Chapter 23: bad things happen

5.7K 107 7
                                    

J U N E       2 3       2 0 1 7
guys, libre lang comment.
gusto ko malaman thoughts niyo
please hoho
------------------------- 💎 -------------------------

Calvin's Point of View

"Hey, son!" Bungad ko sa kabilang linya. Kausap ko ngayon si Uno. Alas-cinco na ng umaga dito sa Pilipinas samantalang alas-cinco naman ng hapon doon sa Manhattan.

"Hi, Dad! What's up?" Napangisi nanaman ako. Ilang beses ko pa lang nakakausap itong si Uno. At kung hindi mo talaga alam na maglilimang-taong gulang pa lang ang kausap mo ay aakalain mong sampung taon na ang kausap mo dahil sa tono ng kanyang pananalita.

"Ketchup. Haha! Anyway, I have a goodnews for you." Sagot ko sa kanya habang chinicheck ang schedules ko next week.

"What is it, Dad?" Tanong naman niya at halata sa boses niya ang pagmamadali. Atat din eh.

"I think I'm going to visit you next week." Sagot ko saka sinarado ang email na sinend saakin ni Trey kahapon.

"Really, Dad? That will be awesome! Mom will be so happy to see you." Sagot naman niya na labis kong ikinatuwa.

Ganito pala ang pakiramdam ng maging ama. Noong unang beses kong nakita si Uno, parang na-love at first sight ako. Hindi ko maipaliwanag ang tuwa na naramdaman ko noon. Lalo na yung kiliti sa tenga sa tuwing maririnig ko siyang tinatawagan akong daddy. Kakaiba yung pakiramdam, tol.

"Do you really think Mommy will be happy to see me?" Tanong ko sa kanya saka kinagat-kagat ang ibabang parte ng labi ko.

"Of course she will, Dad. We really miss you.." Hinaplos nanaman ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"I will see you next week, son. Ano ba ang gusto mong gift mula saakin?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing, Dad. Basta makasama ka lang namin, okay na ako." Sagot niya na nakapagpatahimik saakin. Ganun niya kagustong makasama ako.

"A'right. Expect me at your doorstep next week." Sagot ko sa kanya. Nadinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"I will, Dad. I love you!" Sa ikalawang pagkakataon ay natigilan nanaman ako at tanging bilis ng tibok ng puso ko ang naririnig ko.

Anu ba yan! Para naman akong timang na nasabihan ng I love you ng crush ko noong elementary.

Pero iba kasi ang pakiramdam na ito eh. Hindi siya yung pakiramdam na sinagot ka ng nililigawan mo. Okaya naman yung pakiramdam na ninakawan mo ng halik ang pinaka-hot na bebot sa campus niyo. Alam niyo yun? Aish! Basta ang hirap ipaliwanag!

Parang tinutunaw ang puso ko. Sobrang mahal na mahal ko ang anak ko.

"I love you, too, son." Sagot ko naman saka na ibinaba ang tawag.

OoooOoooOooo

"ANO?! Diba maayos na ang schedule ko for next week?" Nakapamewang ako habang palakad-lakad sa harapan ni Trey.

"Eh kasi, tol, papalitan ka na lang daw ni Captain Rodriguez sa flight mo papunta ng New York. May kailangan daw kasing asikasuhin doon na ipinag-utos pa ng Daddy mo." Sagot naman niya saakin.

Napasabunot ako ng buhok ko.

"No! Walang papalit saakin. Nakapangako na ako sa anak ko na bibisitahin ko siya next week. Ako ang boss dito kaya ako ang masusunod." Bumuntong hininga naman si Trey saka padabog na lumabas ng opisina ko.

Naiistress ang kagwapuhan ko sa kanila. Bakit ba kasi si Captain Rodrigues pa? Dahil lang may iuutos si Dad? Ano ba ang tingin nila sa New York, palengke lang?

Aba matinde!

Basta, final na ang desisyon kong iyon. Pupunta ako ng Manhattan next week. Makakasama ko na ang mag-ina ko.

Amber's Point of View

"Nandoon na po siya sa kwarto niya. Kanina pa nga po niya kayo gustong makausap kaso ang sabi ng sekretarya niyo ay nasa meeting kayo." Napahilot naman ako sa sentido ko. Kanina pa daw umiiyak si Uno dahil masakit ang ulo niya at nahihilo nanaman.

"Osige, Yaya Susie. Patapos na ako dito sa meeting ko. Uuwi na ako after nito." Sagot ko naman. Sa kalagitnaan kasi ng importanteng meeting ay inabot saakin ni Cindey ang phone ko at kanina pa daw tumatawag saakin si Yaya.

"Osige, maam." Ibinaba ko na ang tawag at kaagad bumalik sa conference room.

Maya-maya lang ay natapos na ang meeting namin. Sakto namang nag-ring nanaman ang cellphone ko.

Dahil na rin sa pag-aalala ko kay Uno ay kaagad ko itong sinagot.

"Ma'am Amber! Si Uno po nagnonose-bleed!" Saglit akong napako sa kinatatayuan ko bago ako nagpanic at mabilis na nagpaalam kay Cindey at nagmamadaling umalis ng opisina ko. Ni hindi na ako nakasagot kay Yaya Susie o kahit man lang napatay ang tawag.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi naman ito dahil sa allergy niya dahil mahigpit kong ibinilin kay Yaya Susie na allergic siya sa prawns and fishes.

Pagdating ko ng bahay ay nagmamadali akong umakyat at nagpunta sa kwarto niya. Nandoon sila ni Yaya habang yakap niya si Uno na may hawak na towel ngayon at may bahid ito ng dugo.

"Uno!" Kaagad silang napakalas saka nagsimula nanamang umiyak si Uno kaya kaagad ko siyang niyakap.

"Mommy, I can't breath properly.." Nanghihina niyang sabi. Pinakalma ko na muna ang sarili ko dahil lalo akong hindi makakapag-isip kapag kabado at nagpapanic ako ng ganito.

"Hon, anong masakit sayo?" Tanong ko para kahit papaano ay alam ko kung anong gagawin.

"Nahihilo ako and nahihirapan huminga, Mommy. Para akong pagod na pagod." Sagot niya saka muling pumikit at sumandal sa dibdib ko.

"Yaya, pakihanda naman ng gamit niya. Dadalhin ko na siya ng ospital." Pakiusap ko kay Yaya Susie na kaagad naman niyang ginawa.

"Baby, we will go at the hospital na ha? The doctor needs to know what is happening to you." Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Yes, Mommy. Please, bring me to the doctor." May pakiusap sa tono ng boses niya. Kung may bagay na ayaw na ayaw ni Uno bukod sa prawns at fishes, yun ay ang ospital at mga doktor. Nakakapagtaka lang ngayon dahil hindi man lang siya nagreklamo. Masakit na nga talaga ang nararamdaman niya.

Marahan ko siyang binuhat at naglakad papunta ng kotse ko. Nakasunod lang naman saakin si Yaya Susie na may dala ng bag.

Pinaupo ko na silang pareho sa may backseat at kaagad na akong nagmaneho papunta sa pinakamalapit na ospital.

Nang makarating kami doon ay kaagad kaming inasikaso ng mga nurse at kaagad din naman may nag-attend na doctor kay Uno.

Kabado ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayare sa anak ko. Hindi pa nangyare sa kanya ang ganito. Ngayon lang talaga.

Sana walang malalang nangyare sa kanya.

OoooOoooOooo

Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay sa labas ng ER ay may lumabas na ring doktor.

"Doc, how's my son?" Salubong ko sa kanya.

"We've ran a few tests to him, Ms. Jimenez. One of those is blood test." May binasa siya sa clipboard niya saka tumingin saakin.

"And to be honest, his results are not good." Pagkarinig ko pa lang ng una niyang sinabi ay para bang nagunaw na ang mundo ko.

"His red blood cells, white blood cells and platelets lever are very low. That is very very rare to happen. For now, one thing is for sure is he needs to stay here for some monitoring and medications. I will let you know everything after his results come out." Napatango na lang ako sa doktor dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Parang nanginginig ang laman ko at nanghihina ang mga tuhod ko.

What is happening to you my son?

------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon