Chapter 48: against

4.3K 75 6
                                    

S E P T E M B E R       1 5       2 0 1 7
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

"Leo, cancel all my appointments today. May emergency lang akong pupuntahan." Nagmamadali pero maingat akong naglakad paalis. Hindi ko na narinig ang sinagot saakin ni Leo. Malamang ay kalokohan lang naman iyon.

Pagsakay ko ng kotse ay kaagad akong nagmaneho papunta ng ospital.

OoooOoooOooo

"Mrs. Natividad, lumalala na ang damage sa bone marrow ni Uno. Pero kakayanin pa naman basta ipagpatuloy lang ang medications niya at ang blood transfusion." Paliwanag ng Doktor saakin. Napatango na lang ako. Iyan din ang sinabi niya noong nagpa-check up si Uno.

"Bakit po nahihirapan pa rin siya ng ganito, Dok? Continues naman ang pagtake niya ng gamot at blood transfusions niya." Nagtatakang tanong ko. Ang alam ko kasi ay dapat hindi na siya gaanong sinusumpong ng ganito.

"Dahil lang iyon sa kailangan niya ulit ng blood transfusions. Iyon na lang kasi ang paraan para maprovide ang katawan niya ng blood cells na kailangan nito." Sagot niya. Napatango na lang ako. Para nanamang may nakabara sa lalamunan at dibdib ko. Maging ako yata ay hindi na makahinga ng maayos.

"Ma, natawagan niyo rin po ba si Calvin?" Baling ko kay Mommy Casey na mukhang alalang-alala na rin kay Uno.

"I tried pero hindi siya sumasagot eh." Sagot niya tsaka tinignan ang cellphone niya. Tumango na lang ako tsaka naupo.

Maya-maya lang ay sinabi saamin na pwede na daw naming puntahan si Uno.

Bukas lang ay pwede na siyang umuwi.

Calvin's Point of View

"Oh, kamusta si Genny?" Tanong ni Yule saakin. Sa kanya ako nagpasama dito sa ospital dahil kapag si Trey ang sinama ko, baka sabunutan na niya si Genny habang nanganganak. Talaga ayaw na ayaw niya kay Genny.

"Maayos naman. Malusog daw yung bata." Sagot ko tsaka uminom sa Pepsi in can na binili ko kanina.

"Babae o lalake?" Tanong niya.

"Babae." Sagot ko.

"Tinuloy mo pa ba yung DNA test?" Tanong niya saakin. Yumuko ako saglit bago sumagot.

"Huwag na muna siguro." Sagot ko. Hindi na rin naman siya nagsalita. Sakto naman ay nagring ang cellphone ko. Kahapon ko pa ito hindi nagagamit. Naiwan kasi sa kotse tapos na-drain pa.

"Trey."

"Hoy ugok! Nasaan ka? Tumawag saakin Mommy mo at tinatanong kung nasaan ka." Bungad niya.

"Ospital. Ngayon kasi nanganak si Genny." Sagot ko tsaka tinapon ang lata ng Pepsi na ininom ko.

"Aba't nailuwal naman niya ng matino yung bata? Alam mo brad, naaawa ako dun sa bata eh. Nagkaroon ng desperadang nanay." Napakamot ako sa ulo.

"Bakit daw ako hinahanap ni Mommy?" Pagpapalit ko ng usapan.

"Aba tarantado ka talaga! Hindi mo alam na sinugod nanaman sa ospital si Uno? Anong klase?" Halata sa boses niya ang pagkainis.

"HA? Bakit daw?" Tanong ko tsaka nagmamadaling naglakad pasakay ng kotse ko. Dinig ko pang tinatawagan ako ni Yule pero hindi na ako nag-abala lumingon.

"Yung Daddy daw kasi niya mas inuuna pa ang iba kesa sa kanila. Tsk  tsk tsk." Sagot niya. Dahil tinamaan ako sa sinabi niya, binabaan ko na lang siya.

Amber's Point of View

Nandito na kami sa bahay. 9 o'clock na ng gabi. Dapat sana ay bukas pa lang kami lalabas ng ospital kaso ayaw daw manatili ni Uno doon kaya hinayaan na kami ng Doktor niya na umuwi.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon