Hide Out

1.1K 78 3
                                    

Alden's POV

Nang malaman kong pinatawag si Dei sa guidance dahil sa video na kuha sa CCTV, agad akong umalis ng room para puntahan sya. Pero nasa hallway pa lang ako ay nakita ko na si Dei. Balak ko na sana syang puntahan pero napaatras ako nang makita kung sino ang kasama nya.

"Jake, bakit mo ginawa yun?" humarap sila sa isa't isa.

Nagtago ako at hinayaan ko lang na marinig ang pinag-uusapan nila.

"Kapag hindi ko yun ginawa...mae-expel ka. Hindi ko kayang mawalan ng isang kaibigan."

"Salamat talaga Jake. Kung hindi mo ginawa yun baka nga ma-expel ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina."

"Sino nga ba yung lalaking kasama mo kahapon? Kilala ko ba sya? At bakit kayo magkasama?"

Hindi ko na hinintay pa ang isasagot ni Dei kay Jake. Umalis na ako. Gusto ko mang malaman kung ano ang sasabihin nya pero mas lalo lang akong nagi-guilty. Kasalanan ko na naman kung bakit muntik na syang mapaalis sa school.
***

Dei's POV

Ha? Tinatanong nya ako kung sino ang lalaking kasama ko kahapon? Anong isasagot ko?

"Boyfriend mo ba sya?"

Napalunok ako sa sumunod nyang tanong. Si Alden...boyfriend ko? Hindi ko agad nagawang makasagot...pa'no naman kasi, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Never mind. Huwag mo na isipin ang tanong kong yun." tumawa sya bigla.

"Tara na, uwi na tayo." dagdag pa nya.

Tumango ako at naglakad na ulit kami. Pagkarating ko sa dorm, wala pa rin si Alden. Nasaan na naman kaya yun? Wala naman talaga akong balak na hanapin sya pero nang magdilim na at hindi pa rin sya dumarating...I decided to find him. Iisang lugar lang ang naiisip kong pwede nyang puntahan. At kung kailangang puntahan ko sya sa lugar na yun...gagawin ko.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagdating ko sa hide out nya...nakita ko sya. Buti na lang at pinapasok ako ng guard sa studio nila kaya hindi na ako nahirapan pa. Hindi nya napansing pumasok ako dahil masyado syang busy sa pagtugtog ng gitara.

Mas lumapit ako sa kanya hanggang sa nasa may harap na nya talaga ako. Inangat nya ang tingin nya at nagulat sya nang makita ako.

"Bakit ka andito?" nauna nyang tanong.

"Eh ikaw? Bakit ka andito? Hindi ba dapat nasa dorm ka na? tumabi ako sa sofa.

Binaba nya lang ang gitara nya at tumingin sa malayo. Hindi nya sinagot ang tanong ko.

"Kung hindi ba dumating si Jake at hindi ka nya sinalba...hindi mo ba sasabihin sa kanila ang totoo at hahayaan mo na lang silang paalisin ka sa school?"

Kumunot ang noo ko sa tanong nya. Paanong napunta doon ang usapan? Pero sinagot ko na lang sya.

"Oo. Hindi kaya ng konsensya ko kung ikaw naman ang mapahamak. Mas malaking parusa ang makukuha mo kapag nangyari yun at hindi mo rin magagawa ang misyon mo. Pero wag ka ng mag-alala dahil tapos na yun. Wala ng mapaparusahan sa'tin."

Humarap sa'kin bigla si Alden...
"Yun na nga eh...wala man lang akong nagawa para maisalba ka. Muntik ka ng ma-expel dahil sa'kin pero hindi kita natulungan."

I was shocked by his words. Hindi ko akalaing nag-alala sya sa'kin ng ganyan.

"Alden..."

"Sorry. Nagi-guilty lang talaga ako dahil sa nangyari."

Ngumiti ako.
"Ano ka ba? Kalimutan na natin yun, okay? Safe na ako dahil hindi na ako mapapatalsik sa school. At ang maganda siguro nating gawin ngayon ay dobleng ingat. Pinapangako ko sa'yong walang makakaalam ng pagpapanggap mo. Habang andito ako sa tabi mo...poprotektahan kita."

