Escapade

1.2K 84 4
                                    

I know you're expecting for some Aldub featured stories but I'll be posting stories that are not related to them. But please paki-support at pakibasa pa rin po ito. Kahit hindi naman sila ang bida, you can expect na magiging maganda rin ito just like my previous...sa character nga lang nagkaiba.

Marami pa akong naka-line up na mga stories na ipu-publish at hindi ko alam kung ano ang uunahin dahil sa dami. Kaya just enjoy and have fun reading. Thanks a lot.

This chapter is dedicated for rjdp17. Thanks for your wonderful comments. I appreciated it all.

Dei's POV

After ng lunch, tinupad nga ni Alden ang sinabi nya...pumunta kami sa isang theme park. And for his secure, nagsuot sya ng cap at eye glasses para hindi sya makilala ng mga tao. Una naming sinubukang sumakay sa mga rides. Pareho naman kaming walang fear of heights kaya okay lang. Pagkatapos ng nakakahilong roller coaster, sa ferris wheel naman kami sumakay. Ang ganda-ganda ng view mula sa taas. Tumingala ako at itinaas ang isang kamay ko na parang inaabot ang asul na langit.

"Ang ganda."

Agad akong napatingin kay Alden nang magsalita sya bigla. Anong sinabi nya? Ang ganda? Nakita ko syang nakatitig sa'kin, na-conscious naman ako bigla. Teka! Ako ba ang sinasabihan nya ng...maganda?!

"Ang ganda...ng langit 'di ba?" then he held his face up looking at the 'beautiful' sky.

Yung langit yung maganda? Oo nga naman, masyado akong assuming na ako ang sinasabihan nya ng maganda.

Tumingala ulit ako...
"Oo, ang ganda nga...ng langit."

"Alam mo bang pangarap ko talagang maging piloto."

I glance back at him...
"Para kasing kapag nasa itaas ka, ang gaan ng pakiramdam mo. Lahat ng mga nararamdaman mo...nawawala and everything seems possible."

"Pero bakit hindi ka naging piloto?" I asked.

"Hindi ko rin alam eh. Basta one day, nasa music industry na ako. Hindi ko naman pinagsisisihan kung ano ako ngayon...I just wonder kung nasaan na ako kung naging piloto ako."

"Alam ko kung saan ka mapupunta kapag naging piloto ka..." lumingon sya sa'kin na parang nagtatanong ng 'saan'.

"...eh di sa taas."

Then we both laugh.

"But seriously...ang pangarap ko ay maging flight stewardess naman."

"Really? Kung ganun...pwede pala tayong magsama sa trabaho." sabi ni Alden na parang manghang-mangha.

"Pero hindi ako sure kung yun ba ang kukunin ko sa college. Baka kasi Culinary Arts ang ipakuha sa'kin ng mga magulang ko. Bahala na...kagaya mo, kung saan ako mapunta...magiging masaya na lang ako."

"Pero kung magiging chef ka naman...pwede kang magtrabaho muna sa restaurant ko."

Ngumiti ako na parang nakakuha ng idea mula sa kanya.

"Oo nga. Mukhang pagtatagpuin pa rin tayo ng tadhana kahit na ano pa mang maging trabaho ko sa future."

Napaisip ako bigla. Paano nga ba kung natapos na ni Alden ang misyon nya? Aalis na kaya agad sya?

"Alden...may tanong ako."

"Ano yun?"

"Kapag ba-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi tumigil na ang ferris wheel.

Hindi namin namalayan na tapos na pala ang ride namin. Ang bilis naman.

"Tara na?" he said

Tumango ako at sinundan ko sya sa pagbaba.

***

Balak pa sana naming mamasyal nang mas matagal pa pero tumawag na ang manager ni Alden at pinapapunta na sya sa studio. Hindi nya muna ako pinauwi, pinayagan nya akong sumama sa studio nila. Na-excite talaga ako sa idea na makakapunta ako sa lugar kung saan nagpa-practice ang Band Slam. Sana ma-meet ko rin ang mga ka-banda nya.

Binuksan ni Alden ang isang malapad na pinto at una nya akong pinapasok.

"Wow!" naibulong ko sa sarili ko nang makita ang loob.

Ganito nga yung mga nakikita kong studio na pinagpa-praktis-an ng mga banda. Pero mas malaki at mas maganda ang sa kanila. Bukod sa may
lounging area pa, napapalibutan din ito ng transparent na dingding kung saan matatanaw ang nasa labas.

"Alden, dumating ka at...mukhang may kasama ka."

Napalingon ako sa may sofa at nakita ko dun ang dalawang lalaki na pamilyar sa'kin. Kung hindi ako nagkakamali ay si Hans at si Ken na pareho nyang ka-banda. Wow! Ang gwapo pala talaga nila sa personal.

Sinundan ko si Alden nang lumapit sya sa dalawa. Pinaupo nya ako at kaharap ko na sila ngayon.

"Hi miss, I'm Hans." in-extend nya ang braso nya para kamayan ako at inabot ko naman ito habang nakangiti.

"Dei ang pangalan ko. Kaibigan ni Alden"

"Ken is here." si Ken naman ang kumamay sa'kin.

"Pero sure ka bang kaibigan nga lang?" pagbibiro nya.

Tumawa na lang ako.
"Ano ba? Huwag nyo nga syang pagkaisahan. Kaibigan ko si Dei at dinala ko sya dito para ipasyal." sumingit na sa eksena si Alden.

"Pero alam mo Dei, ngayon lang nagdala ng babae yang si Alden...kaya mag-isip-isip ka na." si Hans naman ang nagsalita.

Binato sya ng unan ni Alden.
"Don't mind them, inaasar ka lang ng mga yan!" tumingin sya sa'kin habang nakangiti.

"Okay lang, ang saya nga nilang kasama. Pero...hindi ba apat kayo? Nasaan si Dane?"

Nagkatinginan yung tatlo. Hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin ng mga tingin nilang yun.

"Ah...si Dane? Nasa-"

Hindi natuloy ni Ken ang pagsasalita dahil biglang bumukas ang pinto.
"I'm glad you're here Alden!"

Nakita ko yung manager ni Alden. Bata pa sya at maganda, parang hindi sya bagay maging band manager kundi artista.

"She's Dei...yung kinukwento ko sa'yo." Alden introduced me to her.

Tumayo ako at saka nakipag-shake hands sa manager nya.

"Hello po." nahihiya pa ako.

"Oh! I see...ikaw pala si Dei. Kaya naman pala..." makahulugan nyang sinabi habang nakangiti sa'kin.

Ano raw? Hindi ko na-gets.

"Manager, bakit mo ba ako pinatawag?" nagtanong na si Alden dahilan para mabago ang usapan.

"The company is in need of models. Kukunin muna kita for clothing brand. Kaya lang until now, hindi pa dumarating ang partner mo. Ano kayang magandang gawin?"

Model? Nagmo-model din pala si Alden? Kung sa bagay, malaki nga naman ang bentahe kapag may gwapo kang mukha.

"Manager, tinatanong pa ba yan? Look whose here?" tinuro ako ni Hans na para bang nakakita ng solusyon.

Tumingin naman sila lahat sa akin.

"Naiisip nyo ba ang naiisip ko?" tanong nya ulit.

"A-ako???" itinuro ko pa ang sarili ko.

Sabay-sabay silang tumango at sumagot maliban kay Alden.

"Oo, ikaw nga!"

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon