Chapter 60: let go

4.8K 94 16
                                    

O C T O B E R       2 7       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"May flight daw siya ngayon, Engr. Natividad. Do you want me to set you an appointment with him?" Nilingon ko si Leo na nakatingin sa laptop niya. Napansin yata niyang nakatingin ako sa kanya kaya tinignan din niya ako.

"No need. I don't have to set an appointment with my husband." Sagot ko tsaka tumayo at lumabas ng opisina ko.

Nakarating ako dito ng Pilipinas kagabi. And the first thing I did is to check on Calvin. Kaso laking dismaya ko nang makitang walang tao sa bahay. Wala ang sasakyan niya at madilim sa loob.

Wala rin naman akong susi ng bahay kaya hindi ko rin nacheck sa loob. At ngayon nga, pinatanong ko kay Leo kung ano ang pinagkakaabalahan ng lalaking yun.

"Siya nga pala, Engr. Natividad, ano eh.." Tumigil ako sa paglalakad nang magsalita nanaman siya.

"Yung tungkol sa issue dito sa office five months ago." Pagsisimula niya. Nilingon ko naman siya tsaka humalukipkip. Muntik ko na makalimutan ang tungkol doon.

"Oo nga pala, you didn't update me about it. Fill me in." Muli ko siyang tinalikuran at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Bibili lang ako ng makakakain ko dyan sa may restaurant sa tabi dahil hindi pa ako kumakain mula kagabi.

"Sorry, Engineer. Hindi na kita naupdate dahil nga medyo nagkaroon ng problema." Nagkamot nanaman siya ng ulo niya.

"May kuto ka ba, Leo? Kanina ka pa kamot ng kamot sa ulo mo. Tsaka diretsuhin mo na lang nga ako. Ano bang nangyare doon ha?" Tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya dahil sa unang tanong ko pero mas pinili niyang huwag na lang iyong pansinin.

Nakarating kami sa loob ng restaurant kaya kaagad kaming dumiretso sa may pinakamalapit na table.

"Yung accident five months ago, hanggang ngayon po kasi ay issue pa rin yun. Some of our clients backed out when they heard about the bad news." Sagot niya. Sakto namang may lumapit na waiter saamin kaya sinabi ko na ang order ko at binilhan ko na rin si Leo.

"And you didn't tell me soon, why?" Baling ko sa kanya muli. Napakagat siya ng ibabang labi niya.

"Dahil nga po ang dami niyo ng iniisip doon kaya ang sabi ni Sir Kenneth na huwag ka na daw abalahin pa." Paliwanag niya. Napapikit ako tsaka bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko.

Once I opened my eyes, I regret it. Minsan hindi mo alam kung kailan ka paglalaruan ng tadhana. Pero madalas, sumasakto ito sa masasakit na eksena.

In front of me, is the table where Calvin and Genny's occupying. Pinagmasdan ko lang sila at mukha namang hindi nila ako napapansin. Hindi nila ako nakita.

"Sorry talaga, Engineer. We tried to tell your husband but seemed like he was also busy with work." Patuloy si Leo sa pagsasalita habang patuloy na paunti-unti din ang pagwasak ng puso ko habang pinapanood silang dalawa na nagtatawanan at hawak ni Calvin ang kamay ni Genny.

"Here's your order, Ma'am and Sir." Si Leo na ang nakiusap dun sa waiter at siya na din ang umasikaso sa babayaran at kung anu-ano pa.

Bigla na lang kasing tumigil ang kapaligiran ko. Silang dalawa lang ang nakikita ko.

"So, anong balak mo ngayon, Engr?" Tanong saakin ni Leo. Marahan kong ibinaling sa kanya ang tingin ko tsaka lumunok.

"A-aalis." Nauutal kong sagot.

"Aalis? Saan ka pupunta?" Naguguluhan pa niyang tanong saakin.

