Chapter 5: Confused..

6.8K 119 7
                                    

M A Y      3 0      2 0 1 7
---------------------- 💎 -----------------------

Amber's Point Of View

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko. Ngayon ko na kasi sasabihin sa kanila ang kalagayan ko. Two weeks ko na rin namang napag-isip-isip 'to at nakaipon na ako ng lakas ng loob. Naisip ko lang na mas mabuti pang ako na ang magsabi kesa sa malaman pa nila sa ibang tao.

"Hey, sweetie.." Humalik ako sa pisngi ni Mommy at Daddy. Sina Nico at Monique ay nandun lang sa may tapat ng bahay para bisitahin ang mga magulang nila. Magkakakapit-bahay lang kasi kami.

"Hey Mom and Dad.." Halata sa boses ko ang kaba. Feeling ko nga ay namumutla na ako.

"Why suddenly gusto mo kaming makausap? Is there something wrong?" Nag-aalalang tanong saakin ni Mommy.

"Mommy.. Daddy.." Yumuko muna ako at bumuntong hininga. Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong lakasan ang loob ko para sa baby ko. Kakayanin ko 'to.

Bahala na kung magalit sila saakin or madissapoint sila. I'm an only child. Panigurado ay madidissapoint sila saakin. Ako lang ang inaasahan nila na magmamana ng business nila.

"What is it, anak?" Tanong ni Daddy saakin. Tinignan ko sila sa mata. Mukhang nag-aalala na sila saakin.

Naluluha ako silang tinignan. "I'm...uhm..pregnant.." Tumulo ang nag-iisang luha mula sa mata ko. Nakayuko lang ako at hinihintay ang sigaw at sampal nila saakin.

"Bakit, nak?" Tinignan ko si Mommy at lumuluha na siya.

"I'm so sorry, Mommy and Daddy.. I'm sorry that I screwed up. I'm so sorry for being such a big disappointment to our family. I'm sorry if I failed again... I'm so sorry.." Humihikbi kong sabi.

"Hindi ka namin pinalaki ng ganyan, Kennedy." May galit sa boses ni Daddy. Tanggap ko kung ano man ang sasabihin nila saakin.

"I know, I know that I screwed up.. Dad, Mom, please... I'm sorry.." Lumuhod ako sa harapan nila at yumakap sa binti nila. Hindi ko kayang galit sila saakin.

"Stand up, Kennedy." Inalalayan ako ni Daddy makatayo. Yumakap ako sa kanila pero hindi nila ako niyayakap pabalik. Lalo akong naiyak.

"Who's the father?" Tanong saakin ni Daddy.

"Princess, I'm asking you who's the fvcking father of your child." Napahikbi naman ako dahil sobrang galit na si Daddy.

"C-calvin.." Sagot ko. Ayaw ko ng malaman pa ni Daddy pero wala akong choice kung hindi sabihin sa kanya.

"Who's Calvin? Ang daming Calvin sa mundo, Kennedy." Sabi naman ni Mommy.

"Calvin Natividad." Sagot ko.

"Your celebrity idol? The one that you've been crazy about?" Tanong saakin ni Daddy and I just nod my head.

"Kennedy naman! Ganun ka na ba kaobsess sa lalaking yun to the point na nagpabuntis ka?" Lalong napahigpit ang yakap ko sa kanila.

"Dad, no!" Kinwento ko sa kanila ang buong pangyayare dun sa birthday party ni Andrea. Kilala nila si Andrea dahil business partner nila yung parents niya.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon