed us." Pagpapasalamat ko sa kanya tsaka nakipagkamay.

"I'm just doing my job, Mrs. Natividad. Anyway, I gotta go. Mamayang gabi, babalikan ko si Uno to check on him kung magiging continues ang good response ng katawan niya. Excuse me." Nginitian niya ako at marahang yumuko sa harapan ni Mommy.

Kaagad ko namang hinarap si Mommy tsaka niyakap. Sa sobrang saya ko ay naluha na lang ako bigla.

Thank you, Lord.

"Let's go see them?" Tumango ako tsaka kumalas sa yakap ko kay Mommy. Pinunasan naman niya ang luha sa pisngi ko.

Pareho kaming marahang natawa tsaka naglakad papunta ng elevator paakyat sa kwarto nina Uno at Dos.

Calvin's Point of View

"Successful daw ang naging operation ni Uno, Kapitan." Pumasok si Trey sa opisina ko tsaka naupo sa couch na nasa harapan ng office desk ko.

Nakahinga ako ng maluwang. Kanina pa ako hindi mapakali mula nang malaman kong ngayon nga ang operasyon ni Uno. Kung hindi ko lang kinulit si Mommy Maber, ay hindi ko pa malalaman.

"Eh si Dos, kamusta siya?" Tanong ko. Tinignan naman niya ako tsaka nginisian.

"Okay din. Alam mo yung bunso mong yun, Tol. Angas ng dating kahit baby pa lang. Panigurado, maraming mapapaiyak na babae yun." Natatawang sagot niya. Napapatango na lang ako.

Gusto ko na ulit silang makita.

Amber's Point of View

"Mommy." Nakangiti kong nilingon si Dos.

"Yes, baby?" Tanong ko tsaka sila nilapitan. Kasama niya si Uno na naglalaro ng mga laruan niyang eroplano na dinala niya dito sa London.

"Kuya Uno doesn't want me to borrow his toys." Ngumuso pa siya. Timignan ko naman si Uno na nakakunot ang noo ngayon.

"That is not true, Mom. He told me he doesn't like my toys. He even said they're boring. Lying is bad, Dos." Pangangaral pa niya sa kapatid niya pagkatapos niya magpaliwanag saakin.

"Lying is bad, yes. But I ain't lying, Kuya. I was just kidding. I did that because Mom was so serious staring at her laptop." Pareho naman silang lumingon saakin.

"She misses Dad that's why." Sagot ni Uno kay Dos. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa palayaw nilang dalawa. Uno at Dos.

"Where is he?" Tanong ni Dos sa Kuya niya. Bumalik naman ako sa ginagawa ko sa laptop ko. Kailangan ko na kasing matapos ito before this week ends.

"He's in the Philippines." Dinig kong sagot ni Uno sa tanong ni Dos.

"Why he isn't here with us?" Tanong nanaman ni Dos.

"Because, he needs to work there." Walang sawang sagot ni Uno sa mga tanong ni Dos.

"Then why don't we just stay there with him?" Tanong nanaman ni Dos sa Kuya niya. Ilang saglit na nanaig ang katahimikan. Nang tignan ko.sila ay pareho silang nakatingin saakin.

"Why are we here while Daddy's in the Philippines, Mommy?" Tanong saakin ni Dos. Inayos ko naman ang pagkakaupo ko tsaka ipinatong ang laptop ko sa center table.

"Because, your Kuya Uno had to do his surgery here in London. T-that's why we went here and Daddy needs to continue his work there so he stayed." Paliwanag ko sa paraang maiintindihan niya.

"Kuya Uno's surgery was done. When are we coming back there, Mom?" Saglit kong itinikom ang bibig ko. Akala ko graduate na ako sa ganitong klaseng tanungan. Hindi pa pala.

"Soon, anak. Uuwi din tayo doon soon." Nginitian ko siya bago siya muling bumaling sa Kuya niya.

"But seriously Kuya, aircraft vehicles are boring." Pang-iinis nanaman niya sa Kuya niya na naging dahilan nanaman ng pagbabangayan nila. Nako, magsabi ka na ng kung anu-ano kay Uno, wag lang ang mga koleksyon niyang laruan.

"Get out of here while you still can, Dos. I might just kick your butt out of my sight. You're annoying me." Inis na sabi naman ni Uno sa kanya na tinawanan lang ni Dos.

"Azriel Cairo." Pagbawal ko sa kanya. Mahigit isang taong gulang pa lang siya pero sobra na sa tigas ng ulo. Malayong-malayo kay Uno.

"Mas astig yung Dos, Mommy. Just keep it that way." Kinindatan pa ako tsaka tumakbo palayo saakin. Susko!

------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon