Caught

1.1K 78 3
                                    

Alden's POV

Nang matapos akong magpalit ng damit, lumabas na agad ako sa set. School uniform ang theme ng imo-model namin kaya nakasuot ako ng simpleng polo shirt na may vest, pants at black shoes.

Habang inaayos ng wardrobe team ang suot kong damit, biglang lumabas si Dei suot ang uniform nya. Noong una, hindi sya agad pumayag na mag-model. Ako rin naman eh, hindi ako payag na sya ang maging partner ko. Pero dahil pareho kaming walang magawa...eto at nakabihis na kami para sa pictorial.

Simple lang naman ang suot nya pero hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. First time ko lang syang nakitang nakaayos ng ganyan. Usually, plain lang sya at hindi palaayos sa sarili. But now...I admit that she improved! Let's just say...she's beautiful today.

"Alden...hindi ba sa'kin bagay yung make-up?"

Natauhan ako nang kausapin nya ako bigla.

"Ha? H-hindi. Bagay nga sa'yo eh...nagmukha kang tao."

"Ang sama mo talaga! Pero infairness...mas bagay pala sa'yo kapag nakasuot ka ng uniform ng panlalaki. Kung sana naka-ganyan ka na lang palagi sa school...malamang pinagkaguluhan ka ng mga estudyante."

Kung pwede nga lang na hindi magpanggap, gagawin ko...pero kailangan eh.

"Okay, start na tayo!" ready na yung buong set at yung photographer pero bago pa man tuluyang makapagsimula...

...hinawakan ako ni Dei sa braso ko.

"Alden...a-anong gagawin ko? Hindi ako marunong mag-model."

Humarap ako sa kanya at hinawakan sya sa balikat nya.
"Huwag kang mag-alala Dei...andito ako. Basta, tumingin ka lang sa mga mata ko at magagawa mo 'to...magagawa natin 'to."

At nagsimula na nga ang pictorial namin. Gaya ng sinabi ko kay Dei, tumingin lang sya sa mga mata ko. Nag-pose kami kung ano ang pinapagawa sa amin ng photographer. May mga pagkakataong magkaharapan kami at meron din namang nakatingin lang sa camera.

After ng school uniform, nagpalit naman kami ng sports wear. Parehong pang-tennis ang mga suot namin.

Nasundan pa yun ng ilang pictorial, formal at summer wear. Matagal na naman akong nagmo-model pero hindi ko alam kung bakit parang na-enjoy ko ngayong gawin ang bagay na 'to. Siguro dahil si Dei ang partner ko. Bukod sa kilala ko sya, nagagawa pa naming magkwentuhan habang nagpi-pictorial.

Inabot na kami ng gabi kaya sa studio na kami kumain ng dinner. Hinatid kami ng van kaya nakauwi agad kami sa dorm. Hindi na ako nakapagpalit pa ng pambabae dahil wala namang ibang tao sa dormitory dahil weekend nga.

"Ang saya palang maging model nuh. Ngingiti ka lang sa camera, magkakapera ka na agad." masayang sabi ni Dei habang nakahiga na sya sa kama nya.

"Masaya pero nakakapagod din." humiga na rin ako sa kama ko.

"Thank you nga pala Alden ha. Kahit na hindi ako nakasama sa retreat namin, nagawa ko pa ring ma-enjoy ang araw na 'to dahil sa'yo."

Tumingin ako sa kanya at nakatingin din pala sya sa'kin.

"Okay lang, na-enjoy ko rin naman ang mga ginawa natin."

Sa totoo lang, ako talaga ang may kasalanan kung bakit hindi nakasama sa class retreat si Dei. Pinatay ko kasi ang alarm clock nya. Alam kong ang sama ko dahil nagawa ko ang bagay na yun. Ayoko lang kasing umalis sya. Pero naisip kong bumawi sa kanya, kaya pinilit kong mapasaya sya sa araw na 'to.

Sorry Dei.

***




Dei's POV

"Ha? Pinapatawag ako ng guidance?"

Pagkatapos ng klase namin, lumapit agad sa'kin ang isa sa mga kaklase ko at sinabihan akong pinapatawag daw ako sa guidance. Bakit kaya?

Kinuha ko ang gamit ko at pumunta na sa guidance. Pumasok ako at nakita ko si Ms. Jones kasama si Mrs. Fuentes, ang guidance counselor ng school.

Umupo ako...
"Ms. Mendoza, may kailangan ka sa aming ipaliwanag." bungad ni Mrs. Fuentes.

"Po? May problema po ba?"

Hinarap sa'kin ni Ms. Jones ang laptop
at may plinay syang video. Video na kuha ng CCTV.

Nagulat ako sa nakita ko. Ako yung nasa video at kasama ko dun si Alden. Nangyari yun kahapon nang naglalakad kami sa hallway ng dormitory. