Chapter 54: tear

4.6K 76 5
                                    

O C T O B E R      0 8       2 0 1 7
may nakahula kung ano ang
meron sa 10 kaso nakatulog
ako kagabi kaya ayan na ud.
haha.
------------------------- 💎 -------------------------

Amber's Point of View

Nakatulog ako dahil sa kakaiyak. Paggising ko kinaumagahan ay nandito pa rin ako sa salas. Inaasahan ko na kukumutan man lang ako ni Calvin pero kahit yun ay wala.

Dahan-dahan akong bumangon habang inaalalayan ang tyan ko at tinignan ang paligid.

Ang aga pa pala. Tulog pa lahat ng kasama ko dito sa bahay. Alas tres na ako natulog tapos ang aga ko pa nagising. Baka hindi na muna ako pumasok sa trabaho ngayon.

Tumayo na ako tsaka nagpunta sa kwarto namin ni Calvin. Inaasahan ko na makikita ko siya doon habang tahimik na natutulog.

Kaso wala siya.

Hinanap ko siya sa buong kwarto pero wala. Baka nasa kusina lang siya at hindi ko napansin. Tumuloy ako sa banyo at naligo para masimulan ko na ang araw ko.

Mamayang konti lang ay magigising na rin kasi si Uno.

OoooOoooOooo

Pagdating ko sa kusina ay wala si Calvin doon. Kaagad ko namang tinignan ang garahe at wala doon ang kotse niya. Ang aga naman niyang umalis?

Napabuntong hininga na lang ako.

"Good morning, Mommy!" Pagharap ko kay Uno ay kaagad niya akong sinalubong ng yakap at halik sa pisngi.

"Good morning! How's your sleep?" Tanong ko sa kanya tsaka sabay kaming naupo sa sofa kung saan ako nakatulog kanina.

"Actually, I had a bad dream, Mom." Napasimangot siya na tila ba naalala niya ang nakakainis niyang panaginip.

"Doon sa panaginip ko, bumalik daw po tayo sa London, Mommy. Then we left Daddy here. Tapos may ibang baby na daw si Daddy at hindi na niya tayo love." Natigilan ako sa narinig ko. Pakiramdam ko saglit na dinukot ang puso ko tsaka ito dinurog.

Paano kung hindi lang pala sa panaginip mangyayare iyon? Paano kung sa sobrang nasasaktan ko na siya ay tuluyan na siyang magsawa saakin at sumama kay Genny?

"Why are you crying, Mom?" Mabilis ko namang pinunasan ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala sa pisngi ko.

"That nightmare made me cry, hon. But don't worry because that will never happen. Daddy loves us, okay?" He smiled at me and nodded.

"That's what I thought when I woke up. I knew Daddy loves us and we will never leave him." Nakangiting sabi pa rin niya na nginitian ko rin.

Yes, as much as we can, we will stay together. Kahit ang matirang dahilan na lang ay kayo ng kapatid mo, Uno.

OoooOoooOooo

"Hindi ako makakapasok ngayon, Leo." Nagpamewang ako habang kausap si Leo.

"It's okay, it's alright, Engr. Natividad. Walang problema doon. Wala ka naman gaanong gagawin dito sa opis kaya oks lang talaga. Do not worry." Masigla nanaman niyang sagot. Hindi siya nauubusan ng energy.

"Okay, good." Sagot ko tsaka ibinaba ang tawag.

"Mommy, where are we going?" Tanong saakin ni Uno na tapos na palang magbihis ngayon.

"We're going to visit your Tita Oni because she arrived from New York today." Sagot ko sa kanya.

"I missed NYC, Mom. When are we coming back there?" Tanong niya saakin.

he's my daddy?! // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon