Chapter 45: cravings.

5K 83 3
                                    

S E P T E M B E R       0 2       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Unti-unti ko iminulat ang mga mata ko nang maramdaman kong may nakamasid saakin. Nakatulog pala ako kaninang pagkauwi namin ni Uno galing sa check up niya.

Napalingon ako sa taong nakangiti saakin ngayon.

"Hi." Kumunot ang noo ko tsaka tinignan ang orasan sa bed side table.

"Ang aga pa, buti nandito ka na?" Tanong ko sa kanya tsaka naupo sa kama. Inayos ko rin ang magulo kong buhok dahil sa pagtulog ko.

"Wala na akong ginagawa sa office, so naisip ko na umuwi na lang at pagsilbihan ang napakaganda kong misis." Napairap na lang ako dahil sa pambobola niya. Hindi talaga nawawala ang tamis ng dila niya no?

"May gusto ka bang kainin?" Tanong niya saakin tsaka ako tinabihan at hinalikan sa pisngi.

"Gusto ko ng siopao." Napanguso ako. "Tsaka avocado." Pagpapatuloy ko. Natawa naman siya ng mahina bago humalik at tumayo.

"Okay, boss. Bibili na ako tapos idadaan ko na si Austin sa kanila." Paalam niya saakin. Napatampal ako bigla sa noo ko. Nandito nga pala si Austin kanina. Bakit ko ba kasi sila nakatulugan?

"Sige, hintayin na lang kita." Sagot ko tsaka tuluyan ng umalis sa kama.

"Isasama ko si Uno ha?" Paalam niya na tinanguan ko lang din. Umalis na siya ng tuluyan kaya pumasok naman ako ng bathroom para maghilamos.

Calvin's Point of View

"Siopao. Ano bang flavor ang gusto ng Mommy mo?" Tanong ko kay Uno habang nakaharap kami sa napakaraming siopao dito sa convenient store. Nakabili na rin kami ng avocado na nirequest niya.

"Ewan ko rin, Dad." Nagkibit balikat siya. Napabuntong hininga na lang ako at ginawa ang natitirang option na meron ako.

Pagdating namin sa bahay ay inabutan namin si Amber na nagluluto na ng dinner namin. Nasa kusina siya at nagkakanta pa habang nagluluto.

"Mommy, we're home!" Yumakap si Uno sa bewang ni Amber.

"Hi, hon. Nabili niyo ba ang request namin ni baby?" Tanong ni Amber kay Uno. Inilapag ko naman ang mga binili namin dito sa may counter bar para makita niya.

Nananalangin na ako na sana nagustuhan niya ang ginawa ko.

"Bakit ang dami nitong siopao?" Nakakunot noong tanong niya saamin ni Uno. Kaagad naman akong tinuro ni Uno at para bang sinasabi wala siyang alam dyan at ideya ko lahat to.

Nagpapasalamat ako ng marami sa anak ko dahil sa pagtulong saakin.

"Eh kasi, Babe, hindi ko alam kung anong flavor ba ang gusto mo. Binili ko lahat." Pagdadahilan ko. Napatampal siya sa noo niya. Pati tuloy ako gustong gawin yun.

"Napakarami nito, jusko!" Tinawanan ko na lang siya tsaka tinulungan ayusin ang mga pinabili niya.

Kaagad niyang binalatan ang mga avocado niya tsaka nilagay dun sa bowl na puno ng iba't ibang klase ng gulay.

Napangiwi ako. Puro masusustansya. Tinitignan ko pa lang, nauumay na ako.

"Gusto mo?" Alok niya saakin. Napatingin ako sa kanya. Yung itsura niya parang kapag tinanggihan ko, masasapak niya ako.

"Pwede ba?" Paniniguro ko. Baka naman tinatry lang pala niya magmagandang loob kaya inaalok niya saakin pero sa isip-isip niya gusto niyang tumanggi ako.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon