Chapter 19: can't promise

6.9K 115 8
                                    

J U N E     1 6       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Uno, remember when I asked you about your Dad?" Tanong ko kay Uno na busy naglalaro ng mga eroplano niya ngayon.

"Yes, Mom. Why?" Tanong niya saakin habang nakatuon pa rin sa mga laruan niya ang atensyon niya.

"I talked to him yesterday.." Paninimula ko saka bumuntong hininga. "And he wants to see you. Is it okay?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang napalingon saakin.

"Seriously, Mom?" Namamangha pa niyang tanong.

"Seriously." Sagot ko sa kanya. Dali-dali siyang tumayo saka yumakap saakin.

"That will be awesome, Mommy. I would love to meet him!" Sagot naman niya at nanumbalik ang excitement sa boses niya.

"Okay. Tomorrow morning, we will visit him in his office. Is that okay with you?" Tanong ko nanaman sa kanya. Kumislap ang kanyang mga mata.

"That's perfect, Mom. I should probably bring Chaliv with us and I will tell him about Jetblack." Hindi na mawala sa boses niya ang pagkagalak.

"Sure, baby. Ikaw ang bahala." Sagot ko naman.

"Yes! Aakyat po muna ako sa room ko para malinisan ko si Chaliv, Mommy." Paalam niya saakin. Tinanguan ko naman siya saka hinalikan sa noo niya.

Kung alam mo lang, Uno. Yang iniidolo mong si Jetblack ay ang Daddy mo. Paniguradong magugulat ka din at matutuwa ka.

Sana lang at maging maayos talaga ang pagkikita nila bukas.

OoooOoooOooo

"Mommy, do I look good with this?" Nakatingin si Uno sa repleksyon niya sa salamin habang inaayos ang damit na suot niya.

"You look handsome, my Uno." Sagot ko naman saka humalik sa pisngi niya.

"Kasing handsome ko ba si Daddy, Mom?" Tanong niya saakin. Napatingin ako sa suot niyang puting tshirt at khaki shorts na hanggang tuhof niya at ang paborito niyang itim na vans na sapatos.

"You look exactly like him, hon." Sagot ko saka marahan siyang niyakap patagilid.

"I bet we're both awesome. I just wish he also loves aircrafts like me." Sagot naman niya saka muling sinuklayan ang kanyang buhok.

"I'm certain that you are both awesome, love." Sagot ko naman sa kanya.

"Cool." Sambit niya saka sinuot ng pabaligtad ang kanyang itim na ballcap.

"Let's go?" Inabot ko ang kamay ko sa kanya at nakangiti naman niya itong kinuha.

He is excited while I am nervous.

OoooOoooOooo

Nandito na kami sa building ni Calvin.

Natividad Corporations.

Binundol nanaman ng kaba ang dibdib ko. Nandito na kami. Any time now ay magkikita na kaming tatlo.

"Mommy, dito po nagwo-work si Daddy ko?" Tanong saakin ni Uno habang nakatingala sa mataas na building.

"Yes, honey." Nakangiting sagot ko naman sa kanya. Nang umiwas na siya ng tingin saakin ay bumuntong hininga na ako saka saglit na hinaplos ang dibdib ko.

"Let's go?" Baling nanaman niya saakin. Nginitian ko siyang muli saka na nagpahila sa kanya papasok.

"Good morning, Ms. May I ask kung saan ang office ni Mr. Calvin Natividad?" Tanong ko sa babaeng nasa front desk.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon