Concern

1.2K 80 2
                                    

Dei's POV

"Dei, gising! Late ka na sa first class mo!"

Naalimpungatan ako dahil sa magandang boses na gumising sa'kin. Wala sa wisyong bumangon ako at kahit nakapikit ay nag-unat-unat ako.

"Haaaaaaaaaayyyyyyyy!" I finally opened my eyes.

At nakita kong nasa harap ko lang si Deny-este si Alden...hindi, si Alden na nakabihis bilang si Deny na pinapanuod ako sa pag-uunat ko.

Waaaah! Automatic akong napatakip sa may dibdib ko dahil nakalimutan kong naka-sando lang nga pala ako.

He smirked.
"Para namang hindi mo yan sa'kin pinakita dati. Ilang araw na tayong magkasama sa iisang kwarto...kaya sanay na ako sa'yo."

What?! Na-speechless ako sa mga narinig ko. Naalala ko bigla yung panahong hindi nya ako tiningnan dahil nakasuot lang ako ng sando. Lumapit pa ako sa kanya habang hawak yung dibdib ko at sinabi kong flat-chested ako.

Namula ako bigla. Tapos sumagi rin sa isip ko yung sa napkin. Nagawa nya akong bilhan kahit na lalaki sya.

Waaaaahh! No way! Nakakahiya ang mga panahong yun! Parang nasira na ang reputasyon ko bilang babae.

"K-kahit na! Akala ko naman babae ka talaga noon kaya ko yun ginawa eh. Pero ngayong si Alden ka na...hindi na tama 'to."

Hindi ko na sya hinintay pang magsalita dahil kinuha ko na ang towel ko at agad akong nagkulong sa CR.

Humarap ako sa salamin and I saw my face. Mukha na akong kamatis dahil sa pula.

"Nakakahiya! Bakit kailangang masaksihan ni Alden ang mga awkward moments na yun? Bakit isang gwapong nilalang na tulad pa nya? Feeling ko tuloy nabawasan ang ganda ko."

Naligo na ako at agad nagbihis. Hindi ko na naabutan pa si Alden dahil nakaalis na sya kanina pa.
***

Isinara ko ang librong binabasa ko at sinundan si Alden. Gumagawa ako ng assignment ko sa library nang makita ko si Alden na mukhang naghahanap din ng libro.

Pumunta sya sa bandang dulo ng mga bookshelves.

"Alden!"

Lumingon sya sa'kin...
"Wag mo kong tawaging Alden kapag nasa labas tayo ng dorm. Baka mamaya may makarinig pa sa'yo. Mag-ingat ka naman."

Medyo asar na sabi nya.

"Sorry na. Nakalimutan ko eh."

Nagpatuloy sya sa paglalakad at sinundan ko sya.

"Gusto ko lang sanang itanong yung about kay....Jake."

Napatigil sya sa paglalakad at muling humarap sa'kin.
"Ngayong alam ko na kung bakit ayaw mo kay Jake, tutulungan kitang makalimutan nya ang feelings nya sa'yo. Eh bakit ba naman kasi ikaw pa ang nagustuhan nya...haha...bromance lang ang peg." natatawa kong sabi.

"Kasalanan ko ba kung mas maganda ako kaysa sa'yo?"

Natigilan ako. Iniinsulto nya ba ako?

"A-anong sabi mo?"

Hindi nya ako pinansin dahil kumuha sya ng libro at nagbuklat.

"Baka bakla si Jake kaya nagkagusto sya sa'kin." sabi pa nya.

Aba! Sumusobra na 'to ah!

"Hindi bakla si Jake! At patutunayan ko yan sa'yo...dahil darating ang araw...na magiging kami!" I said with full of determination.

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon