Chapter 29: we'll be fine

5.7K 104 8
                                    

J U L Y       0 8       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Nandyan na kayo?"

"Ay jusko Calvin kanina pa!" Sagot ko sa kanya pabalik. Kanina pa kami naghihintay sa kanya dito sa airport at hanggang ngayon ay wala pa siya.

Mag-iisang oras na kami dito. Medyo natagalan pa kami sa loob kanina kaya ngayon lang kami natapos.

"Osige papunta na ako dyan. Traffic kasi eh." Dahilan niya. Naiintindihan ko naman dahil hindi na ako nagulat kung traffic nga dito sa Manila. Mas nakakagulat kung walang traffic.

Ibinaba ko na ang tawag pagkatapos ko magpaalam. Muli ko namang nilingon si Uno at nakaupo pa siya doon habang hawak ang water bottle niya.

Kasama din pala namin sina Monique at Nico. Kaso nagpaalam saglit dahil bibili daw muna sila ng tubig at pupunta na din sa cr.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya saka ipinaikot sa balikat niya ang kamay ko.

"I am happy, Mom." Sagot niya saka isinandal saakin ang ulo niya.

"You are?" Tanong ko.

"Yes. I am super happy. Now that we are finally staying here with Dad, everything will be fine, Mom." Sagot niya. Binuhat ko siya saka pinaupo sa kandungan ko. Isinandal naman niya ang ulo niya sa dibdib ko.

"Mommy, magiging pa po ba ako?" Medyo nagulat ako dahil sa tinanong niya saakin.

"Oo naman, nak. You will be fine." Sagot ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"If in case not, at least now I am at ease because I know Dad will take care of you if I couldn't do that anymore." Marahan niyang sabi at para bang inaantok na ang boses niya. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko.

"May masakit ba sayo, Uno?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Maayos naman ang paghinga niya at normal din ang pagtibok ng puso niya dahil nararamdaman ko iyon dahil nakasandal siya saakin.

"I am fine, Mom. I think I am just a bit sleepy. Maybe because of our long hours flight. Don't worry." Napabuga ako ng hininga dahil sa isinagot niya.

"Mom, you'll be fine without me right?" Bigla nanamang bumigat ang damdamin ko at para bang gusto ko na magmakaawa sa kanya na huwag na muling pag-usapan ang ganyang bagay.

"Please, hon, don't say that.." Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Naramdaman ko na rin naman ang pagtulo ng luha sa pisngi ko.

"I heard my Doctor said, I will have to need a sibling for me to survive. I don't have a sibling, Mom. So, I won't survive." Napailing ako habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Wala na akong pakialam kung nasa airport kami at umiiyak ako habang yakap ko ang anak ko.

"Don't cry, Mom. You know I don't like seeing you cry." Hinimas pa niya ang likod ko.

"If don't want to see me crying, stop saying those words. You'll be fine, okay?" Inilayo ko siya saakin para makita ang mukha niya. Nakangiti lang siya saakin saka pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"I love you, Mommy. I love you more than anyone in this world." Hinalikan niya ako sa noo ko kaya mas lalo akong nanghina.

"Anak, wag ka naman ganito. Mas gusto ko na yung maging makulit ka kesa sa ganito ka kadrama." Umiiyak kong sabi.

"I am not being madrama, Mommy. I want to say my thoughts about my condition. This is preparation, 'mmy." Sagot pa niya.

"Ayaw ko na ang ganyang usapan, Chaze. Magagalit na si Mommy." May pagbabanta na sa boses ko. Alam niya na galit na ako kapag tinawagan ko na siya sa first name niya.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon