Chapter 14: Pilipinas

6.3K 110 12
                                    

J U N E        0 8        2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"MOMMYYYYY! Wake up! Wake up!" Naramdaman ko ang pag-ugong ng kama ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nagtatatalon na pala si Uno.

"Mommy, wake uuuuppppp! We are going to be late in our flight! Come on!" Tumabi naman siya saakin saka ako paulit-ulit na hinalikan sa pisngi ko.

"Let's go na, Mommy!" Bulong nanaman niya sa tenga ko atsaka ako hinalikan sa pisngi.

Napangiti ako dahil sa panlalambing na ginagawa niya saakin.

"Did you take your bath already?" Tanong ko sa kanya saka naupo habang marahang kinukusot ang mga mata.

"Yes, Mom. I'm done. I already pulled my luggage at the living room. I am just waiting for you to wake up and get ready." Nakapamewang pa siya habang sinasabi iyon saakin. Napapailing na lang ako.

"Okay, wait for me at the living room. I will just take a bath then we will go to the airport." Nakangiting sabi ko sa kanya. Sumilay naman ang ngiti sa labi niya.

"Airport! My favorite place on Earth!" Tumatalon pa siya habang tumatakbo palabas ng kwarto ko.

Napakahyper talaga ng isang yun.

Tumayo na rin ako kaagad dahil 6 o'clock pala ng umaga ang flight namin ni Uno at 5 o'clock na. Hindi kasi ako kaagad nakatulog kagabi kakaisip sa pag-alis namin ngayon.

Pagkatapos ko magbihis ay kinuha ko na ang backpack at luggage ko at bumaba na rin.

May dala din namang backpack at maliit na luggage si Uno.

Paglabas namin ay kaagad kaming sinalubong ng service na maghahatid saamin sa airport.

OoooOoooOooo

"I really love this place." Namamanghang sabi ni Uno habang nakatanaw sa mga eroplanong nakaparada sa gilid.

Siminghap siya nang makita ang eroplanong pa-landing na.

"That was awesome, Mom!" Tuwang-tuwa siya habang pinapanood ang mga iyon.

"I'm really excited to see the largest aircraft in the whole world." Nakangiti pa nitong sabi saakin. Mula nang sinabi ko sa kanya na pupunta kami ng Pilipinas, hindi na siya tumigil sa pagkukwento at pagpaplano kung ano ang gagawin niya kapag nandoon na kami.

Mula din ng araw na yun ay binibilang na niya ang mga gabi hanggang sa huling gabi namin sa Manhattan.

"This will be a 19 hours flight, don't you want to continue your sleep?" Tanong ko sa kanya. As if on cue, humikab siya.

"I'll take that as a yes." Natatawang sabi ko. Ngumiti lang siya saakin saka na nahiga.

Maging ako ay inaantok din dahil hindi kumpleto ang tulog ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko saka nagpatianod na rin sa antok.

OoooOoooOooo

"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at Ninoy Aquino International Airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you."

Kita ko naman na nakatanaw pa rin si Uno sa labas. Nakikita ko na ang Pilipinas. Nandito na pala kami sa Pilipinas.

"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 1:05 PM and the temperature is 36°C."

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon