Chapter 32: day 1&2: wardrobe

6K 90 4
                                    

J U L Y       2 1       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Putek!" Napahimas ako sa sentido ko pagkakita ko pa lang sa mga damit na nasa bagahe ko.

Hindi naman ito ang mga dinala ko. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang puting lingerie na tinanggihan kong ipabili kina Nico sa VS.

"Bakit nandito to?" Bulong ko sa sarili ko saka inangat para mas lalo ko itong makita. Jusko maryosep!

"Monique and Nicooooo!" Impit na tili ko. Ugh! I knew it! Pinakialam nila ang gamit ko! Bakit ba hindi ko muna chineck ulit bago kami umalis kanina?

Uggghhh! Kaya naman pala isang pair na lang ng pajamas ang nandito at puro shorts at tank top na lahat. Isali pa ang mga lingerie at bikinis na pinamili namin noon.

Napapikit na lang ako saka yumuko. Ayaw ko namang isuot yung pajamas dahil mainit ngayon.

Kainiiiiiiis! Wala akong choice! Tutal naman ay nandito na ako, bakit hindi ko pa sulitin diba? At tutal naman ay nakita na niya lahat saakin, ano pa ba ang dapat kong itago?

Bumuntong hininga ako saka kinuha ang isa sa mga nighties ko.

This is it!

Calvin's Point of View

Nandito ako sa balcony ng villa namin ni Amber. Nakatanaw lang sa dagat kahit madilim na habang umiinom ng wine.

Sa totoo niyan ay kinakabahan talaga ako. Ewan ko ba, nakakatanga na nga eh! Para namang perstaym lang namin gagawin to. Saka hindi naman ako sigurado kung ngayon na ba namin gagawin yun.

Napepressure tuloy ako!

Nakakadagdag pa sa kaba ko ang mahigit isang oras na niyang nakakulong doon sa banyo. Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa niya doon kaya mas lalo lang akong napapaisip ng kung anu-anong bagay.

Inisang lagok ko ang natitirang wine sa baso ko saka nagsalin ulit. Kailangan ko to, pampalakas ng loob!

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko na ang pagbukas-sara ng pintuan sa banyo. Tapos na siya.

Pinakalma ko muna ang sarili ko at pinagpatuloy lang ang pag-inom habang nakatanaw sa dagat. Maganda talaga sa lugar na ito. Nakakarelax yung ambiance dahil nature ang makikita mo.

I never really got the chance to travel. I mean, sa tuwing may out of country ako ay parating trabaho naman ang ginagawa ko. Oo nga't piloto ako, hindi ko naman naeenjoy ang mga napupuntahan kong lugar. Sasaglit lang ako doon tapos balik nanamn dito. Eh hindi rin naman ako nakakagala talaga dahil dinudumog ako.

Ganun talaga kapag gwapo, kahit saan ka magpunta, may nakaharap na camera sayo. Kaya magpasalamat ka hindi mo dinadanas ang dinadanas ko. Ayaw kong mahirapan ka.

"Calvin.." Biglang nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan nang maramdaman ko na hinawakan ako sa balikat ni Amber.

That sent shiver to my spine.

"Sa mata ko lang ikaw tumingin. Wag kang titingin sa iba." Unti-unti niya akong pinihit paharap sa kanya. Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang papaharap ako.

Ano bang trip niya at talagang tiningala pa niya ang ulo ko?

"Amber, ano bang nangyayare sayo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Basta wag kang titingin sa ibaba. Sa mga mata ko lang. Pagmasdan mo kung gaano kaganda ang mga mata ko." Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon