I met her

3.2K 103 6
                                    

Dei's POV

Nicomaine Dei C. Mendoza, pero mas prefer kong tawagin akong Dei.
Estudyante ng DUB Academy.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa room namin nang biglang magkaroon ng commotion. Nagtatakbuhan ang mga lalaking estudyante sa kung saan. Nabangga pa nga ako nung isa.

Ano bang meron at mukhang may pinagkakaguluhan silang lahat? Halos lahat ng mga lalaki nakasilip sa mga bintana ng classroom nila at parang may inaabangan.

"Tol, bilisan natin! Parating na yung magandang transferee."

Narinig ko sa isa sa mga dumaan. Ahh, so may tranferee palang parating. Hindi ko alam kung exxage lang talagang maka-react ang mga lalaki sa school namin at first time nilang makakakita ng maganda. Eh andito naman ako:)

Dire-diretso pa rin ako sa paglakad pero napahinto ako sa nakita ko. Si Ms. Jones, secretary ng school kasama ang...isang magandang babaeng estudyante.

Wow. Yan ba yung transferee? Ang ganda nya ha. May kamukha sya pero hindi ko matandaan kung sino. Matangkad, maputi, matangos ang ilong...basta kakaiba ang aura nya. Hindi ko maexplain.

Tapos yung paglakad nya parang slow motion. Alam nyo yun, yung parang sa mga palabas. Slow motion with matching sparks at hampas ng hangin sa buhok.

"Ang ganda nya p're."

"Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagandang mukha."




Gaya ng mga lalaki sa paligid ko, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Kahit na nakalampas na sila, nagawa ko pa rin syang lingunin at sundan ng tingin.




Oh my! Nato-tomboy na yata ako. Agad kong sinampal ang pisngi ko. Hindi! Babae ako, may crush akong gwapo. Siguro masyado lang akong nagagandahan sa kanya kaya ganun ang naging reaksyon ko.



At bago pa ako abutan ng first class ko, pumasok na ako sa loob ng room.

Pero natigilan ako nang makita ko si Jake. Sino si Jake? Sya lang naman ang kaklase kong ultimate crush ko. Hearthrob sya ng school kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Simula nang tumuntong ako sa DUB Academy, gusto ko na sya. Pero kailan man hindi ako naglakas ng loob na magtapat. Kahit na friendly sya at mabait...natatakot akong ma-reject.

Nasa may pinto sya ng room at nang dumaan ako, nginitian nya ako.





-_-



0_O




Waaah! Nginitian nya ako at yung smile nya...ang ganda. Oxygen! Mahihimatay na yata ako.

***










Uwian na...
Pero hindi ako dumiretso sa dorm kasi pinatawag ako sa office ni Ms. Jones.

Pagpasok ko sa loob, naabutan kong andun din yung magandang transferee. Nakaupo sya at nakayuko.

Pinaupo naman ako ni Ms. Jones sa harap ng desk nya at katapat ko pa si Ms. Tranferee.

"Ma'am bakit nyo po ako pinatawag?"

"Dei, gusto kong malaman mong simula ngayon ay hindi ka na mag-iisa sa room mo..."


"...dahil makakasama mo na sya." at tinuro nya yung babaeng katapat ko.



"Sya si Deny. Hindi sya masyadong nakikipag-usap sa mga estudyante maliban sa mga teachers...medyo mahiyain kasi sya. Pero sana matulungan mo pa rin sya Dei. Since you are the student of the academy for a long time, I trust you hija. Tulungan mo si Deny na makapag-adjust sa school. I-tour mo sya at ituro mo sa kanya ang iba't ibang lugar dito."


Napatingin ako dun sa Deny at nginitian ko sya. Nag-closed smile lang sya as a response.

"Sige po ma'am, I'll try my best."

"Thank you Dei. Sige na, pumunta na kayo sa dorm nyo."


May boys and girls dormitory sa school namin. At solo ko ang kwarto ko sa ilang taong stay ko dito. Pero ngayon, hindi na. Kasama ko na kasi sya. Pero okay lang, masaya nga ako at excited dahil sa wakas may magiging kasama na rin ako. I'm looking forward para sa magiging bonding namin. Sana maging magkaibigan kami.

Naglalakad na kami papunta sa kwarto namin.

"Yan nga pala yung mga kwarto ng iba pang dormers. May curfew tayo ng 9pm kaya dapat bago mag-9 nasa kwarto na tayo. Maganda naman ang dormitory natin dahil may aircon at komportable talagang tirhan. Teka, saan ka nga ba nag-aaral dati?" Tumigil ako sa paglakad at nilingon ko sya. Pero...nakita kong hawak nya ang cellphone nya at busy sa kung ano.

"Hindi ka pala nakikinig." malungkot kong sabi.

Nakahalata na sya siguro kaya inangat nya ang tingin nya sa akin at ngumiti lang sya ulit ng matipid. Hindi na sya sumagot pa instead, hinila nya yung maleta nya at nauna sa'king maglakad.

Ganun ba talaga sya? Walang balak na makipag-usap sa'kin? Ang shy-type nya naman masyado. Mas lalo tuloy akong nagwo-wonder sa pagkatao nya. Parang may something...at kung anuman yun, gusto kong malaman.

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon