Chapter 28: shop w trio

6.1K 95 23
                                    

J U L Y 0 7 2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Nandito kami ngayon sa airport dahil hinatid namin si Calvin. Ngayon na kasi ang alis niya pauwi ng Pilipinas. After two weeks ay susunod din naman kami ni Uno doon.

"I'll see you in two weeks." Binuhat niya si Uno saka hinalikan sa pisngi. "Ikaw muna ang bahala sa Mommy captain mo ha?" Bilin pa nito saka ako tinignan at hinapit sa bewang ko palapit sa kanya.

"Of course, Daddy captain. Walang mangyayareng masama kay Mommy captain kapag ako ang kasama niya." Sagot naman ni Uno saka ako kinindatan kaya sabay kaming natawa ni Calvin.

"O sige na.. Aalis na ako. Mag-iingat kayo dito ha? Uno, take care of yourslef. Wag matigas ang ulo at susunod dapat kay Mommy ha?" Bilin nanaman niya kay Uno saka pa ako tinuro.

"Oo na nga, Dad. Why are you so stubborn?" Napakamot na lang si Uno sa ulo niya kaya medyo natawa si Calvin. Ginulo muna niya ang buhok ni Uno bago ako nilingon.

"Ako na ang bahala sa bakasyon natin aa Maldives." Kinagat ko ang ibabang labi ko saka inilagay ang dalawang kamay sa likod na bulsa ng pants ko.

"Ilang araw tayo mawawala?" Sagot ko sa kanya.

"Maybe a week? Okay na ba yun sayo?" Tanong niya saakin.

"Yah." Sagot ko habang tumatango. Muli nanaman niya ako hinapit sa bewang ko at mabilis na hinalikan sa labi.

"I will never get tired of doing this, Amber. Kahit segu-segundo pa kitang halikan." Bulong nanaman niya habang nakayakap na saakin.

"Ikaw na muna ang bahala sa anak natin ha? Kailangan ko pa magtrabaho para sa mga magiging anak pa natin." Pagpapatuloy pa niya kaya nasapak ko siya ng pabiro sa braso niya.

"Sige na, aalis na ako. Bye!" Muli nanaman siyang humalik saakin at nakipagfist bump naman siya kay Uno bago tumalikod at tuluyan ng umalis habang kumakaway.

Napabuntong hininga ako.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Ayaw ko na siyang umalis pa sa tabi ko. Nabuhay kami ni Uno ng limang taon na wala siya. Tapos ngayon, pakiramdam ko maiiyak na ako dahil umalis nanaman siya.

Dalawang linggo lang naman ang hihintayin ko at makakasama na namin siya ulit.

Bakit ba napakaclingy ko na yata sa kanya ngayon?

Aish!

"Let's go na, hon." Hinawakan ko si Uno sa kamay saka na kami naglakad papunta ng kotse ko. May trabaho pa ako ngayon kaya maiiwan nanaman si Uno sa yaya niya.

OoooOoooOooo

"Maldives? Omg girl! Mapapadali talaga ang pagbuo niyo ng junaks niyan. Ako bahala sa wardrobe mo." Kinindatan pa ako ni Nico. Kaagad ko namang hinagis sa kanya ang crumpled paper na hawak ko.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant at tapos na ang trabaho ko. Nakipag-meet lang saakin ang dalawang bruha para makichismis.

"No thanks, Nics. Kaya ko na." Sagot ko sa kanya. Baka kung ano pa ang ipadala niyang damit saakin at tuluyan na akong hindi makalabas ng kwarto.

"Kami bahala sayo gurl. Honeymoon to duuh! Dapat may mga sexy lingerie ka. Super hot nighties and bikini. Pak na pak!" Tumingala pa si Nico habang iniimagine ang mga sinasabi niya.

Bigla naman akong kinilabutan.

"Jusko naman Nico! Baka hindi lang isa ang mabuo nila dahil dyan sa binabalak mo ipasuot kay Amber." Natatawang sabi pa ni Monique.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon