Chapter 35: day 6&7: fall

5.5K 85 14
                                    

J U L Y     3 0      2 0 1 7
sunday ud ppl.
may new story po pala ako
malalaman niyo ang title soon
under construction pa kasi.
hint: black
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Paglabas ko ng kwarto namin ay nakita ko siya sa may living room at nakaupo sa couch habang nakaharap sa cellphone niya.

"Ehem." Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

"Babe, gutom ka na ba?" Nagmamadali naman siyang tumayo saka lumapit saakin.

Sumimangot ako. Naguguilty tuloy ako dahil pakiramdam ko hindi ko siya pinagkatiwalaan.

"Sorry.." Yumuko ako saka pinaglaruan ang mga daliri ko. "Sorry kasi nagselos ako dun sa babaeng kasama mo. Malaki naman ang tiwala ko sayo, pero kasi hindi ko alam paano talaga kumilos sa isang relasyon. First time ko maramdaman ang ganung inis. Sorry talaga." Naramdaman ko naman ang pagyakap niya saakin.

"It's okay. Naiintindihan ko naman. Pero sana parati mong tatandaan na ikaw lang ang mahal ko. Wala kang dapat ipangamba." Tumango ako at mas lalong hinigpitan ang pagkakayap sa kanya habang sumisiksik sa dibdib niya. Ito ang pinakasafe at komportableng lugar para saakin.

"Gusto mo na ba mag-lunch?" Tanong niya saakin.

"Gusto ko muna magpahinga sa kwarto." Sagot ko. Hindi rin naman kasi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip sa kanya. Napaparanoid na ako kagabi.

"Ikaw ha.. Hindi ka nanaman makapagpigil kaya kinausap mo na ako. Wag ka mag-alala, babe. Pareho lang tayo." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ulol! Hindi yun ang iniisip ko. Inaantok pa ako dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi." Inirapan ko siya saka tinalikuran. Masyado na siyang nagiging active ngayon. Parang parati siyang tigang.

"Uy babe!" Hinabol niya ako papasok ng kwarto.

OoooOoooOooo

"Ang ganda ng paligid no?" Nakaakbay saakin si Calvin habang nakasandal naman ang ulo ko sa balikat niya. Nandito kami ulit sa balcony habang nakatanaw sa labas. Madilim na at nakasindi na lahat ng magagandang ilaw sa kapaligiran.

"Hmm.." Sagot ko saka saglit na ipinikit ang mga mata ko.

"Amber, pwede ba magtanong?" Tanong niya saakin. Nanatili ako sa pagkakapikit ko at hinintay ang sasabihin niya. Nag-eenjoy ako sa posisyon namin ngayon.

"Noong unang beses mo nalaman na buntis ka kay Uno, may balak ka bang sabihin saakin yun?" Tanong niya saakin. Saglit akong nanahimik saka inangat ang ulo ko.

"Oo. Kaso dahil gago ka at inunahan mo ako tungkol sa mga responsibilidad, nagdesisyon akong huwag na lang sabihin sayo." Sagot ko sa kanya. Siya naman ang nanahimik ngayon.

"Pero wala akong balak na itago siya sayo habangbuhay. Alam ko naman na darating at darating ang araw na magkikita kayo at magkakakilala." Pagpapatuloy ko.

"Sa tingin ko may naidulot namang mabuti ang paglayo mo sa kanya saakin. Dahil naipanganak at napalaki mo siya sa mapayapang mundo. Kung sakali na nagstay kayo sa tabi ko noon, malamang ay lalaki si Uno sa maingay at magulong mundo ko noon." Sagot niya. Napapatango naman ako dahil agree ako sa sinabi niya.

"I know. I made the best decision before." Sagot ko din naman.

"Wag niyo na ako iiwan ulit ha?" Napalingon naman ako sa kanya nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Dahil hindi ko na alam kung anong mangyayare saakin kapag umalis kayo ulit." Pagpapatuloy pa niya. Para namang biglang natunaw ang kalahati ng puso ko dahil sa tono ng boses niya.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon