Alden's POV
Pilit kong tinatapos ang kino-compose kong kanta pero nawawala ako sa konsentrasyon. As usual, dito ako dumiretso sa studio namin para mag-practice at mapag-isa. Nagpalit muna ako ng damit panlalaki at nagtungo na sa madalas naming pagpraktisan ng banda ko.
Naputol bigla ang lapis na ginagamit ko sa pagsulat ng nota para sa kantang ginagawa ko. Binitawan ko ito at biglang napaisip.
Naalala ko na naman yung sermong ginawa sa'kin ni Dei kanina. Sobrang galit nya sa'kin dahil lang binasted ko ang lalaking pinakamamahal nya. Sa pagkakaalam ko...dapat magpasalamat pa sya sa'kin. Ngayong binasted na ni Deny si Jake...mababaling na dito ang atensyon nya at may chance na maging sila. But look at her...kulang na lang eh patayin nya ako dahil sa ginawa ko. Porket hearthrob ng academy...wala ng karapatang ma-basted??? Haha...nababaliw na nga yata ang isang yun.
Tumawa ako. Tumawa ako sa tuwing naaalala ko ang lahat ng mga sinumbat nya sa'kin kanina. Ibang klase talaga syang babae.
"Oh? Mukhang masaya ka!"
Napalingon ako sa may pinto at pumasok sina Hans at Ken. Sila yung dalawa ko pang band mates. Si Hans ang drummer namin at si Ken ang pianist.
Tumabi sa'kin si Hans na sya ring unang nagsalita pagkapasok pa lang.
"Ang aga mo ah at mukhang masaya ka dahil tumatawa ka kahit mag-isa."
"Oo nga. Anong meron?" sabi ni Ken. Sa kabilang couch sya umupo na kaharap lang namin.
"Wala! May naalala lang ako."
"Talaga lang ha? Akala namin nababaliw ka na eh...kakahanap dyan kay mystery girl." biro ni Ken.
"Kumusta nga pala si mystery girl? At teka- hindi ba may pasok ka ngayon...bakit ang aga mo dito? Hans
Alam nilang pumapasok ulit ako dahil sa misyon pero ang hindi nila alam eh nagpapanggap akong babae. Hindi na namin pinaalam yun ni manager Kim dahil ayaw na naming idamay ang dalawa kahit na kabanda ko pa sila. At bukod dun...pagtatawanan at kakantyawan lang nila ako. Kaya wala silang ideya na hinahanap ko si Meng bilang isang babae.
"Tapos na ang klase namin eh kaya dumiretso na agad ako dito. Pilit ko syang hinahanap pero mukhang mailap pa sya. Hindi ko pa ulit naririnig ang maganda nyang tinig eh."
"Matatagalan pa ba bago magkaroon tayo ng panibagong member Alden? Isang buwan na lang bago ang 'Battle of the Bands' at isang buwan na rin lang ay malapit na tayong ma-disband...yun ay kung hindi agad natin sya mahahanap." problemadong sabi ni Ken.
Sumingit ulit si Hans na isa pa ring namomoblema...
"Tumawag nga pala ulit sa'kin si Dane. Sabi nya tuloy na raw ang operasyon nya at malabong makabalik pa sya sa banda."
Mahigpit kong hinawakan ang lapis. Kaya lang naman kami nagkaroon nang problema sa banda simula nang magkaroon ng sakit si Dane. Sya ang aming bass guitarist at minsan ay nagiging back up singer din. Nagkaroon sya ng throat infection at doon lang namin nalaman na may malubha pala talaga syang sakit.
Pansamantala syang umalis sa banda para magpaopera. At walang kasiguraduhan ang pagbalik nya. Okay lang naman kung umalis muna sya at magpagamot. Kaya lang may problema. Ayon kasi sa contract na pinirmahan namin sa entertainment na nag-handle sa amin, marami pa kaming kailangang i-accomplish sa napag-usapan within the months. Pero dahil tatlo na lang kami ngayon at walang assurance ang pagbalik ni Dane...hindi na kami maco-consider na band unless makahanap ng papalit. Bukod dun, madi-disband kami at baka makasuhan pa 'pag nagkataon.
It's a tight situation between all of us. Hindi naman namin mapipilit na bumalik sa banda si Dane because of his acute condition. And we can't also pay the damage to the entertainment right away dahil masyado itong malaki. Hindi kami makakakuha ng ganun kalaking pera in just one snap.
Gumawa ng paraan si manager. Kinausap nya ang president ng entertainment na bigyan pa kami ng chance. Ipapagpatuloy pa rin namin ang nasimulan namin but this time, may bago na kaming member. Pumayag naman sila pero kailangan pa naming ipanalo ang isang 'Battle of the Bands'. Kapag nagawa namin yun, magpapatuloy pa rin ang Slam Band. Pero kapag hindi...madi-disband na kami.
Hindi kami pwedeng magkamali ng pagpili sa bagong member namin. We conducted some secret auditions para maghanap ng papalit kay Dane. Hindi pa namin pwedeng i-reveal na mapapalitan na ang isang myembro namin dahil paniguradong masisira ang kredibilidad ng entertainment sa mga sponsors nito. So, we tried to find the right one...the perfect one.
Pero dahil patago nga ang paghahanap namin...nahirapan kaming pumili ng magagaling. Hindi pa rin ako sumuko sa paghahanap ng kapalit. Until I remembered Meng...and her wonderful voice. Nag-decide si manager na ipasok ako sa DUB Academy bilang isang babae para hanapin sya. Ito ay dahil ayaw nyang malaman ng mga taong ako si Alden at para na rin maiwasan ang pag-leak ng information. At least, kapag babae ako...walang mag-iisip ng kung ano.
Alam kong napaka-imposibleng mahanap sya pero buo pa rin ang loob kong makita sya. At hindi ko isusuko ang paghahanap ko sa kanya...hanggang sa makita ko sya at makumbinsing sumali sa banda.
"Don't worry guys, hindi tayo madi-disband dahil malapit ko na syang mahanap. Just trust me!"
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanfictionLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.