Ngumiti na rin sya...
"Parang baligtad yata. Dapat ako ang magpoprotekta sa'yo."

Sabay kaming tumawa. Buti na lang at naka-recover na rin sya agad.

"Before I forget...here!" may inabot sya sa'king paper bag.

Wala mang idea pero kinuha ko ito at binuksan.
"Cellphone? Bakit mo ko binibigyan ng cellphone?"

"Hindi ba nanakaw ang cellphone mo? Naisip ko lang na bilhan ka para hindi ka na mahirapan pa. Isipin mo na lang na pambawi 'to sa lahat ng naitulong mo sa'kin."

"Pero Alden hindi ko kaya 'tong tanggapin, sorry." ibabalik ko na sana pero hinawakan nya agad ang kamay ko para hindi ko ito maibigay sa kanya.

"Just think na utang mo 'to sa'kin at babayaran mo rin." he smiled at binitawan na ang kamay ko.

"Thank you."

"I saved my number so you can contact me. In case of emergency, tawagan mo agad ako ha."

Tumango ako.

***









The next day...
Paglabas pa lang ng teacher namin, lumabas na rin ang mga kaklase ko para mag-recess. Inayos ko muna ang mga gamit ko. Ilalagay ko na sana sa bag yung notebook ko nang may mahulog na kung ano. Dinampot ko ito at tiningnan. Picture pala ni Alden, ito yung hiningi ko sa kanya noon...noong hindi ko pa alam na sya pala talaga si Alden Richards.

Tinitigan ko itong mabuti at napapangiti ako sa tuwing naaalala ko yung mga bagay na ginagawa namin kapag magkasama kami. Hindi naman talaga ako fan ng banda nila pero dahil sikat at magaganda ang mga kanta nila...nakilala ko sila. At ngayon, hindi ako makapaniwalang ang lalaking hinahangaan ng maraming estudyante sa school ay dorm mate ko at kaibigan ko pa.

"Ang gwapo nya pala talaga...kaya walang dudang maraming nagka-crush sa kanya." I blurted out.

Posible kayang...ma-in love ako sa kanya???

Ipinilig ko ang ulo ko nang ma-realize ko kung ano ang pinag-iisip ko. Hindi pwede! Iisang tao lang ang nagpapatibok ng puso ko noon pa man. At malinaw sa'king si Jake lang ang mahal ko. Oo, tama! Si Jake lang ang dapat iniisip ko kasi sya naman talaga ang gusto ko.

"Dei!"

Nagulat ako nang makita kong nasa harap ko na si Jake. Tinago ko agad ang picture ni Alden at umupo ng ayos.

"Jake, ikaw pala! May kailangan ka ba?"

Tumango sya at nabigla ako nang ilapit nya ang mukha nya sa'kin...
"Oo. Ikaw ang kailangan ko!"

"Ha?" hindi halos ako sa kanya makatingin dahil sobrang lapit nya sa'kin.

Dumistansya na sya at biglang tumawa.

"I was just kidding. What I mean is...gusto kitang yayain kumain ng recess."

Tumawa rin ako.
"Ahh! Sige, gutom na rin ako eh. Aayusin ko lang muna ang mga gamit ko."

Nauna na syang lumabas ng room dahil inayos ko muna ang mga gamit ko. Lalabas na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko.

"Si Alden?"

Sinagot ko naman agad ito.

"Hello?"

"Nasaan ka ngayon? Sabay tayong kumain."

"Ha? Eh...ano kasi...kasabay ko ng kumain si Jake. Niyaya nya rin kasi ako."

Bakit ba naman kasi sabay silang dalawa? Nahihirapan akong mamili.

"Pero kung gusto mo, sumabay ka na lang sa amin." sabi ko.

"Hindi na. Enjoy-in mo na lang ang oras na magkasama kayo. Ayokong maging sabit sa inyong dalawa."

"Oh,sige-"

Hindi ko natapos dahil pinatayan na nya ako. Bakit ganun? Parang sa tono ng pananalita nya...it seemed that he's jealous. Bakit? Dahil inaagaw ko sa kanya si Jake? Hahaha! Nagseselos sa'kin si Deny.

Tinago ko na ang cellphone ko at lumabas na. Pumunta agad kami ni Jake sa cafeteria at kumain.








Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon