Chapter 25: black code

6.3K 114 9
                                    

J U N E 2 8 2 0 1 7
habang hindi pa gipit sa
oras hoho stem student life
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Daddy, I want a slice of pizza." Tinuro pa ni Uno ang box ng pizza na kinain namin kagabi ni Calvin. Naisip kasi niya bumili niyan kahapon para kahit papaano daw ay mabawasan ang stress ko. Naging effective naman na ikinatuwa ko.

"Anak, you still can't eat pizza. Bawal daw sayo yun sabi ng doktor mo. For now, you need to eat food that are rich in iron. Like this, iron-fortified cereal. You love this, right?" Nakangiti pa itinutok ni Calvin ang isang kutsara na puno ng cereal at gatas sa bibig ni Uno.

"If I eat that, makakalabas na po ba ako ng hospital, Dad?" Tanong naman ni Uno sa daddy niya.

"Of course you also have to be strong and healthy like me. When you get better, I promise you, sasakay na tayo kay Kaliv the airplane. Do you like that?" Mula nang dumating si Calvin dito ay siya ang nagpapakain talaga kay Uno. Nabobola niya kasi ang anak niya kaya napapakain niya ng maayos.

"I would love to do that, Dad!" Sagot naman ni Uno saka na isinubo ang isang kutsara ng cereal niya. Nakipagfist-bump pa si Calvin sa kanya at nag-umpisa nanaman ang kwentuhan nila tungkol sa mga iba't ibang klase ng mga sasakyang panghipapawid.

Minsan, kahit wala naman ako maintindihan sa pinag-uusapan nila ay sumasang-ayon na lang ako para naman matuwa si Uno.

Malaking tulong din ang pagstay ni Calvin dito kasama namin. Hindi ko rin kasi kinakaya sa tuwing may test nanaman na gagawin kay Uno kaya siya ang umaasikaso kapag ganun.

Ayaw kong nakikita ang anak ko na nasasaktan. Parang triple ang sakit nun para saakin.

"Daddy, can Mommy come too?" Napataas naman ang kilay ko nang pareho nila akong tignan habang nakangiti saakin.

"Of course Mommy will be there too! Hindi kumpleto ang black code kapag wala si Mommy." Napakunot naman ang noo ko dahil wala akong kamuwang-muwang sa pinagsasabi nila saakin ngayon.

"Saan ba yan at ano ang black code?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Marahan namang tumawa si Uno.

"Black code is our team name, Mom." Maikling paliwanag naman ng anak ko na tinanguan ko lang kahit hindi ko pa rin gets.

"Bakit black code?" Tanong ko sa kanila.

"Daddy is Jetblack, I am Planeblack, and you are Captainblack. The code will not work if one of us is away. So, we have to stick together to activate the code." Sandaling nagproseso sa utak ko ang sinabi ni Uno. Nang marealize ko na ang lahat ay bigla na lang akong natawa.

"You really love black, aren't you?" Natatawang tanong ko sa kanila.

"Superb!" Sabay pa nilang sagot habang magkadikit ang pointing finger at thumb nila at nakatayo ang tatlong natitirang daliri nila.

Mas lalo akong natawa dahil sa inakto nila. Magkamukhang-magkamukha talaga sila.

"Bakit naman Captainblack ako?" Tanong ko sa kanila.

"Because you are the driver and the ruler of our lives, Mom." Sagot nanaman saakin ni Uno.

"Yes, you said it all, bud. High five!" Nakipag-apir naman si Uno sa isip bata niyang ama. Mapapailing ka na lang talaga dahil sa kalokohan na naiisip nila.

"Sige, papayag ako maging Captainblack ng black code. But only in one condition.." Napatitig naman siyang dalawa saakin at hinihintay ang sasabihin ko.

"What condition?" Atat na tanong saakin ni Calvin.

"If only my handsome Uno will give Mommy a kiss on the cheek and a super tight hug." Kaagad naman niyang pinaghiwalay ang mga kamay niya chaka sinalubong ako ng halik sa pisngi at napakahigpit na yakap.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon