Alden's POV
Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa dorm nang biglang dumating si Dei.
"Oh, Deny! Nag-aayos ka pala ng mga gamit mo. Mukhang marami yan ah, tulungan na kita."
Ibinaba nya lang ang bag nya at kinuha nya ang mga notebook ko sa bag ko. Tss. Pakialamera talaga ang babaeng 'to.
Pinigilan ko sya. Pilit kong kinukuha sa kanya ang mga gamit ko pero pinagpipilitan nya talaga ang gusto nya.
"Okay lang Deny. Sanay naman ako sa pag-aayos kaya okay lang na ako ang magligpit ng mga gamit mo. Okay lang talaga."
Sanay mag-ayos? Samantalang ang kalat kaya ng kwarto nya pagkarating ko dito? Sinungaling.
Pinilit ko pa ring bawiin ang gamit ko pero ang tigas talaga ng ulo nya. Kaya ayun, nahulog sa sahig. Napa-facepalm na lang ako dahil sa nangyari. Ang kulit nya kasi eh!
"Sorry."
Dali-dali nyang pinulot ang mga notebook kong nagkalat sa sahig.
"Teka! Sino 'to?"
Nakita ko na lang na hawak nya yung picture ko. Hindi si Deny...kundi yung totoong picture ko bilang si Alden.
Tumayo sya at tinitigan itong mabuti. Balak ko sanang agawin pero pilit nyang inilalayo ito.
"Aha! Sabi na nga ba eh!"
Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Hindi pwede! Hindi nya pwedeng malaman na si Deny at si Alden ay iisa. Paano na yung misyon ko?
Itinapat pa nya malapit sa mukha ko ang picture ko at tinitigan itong mabuti na parang sinusuri.
"Umamin ka na..."
"...crush mo si Alden Richards!"
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi nya. Akala ko talaga mabubuko na ako dun. Buti na lang at abnormal 'tong babaeng 'to dahil hindi nya agad naisip na ako si Alden Richards.
"Crush mo rin pala sya ha! Hindi ba sya yung gwapong lead vocalist ng Band Slam? Saan mo nakuha 'tong picture na 'to? Ang gwapo nya dito."
parang kinikilig na sabi nya.Hindi ko alam na ganyan ang magiging reaksyon nya. Mukhang patay na patay sa'kin ang babaeng 'to. Paano kung malaman nyang ang babae sa harap nya ngayon ay ang lalaking tinutukoy nya? Haha, for sure magpapakamatay 'to. Mas maganda pa ako sa kanya kapag babae ako.
"Oy Deny! Akin na lang 'to ha. Crush ko rin kasi si Alden eh."
Kinuha nya ang wallet nya at nilagay ito sa loob. Hindi ko na sya pinigilan pa.
"Naging crush ko sya dahil kamukha nya yung crush ko...si Jake-"
Nagulat sya nang sabihin nya yun. Ahh...so crush nya pala ang Jake na yun. At kaya nya ako naging crush dahil kamukha ko ang crush nya. Eh mas gwapo pa kaya ako dun.
"Haist! Bakit ko ba sinabi? Ang bobo ko, ang bobo ko talaga!" bulong nya sa sarili.
Tumingin sya sa akin na parang nahihiya.
"Oo na, aamin na ako. Crush ko nga si Jake. Crush ko na sya simula nang pumasok ako sa DUB Academy."
Umupo sya sa kama nya.
"Pero imposibleng magustuhan nya ako ngayon dahil...may iba na syang gusto. At ikaw yun Deny."
Halos masuka ako sa sinabi nya. Kaya pala ganon makatingin sa akin kanina yung Jake na yun...kasi may gusto sya sa akin. Kung alam lang nya.
"Masakit man sa akin pero magpaparaya ako. Sa katunayan, may pinabibigay sya sa'yo."
May kinuha sya sa bag nyang box at inabot nya ito sa akin.
"Cookies yan, sana magustuhan mo raw."
Hindi ko tinanggap yung cookies, binalik ko ito sa kanya.
"Ayaw mo? Pero mukhang masarap at saka...galing 'to kay Jake...ang hearthrob ng academy."
Umiling ako sa kanya. Alam ko namang gustong-gusto nya yung cookies...kunwari pa sya.
"You mean...sa akin na lang? Talaga Deny? Naku, thank you talaga friend! Thank you!"
Mabilis nyang binuksan ang box at kinain ang cookies. Bakas sa mukha nya ang kasiyahan. Hay! Para syang batang sabik na sabik sa cookies. Ganun ba nya kagusto ang Jake na yun? Kung titingnan eh mas lamang ako dun...mas gwapo kaya ako dun. Hay, ewan ko! Bakit ko pa ba pinoproblema ang ang babaeng 'to? Wala ako sa kanyang pakialam kaya dapat hindi ko na isipin pa kung kanino man sya magkagusto.
***
Pumunta ako sa studio ng kumpanya namin para mag-practice ng kanta. Every night umaalis talaga ako para sa daily practice ko. Kahit naman nag-aaral ako ngayon, dapat ko pa ring hasain ang skills ko sa pagtugtog at pagkanta. Mag-isa lang ako dahil wala ang mga band mates ko.
Habang nagpa-practice, biglang naputol ang isang string ng electric guitar na ginagamit ko.
"What's the problem? Mukhang hindi ka makapag-concentrate ah."
Lumingon ako at nakita kong pumasok si manager Kim sa loob. Baka kanina pa nya ako pinapanuod.
Hinubad ko ang electric guitar at umupo muna sa sofa.
"Something's bothering you or should I say...someone is bothering you. Is it your roommate again?"
"Kanina kasi manager, nakita nya yung picture ko. Akala ko talaga malalaman na nya ang pangpapanggap ko. Buti na lang at hindi yun ang pumasok sa isip nya. Nag-aalala lang ako na baka masira ang plano dahil lang sa babaeng yun."
"Alam kong nahihirapan ka na pero Alden isipin mo na lang na ginagawa mo 'to para sa banda mo. Kapag hindi ka nakahanap ng isang taong kukumpleto sa banda...madi-disband kayo."
She's right. Kapag hindi ko nagawa ang misyon ko...madi-disband na kami.
"Alden, pagtiisan mo na lang muna ang roommate mo. Hindi papayag ang school administration na bigyan ka ng special treatment dahil lang ayaw mo sa babaeng yun. Mas lalo lang silang maghihinala. Just think that you're too lucky to have a girl roommate."
"Yun na nga manager. Bakit sa dinami-rami ng magaganda sa academy...sya pa?" biro ko kay manager.
"Tama na nga. Sige na, bumalik ka na sa dorm mo. Baka abutan ka ng curfew. Magpalit ka na ng damit."
Umalis na si manager at nagpalit na rin ako ng damit pambabae. Pss. I hate wigs and all girl stuff. But I have no choice...kailangan kong panindigan 'tong pinasok ko.
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
Fiksi PenggemarLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.