"Sa office. Halika na." Sagot ko tsaka siya kinaladkad palabas ng restaurant na iyon. Nang makalabas na kami, doon lang ako nakahinga ulit. Pakiramdam ko nasuffocate ako sa loob ng restau na yun.

"Shookt! Sabi ko na eh. Tama yung nakita ko noong minsan. Siya nga yung babaeng kaharutan ng asawa mo, Engineer. Parati ko silang nakikita eh. Tapos minsan may kasama pa silang batang babae." Nilingon ko si Leo na mukhang walang kamalay-malay kung ano na ang lumalabas sa bibig niya.

"Ops. Napasobra ako noh?" Tanong niya tsaka nag-peace sign. "Sorry, Engineer." Siningkitan pa niya ako ng mata tsaka nagkamot nanaman ng ulo.

"Hindi naman sa nanghihimasok, pero parang ganun na rin naman," Alanganin siyang ngumiti saakin. "Alam mo Engineer, pwede mo naman akong paglabasan ng sama ng loob eh. I was not just willing to be your secretary, I am also available to be your best friend. Most of the time, tayong dalawa ang magkasama. Try mo lang naman ako, Engineer. Err. Ang pangit ng pagkakasabi ko sa last sentence." Nakarating na kami ng opisina ko at kaagad akong naupo sa swivel chair ko. Hanggang ngayon ay kabisado ko pa rin kung paano ngumiti si Calvin sa harapan ni Genny. Naririnig ko pa rin ang paghalakhak niya kahit wala na siya dito.

"Akala ko matatapos na ang sakit na nararamdaman ko kapag lumayo ako. Hindi pa pala. Lalo lang lumala. Ngayon, pati mga anak ko naaapektuhan." Naramdaman ko ang luha kong pumatak mula sa mata ko. Kapag talaga si Calvin ang usapan, mababaw lang ang emosyon ko.

"Akala nila hindi na kami mahal ng Daddy nila. What am I supposed to do, Leo? Paano ko pa sila pauuwiin dito sa Pilipinas knowing that their Dad is already happy with someone else?" Naramdaman ko ang kamay niya na pinisil ang balikat ko.

"Kailan ba matatapos ang sakit dito sa dibdib ko?" Tanong ko habang kinukusot ang mga mata at ang damit ko sa may bandang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"Ikaw lang naman ang makakapagpatigil niyan, Amber." Sagot niya kaya napatingala ako sa kanya.

"Nakikinig ka ba saakin? Gusto ko na nga tumigil pero ayaw pa rin. Kung kaya ko lang, edi sana matagal ko ng ginawa." Sagot ko sa kanya. Inikot naman niya ang swivel chair ko paharap sa kanya at hinila ang isang upuan at naupo sa harapan ko.

"Kaya mo, ayaw mo lang gawin." Sagot niya.

Leo's Point of View

Sa ikli ng panahon na nakasama ko si Engineer Natividad, napalapit na rin naman ang loob ko sa kanya. Bukod sa siya ang kauna-unahang boss ko, itinuring ko na rin siyang Ate.

Kahit naman hindi niya sabihin saakin ito ay ramdam ko na ang pinagdadaanan nila ni Sir Calvin. Mula pa noon. Lalo na sa tuwing papasok si Engineer na wala nanaman sa tamang pag-iisip. Para bang parating lumilipad ang isip niya.

Tapos bigla na lang umalis at hindi pa kasama si Sir Calvin. Hindi ako bobo at manhid para hindi malaman ang pinagdadaanan nila.

At mula nga noong umalis sila, parati ko ng nakikita si Sir Calvin na kasama ang Genny na iyon. At doon na namuo ang palaisipang matindi nga ang problema nilang mag-asawa. Lalo na nang makita ko ang kasama nilang batang babae.

"Gustong-gusto ko na matanggal itong sakit na nararamdaman ko, Leo. Gusto ko na tumigil at mawala." Bumuntong hininga ako tsaka niyakap si Engineer. Wala itong malisya. Ang sabi ko nga, para ko na rin siyang Ate.

"Then let go."

------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon