This chap is for midnightshipper. For making a banner
Dei's POV
Nagkaroon ng collaboration ang art club at music club para sa araw ng closing ceremony. Ang art club ang gumawa ng mga background at props na ilalagay sa studio. Naghanda kasi ng isang program kung saan may mga theater play at singing performance ang members ng music club.
Kasama ko ang mga members ng art club at inaayos na namin ang buong studio para sa program. Ilang sandali na lang ay magsisimula na ito kaya binibilisan na namin.
"Dei...pwede ka bang makausap?"
Lumapit sa'kin si Ella, sya ang president ng music club. Parang natataranta sya.
"Sige, bakit? May problema ba?"
Binaba ko muna ang hawak kong cartolina."Nagkaroon kasi kami ng malaking problema. Isa sa mga members namin ang hindi makakapagperform. Namaos kasi ang boses nya kaya hindi sya makakakanta. Hindi ba marunong kang kumanta...pwede bang ikaw muna ang pumalit."
"Ha? Pero bakit ako?"
"Wala na kasing ibang marunong na kumanta eh maliban sa'yo. At saka magaling ka 'di ba? Minsan ka ng kumanta sa program dito sa school. Sige na, please?"
"K-kasi...matagal na yun. Hindi na ako kumakanta pa. Baka mapahiya ko lang ang music club."
"Hindi ah! Magaling ka kayang kumanta kaya I'm sure...magagawa mo yun!"
Pareho kaming napalingon ni Ella sa biglang nagsalita. Si Jake. Palapit na sya sa'min ngayon.
"Don't worry Ella, kakanta si Dei mamaya." he said.
A-ano?!
"Talaga? Salamat talaga ha Dei. Mamaya, pumunta ka sa backstage para sa damit at make-up mo. Sige na, may kailangan pa akong asikasuhin ha."
"Pero Ella-" hindi ko na sya nakausap pa dahil umalis na sya.
"Ugh! Bakit mo ginawa yun Jake?"
"Pagbigyan mo na sila. Alam ko namang kaya mo yung gawin eh, magaling ka kaya!"
"Pero kasi noong huli akong kumanta..."
Noong huli akong kumanta...may nangyari. Kumakanta naman talaga ako dati pero itinigil ko lang dahil naisip ko na sa tuwing gagawin ko ang bagay na yun...nawawalan ako ng kaibigan. I know it's a lame idea but it's true. Nagkaroon ako ng unang kaibigan sa school na 'to, she's a girl...but when I sing her a song, umalis na ang pamilya nya at hindi man lang sya nakapagpaalam sa'kin. Sya na nga lang ang nag-iisa kong kaibigan pero umalis pa sya.
Same thing happened two years ago. Akala ko talaga makakahanap na ako ng kaibigan noon. May tinulungan kasi akong lalaki na nakulong sa storage room. I promised that I will return to help him but then pagbalik ko, wala na sya. Na-realize ko na kumanta nga pala ako noon kaya nalaman nyang may tao sa labas, and he asked for help. Hindi ko man sya kaibigan pero nakakalungkot pa rin na hindi ko sya natulugan noon at hindi ko rin sya na-meet. And that's why hindi na ako masyadong kumakanta. Kaya eto, may mga kaibigan na ako. Ewan ko ba, parang may sumpa yata ang boses ko.
"I'm here! I know you can do it!" hinawakan ni Jake ang kamay ko at ngumiti sya.
Sa tingin ko...handa na ulit akong kumanta. Hindi ko dapat isisi sa pagkanta ko ang pagkawala nila.
"Sige, kakanta ako!"
May sasabihin pa sana si Jake pero biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Sandali lang ha, may tumatawag."
Lumabas muna ako ng studio.
"Alden? Napatawag ka? Tamang-tama, may sasabihin ako sa'yo."
Papupuntahin ko si Alden sa program para makita nya akong kumanta mamaya. Aalis na sya kaya alam kong mami-miss ko sya ng sobra.
"Dei, I called because I just want you to know that I'm leaving now. Hindi na ako makakapagpaalam pa sa'yo ng personal dahil may kailangan pa akong asikasuhin."
Ha? Pero bakit ngayon? Akala ko ba mamaya pa?
"Ganun ba? S-sige, mag-ingat ka."
"Thank you. Ikaw rin, mag-ingat ka."
At pinatay na nya ang linya. Para naman akong nahipan ng masamang hangin dito.
Akala ko pa naman, mapapanuod nya ako mamaya pero hindi na. Mas mahalaga ang bagay na aasikasuhin nya kaysa sa'kin. Wala akong karapatang magtampo sa kanya dahil dorm mate lang naman nya ako...kaibigan nya lang ako.
Pumasok na ako sa loob para maghanda. Pumili ako ng isang kanta na kakantahin ko mamaya. Solo performance ako kaya dapat mag-practice ako. Nakakahiya kapag namali ako dun, medyo marami pa namang estudyante ang manunuod mamaya.
***Alden's POV
Malapit na kaming makarating sa studio. I decided to just forget the mission. If I couldn't find her...maybe there's still another time. Kailangan ko munang ayusin ang gulong nagawa ko sa banda. Manager Kim convinced Hans and Ken to return. Buti na lang at pumayag pa sila.
This time, hahanap na kami ng panibagong member. Kapos na kami sa oras kaya simpleng audition na lang ang gagawin. Bale tinawagan na lang ang mga nag-audition dati na nakapasa na.
Kasama ko si manager sa van, dala ang mga gamit ko. Napatingin ako sa baba dahil may kung ano akong natapakan. Kinuha ko ito. It was a small blue box na parang lagayan ng alahas. Parang pamilyar.
"Manager, what's this?" tanong ko habang pinapakita ito sa kanya.
Sya kasi ang tumulong sa'kin kanina sa pag-pack ng tira kong gamit.
"I thought it was yours."
"Hindi eh. Baka kay Dei." napaisip ako bigla. Kay Dei nga ito. Ito yung box na nakapatong lang sa side table nya. I wonder kung anong laman nito.
Dahan-dahan ko itong binuksan.
And I was shocked when I saw what's inside. Tinanggal ko ito sa box.
"Bakit andyan yan? Hindi ba yan yung dati mong suot na bracelet?" tanong ni manager.
I finally saw it! Pero ang tanong-bakit na kay Dei ang bracelet na 'to? Posible kayang....sya si Meng?!
"How come?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Alden? What's happening?"
"Manager, I need to go back in school."
"Ha? Bakit? Ano ba kasing meron?"
"Basta! Kailangan ko syang makausap! Babalik ako sa school."
"S-sige." sinunod na lang ni manager ang sinasabi ko kahit na wala syang idea. Inutos nya sa driver na bumalik kami.
At nang makarating na ang van sa school, agad akong bumaba dala ang bracelet ko. Pinigilan pa ako ni Manager dahil hindi ako naka-disguise at baka pagkaguluhan ako ng mga tao. Pero wala na akong pakialam pa, kailangan kong makita si Dei.
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
أدب الهواةLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.