Chapter 56: time

4.5K 82 9
                                    

O C T O B E R      1 4       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Magpahinga ka na muna dito. Kami na ang bahala kay Uno." Tinanguan ko na lang muna si Mommy. I also need a rest.

Nandito pa rin ako sa ospital. Gusto kasi ni Ira na magpahinga na lang muna ako dito. Dahil daw sa stress at pagod kaya bigla na lang akong hinimatay. Kailangan ko daw iwasan iyon pero paano?

Si Uno, kailangan pa niyang magstay dito sa ospital ng ilang araw. Si Calvin hanggang ngayon ay hindi nagpaparamdam saamin. Kahit isang text ay wala kaming matanggap mula sa kanya. Kung kanina naiinis ako, ngayon nag-aalala na ako na baka may masamang nangyare sa kanya kaya hindi niya kami makontak.

"Amber." Napalingon ako sa pintuan at nakita ang hinihingal kong asawa doon.

Gusto ko maiyak pero pinigilan ko. Mas pinili ko manahimik at hayaan siyang makarating sa harapan ko.

Nang makarating siya sa harapan ko, yumuko siya.

"How are you feeling?" Tanong niya tsaka ibinulsa ang dalawang kamay niya.

"I'm fine." Sagot ko. Nakita kong binasa niya ang ibabang parte ng labi niya tsaka lumunok.

"Ang sabi saakin ni Ira, stress at pagod daw ang dahilan kung bakit ka biglang hinimatay." Inangat niya ang paningin niya saakin tsaka kinagat ang labi niya. "I'm really sorry, Amber. Naging selfish nanaman ako at sarili ko nanaman ang inisip ko." Lumapit siya saakin tsaka ako niyakap.

Doon lang bumuhos ang luha ko. Mga luha na matagal ko ng tinago.

"Stop saying sorry. Please." Kumalas siya sa pagkakayakap saakin tsaka pinunasan ang luha ko.

"Stop saying sorry when, in fact, this is all my fault. I'm sorry for hurting you. Sorry kung hindi ko nakikita na nagsasawa ka na. Sorry kung nagsasawa ka na." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko.

"Totoo naman yung sinabi mo saakin. Sa sobrang sakit na ng nararamdaman ko, hindi ko na nakita ang sakit na nararamdaman mo. I've been so selfish to you." Pinunasan ko ang luha sa mata ko dahil sa nanlalabo na talaga ito. "I've been so unfair. Hindi kita masisisi kung bakit okay lang sayo kahit na umalis na lang ako. I'm really sorry, Calvin. You don't des--"

"Stop." Luhaan ko siyang tinignan sa mga mata niya. Malamig ang mga ito at hindi ko mabasa kung ano ba ang iniisip niya. "Sasabihin mo na hindi kita deserve? Why?" Napakunot na ang noo niya pero kita pa rin kubg gaano kalamig ang bawat titig niya saakin.

"B-because, all I think about is my pain. I never considered yours. Not until you told me. You don't deserve me because I am not the perfect wife that you want me to. I didn't even realize how much you need me by your side because all I think about is leaving when everything's already painful." Sagot ko. Sinusubukan ko lahat ng makakaya ko para makapagsalita ng maayos dahil kada salita ay gusto na lang kumawala ng mga hikbi ko.

"So, you finally admitted, you always thought of leaving me again? Ha, Amber?" Saglit akong natigil. Napatitig ng taimtim sa mga mata niya.

"Kahit gaano na kasakit ang mga ginagawa mo, kahit nakakasawa na umintindi minsan, kahit na nababaliw na ako kakaisip kung paano pa ba ayusin ang pamilya natin, pinangako ko pa rin sa sarili ko na hindi kita iiwan." Seryosong sagot ko sa kanya. Unti-unti na ring tumitigil ang paghikbi ko.

"Kakasabi mo lang, Amber. You always thought of leaving me when everything's already painful. Ano yun?" Huminga siya ng malalim tsaka ginulo ang buhok niya.

"Dahil umaasa ako na pipigilan mo ako at sasabihin manatili lang ako sa tabi mo. Umaasa ako na sasabihin mong ako lang ang mahal mo at umaasa ako na baka sakali, baka sakali kapag sinabi ko iyon, mawala ang sakit na pilit winawasak ang puso ko. Yun na lang kasi ang tanging sandata ko dito sa laban ko." Lalo lang kumunot ang noo niya at hindi makapaniwalang tinitigan nanaman ako sa mga mata.

"I can't believe this. Hindi pa ba sapat na ipinaparamdam at sinasabi ko sayo araw-araw kung gaano kita kamahal? Kung gaano ko kayo kamahal ni Uno?" Muling tumulo ang luha sa mata ko. Kalmado na ang boses niya at para bang nagmamakaawa na at pagod na pagod na. "Sandata? Iyon na ang paraan mo? Being married with me is enough, Amber. You have me. I'm all yours. Hindi mo na kailangan gawing panakot pa ang pag-iwan saakin. Dahil sa totoo lang, takot na takot akong iwanan mo akong muli." Pinigilan ko muling maiyak nang makita ko ang luha na lumandas sa pisngi niya.

"I stopped believing that you're all mine when I knew that you also belong to someone else. Akala ko nga rin akin ka lang. Akala ko nga rin ako lang. Kaso nakakatawa dahil akala lang pala iyon. Kung nakakayaman lang ang mga akala ko, malamang tinalo ko na si Bill Gates." Saglit akong napangisi sa sinabi ko. Kita ko namang marahang bumagsak ang magkabilaan niyang balikat.

"Ikaw lang naman ang mahal ko, Amber. Mahirap bang paniwalaan yun?" Puno ng pagmamakaawa ang kanyang mga mata. Para bang nagmamakaawa sila na tumigil na ako dahil napapagod at nagsasawa na siya.

"Hindi mahirap paniwalaan dahil ilang beses mo na ipinaramdam at sinabi iyon saakin. But Genny happened. Anong tawag mo sa kanya? Mahal number two?" Muli nanaman akong napangisi. Naumpisahan ko na, bakit hindi ko pa ituloy.

"What happened between me and Genny was an accident. Hindi ko intensyon na mabuntis siya." Pagdadahilan niya. Napairap ako tsaka pinunasan ang tumulong luha sa mata ko at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang hikbi dahil sa nakakagagong sagot niya.

"Accident? Accident pa rin ba yung bigla na lang may nangyare sainyong dalawa at nakabuo pa kayo? And worst, you had me and Uno that time. Accident na bigla na lang napasok ang kaligayahan mo sa kanya? Wow ha." Tuluyan na akong tumalikod aa kanya dahil hindi ko nanaman mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Hindi ko na alam kung ano pa ba ang masakit. Ulo ba, paa dahil sa ngawit kakatayo, mata dahil sa kakaiyak, likod dahil sa paghikbi, o puso dahil wasak na ito. Hindi ko na matukoy.

"Amber, please naman, I thought we've already talked about this. How come we're keep coming back to this issue? Kaya nga palala lang ng palala ang maliit nating hindi pagkakaunawaan eh. This argument started because of the toy that Uno wanted. Tapos napunta tayo sa point na to? Ano ba ang gusto mong mangyare?" Tanong niya saakin. His eyes are begging for answers. Para bang kahit anong isagot ko sa kanya ay tatanggapin na lang din niya.

"I want space." Finally, nahanap ko na rin ang gusto ko. Maybe time and space is all we need. Sa sobrang liit na ng mundo namin, gustong-gusto na naming kumawala. Hindi na kami makahinga. Masyado na naming nasasaktan ang isa't isa.

Matagal niya akong tinitigan sa mga mata ko. Para bang kinakausap at sinusuri niya ang buong pagkatao ko. Ilang saglit lang ay nagsalita na siya.

"Fine. If that's really what you need and what you want, then I'll give it to you."

------------------------- 💎 -------------------------
treasure everything you have.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon