Chapter 27: captain

6.1K 110 15
                                    

J U L Y       0 1      2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Calvin's Point of View

"Kailan ang honeymoon?" Nasamid ako dahil sa tanong saakin ni Mommy.

"Mommy naman.." Sagot ko sa kanya saka pinunasan ang gilid ng labi ko.

Pamuntik ko na mabitawan ang cellphone ko dahil sa tinanong niya saakin. Sa boses pa lang niya ay parang ready na siya magkaroon ng isang dosenang apo.

"Bakit naman Kameron? Yun naman ang ginagawa ng mag-asawa pagkatapos ng kasal. May anak na nga kayo ngayon mo pa ako susuwayin tungkol sa mga ganyang bagay?" Napairap naman ako saka ibinalik ang atensyon ko sa laptop ko.

"Hindi ko kasi alam kung may balak si Amber, Ma." Sagot ko naman.

"Tinanong mo ba ha?" Tanong niya saakin na inilingan ko naman.

"Hindi po." Sagot ko.

"Aba kailangan mong tanungin. Hindi naman lalapit sayo ang asawa mo para sabihing maghoneymoon na kayo. Wag kang torpe, nak!" Napakunot naman ang noo ko dahil sa pangangaral saakin ng nanay ko.

Torpe? Ano kami highschool students?

"Basta, Ma. Ako na bahala." Sagot ko sa kanya.

"Okay aasahan ko yan ha. Pwede na ako sa sampong apo. Bye, Kameron!" Hindi na ako nakaangal dahil binabaan na niya ako ng telepono.

Okay lang naman saakin kahit ilang anak pa eh. Kahit isang dosena pa yan, mas gusto ko nga yun eh.

Amber's Point of View

"Hindi pa nga!" Sagot ko nanaman kay Monique. Nandito kami ngayon sa site kung saan tinatayo ang bagong building ng bangko niya.

"Nako ambagal naman pala ni Calvin!" Natatawang sani pa niya habang umiiling.

"Akala ko pa naman mala-ninja yang si Calvin dahil isang gabi lang ang kinailangan niyo para mabuo si Uno. Aish! Ang kupad pala! Tsk tsk tsk." Napapailing niyang sabi habang nakatanaw sa malapit ng matapos na building niya.

By next month, tapos na itong project na ito. By next month din ay tapos na ang kontrata ko dito sa Manhattan. Napag-usapan namin na sabay-sabay na kaming babalik ng Pilipinas nina Monique at Nico. May pinagkakaabalahan din kasi si Nico dito. Nagkaroon siya ng fashion show dito sa Manhattan kaya busy ang lola niyo ngayon.

Si Calvin naman, by the end of this month ay babalik na siya ng Pilipinas. Mauuna lang siya ng dalawang linggo saamin ni Uno dahil may kailangan pa siyang gawing trabaho doon.

Hindi naman siya pwedeng magstay din ng matagal dito sa Manhattan dahil doon talaga ang trabaho niya.

Calvin's Point of View

Pauwi na ako galing sa mall na pinuntahan ko dahil may gusto daw kainin si Uno. Ako muna kasi ang nag-aalaga sa kanya dahil nagtatrabaho si Amber.

Naramdaman ko naman na may nagtext saakin kaya dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko.

From: misis captain
Nasaan ka?

Napangiti naman ako dahil sa nakita kong text ng asawa ko.

To: misis captain
Pauwi na po galing mall. Why?

From: misis captain
Fetch me? Nasiraan ako eh.

Kaagad naman akong nag-alala dahil sa sinabi niya.

To: misis captain
Nasaan ka?

From: misis captain
110th Street. Yung boundary ng Harlem at Central Park.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon