Chapter 61: third

5.2K 92 20
                                    

O C T O B E R       2 8       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Then let go."

In that brief moment, I want to consider the thought. Kaso bigla kong naalala ang mga anak ko. Hindi lang ako ang masasaktan kapag ginawa ko iyon. Mas maaapektuhan sila.

"I won't do that." Sagot ko tsaka kumalas sa pagkakayakap niya.

"Then fight it. Fight for it." Inangat ko ang tingin ko sa kanya tsaka nagsimulang mamuo ang plano sa isip ko.

"That's more like it." Gumuhit ang ngisi sa mukha ko.

"Very good! Now, let's eat because I'm freaking starving." Natatawang sabi niya tsaka kinuha ang pinamili naming pagkain.

OoooOoooOooo

"Good evening, Mrs. Natividad." Ngiti lamang ang ginawa kong pagbati sa kanila. Nandito ako ngayon sa isang event ng pamilya ko kung saan maraming business personality ang dadalo. I don't know exactly what are they celebrating for, but I am still here anyway.

Baka ito na rin ang chance ko na makapag-offer ng deal at makakuha ng bagong kliyente kapalit ng mga nagback out dahil doon sa issue ng kumpanya five months ago.

"Amber, where's your husband?" Tanong saakin ng isa sa mga anak ng business partners nina Mommy. Nginitian ko muna siya tsaka kumuha ng champagne mula sa waiter na dumaan.

"Hey!" Bati ko sa kanya tsaka mabilis na inilibot ang paningin ko para hanapin si Calvin. Hindi pwedeng hindi pupunta yun dahil malalagot siya kina Dad.

Paglingon ko sa may entrance ay nakita ko siya doon na kakapasok pa lang.

Saglit akong napatitig sa kanya at hinangaan nanaman siya dahil kahit anong gawin niya ay napakagwapo pa rin niya. Kahit yata basahan na ang ipasuot mo sa kanya, malakas pa rin ang dating niya.

Pakiramdam ko, na-love at first sight nanaman ako sa kanya. He never go out of style. Still, so handsome and hot.

Kung titignan siya, aakalain mong binata pa rin siya. Para bang wala pang mga anak at asawa. Kaya nga malamang habang wala ako dito, panigurado napakaraming umaaligid na malalandi dyan.

Actually, meron na nga eh. At iniisip ko pa ngayon kung paano ko siya madidispatya.

"He's right there." Sagot ko naman sa lalaking nagtanong saakin habang sa isip-isip ko ay napapailing na lang ako sa naisip kong pagdispatya kay Genny.

"Excuse me for a while." Nginitian ko lang ang lalake tsaka hinayaang umalis sa harapan ko. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Calvin na nakikipag-usap na sa iilang businessmen dito sa venue.

Hindi ko alam kung ilang beses ko nakita ang ngiti sa labi niya. Hindi ko na nga pinansin na napatingin na pala siya sa direksyon ko.

"Good evening, everyone!" Napalingon ako sa stage nang magsalita si Daddy Nikko.

"Thank you all for coming tonight.." Nag-umpisa na ang mahabang speech niya na hindi ko na pinakinggan dahil ang buong atensyon ko ay napunta na kay Calvin.

I just want to stare at him tonight. Kahit ngayong gabi lang. Kahit hanggang matapos lang ang gabing ito. Dahil alam ko bukas ng umaga, maaaring hindi nanaman siya akin lang.

"...and also, tonight, we are celebration our daughter and son's third year anniversary." Nagpalakpakan lahat ng mga tao. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako kay Calvin na ngayon ay inililibot na ang paningin niya.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon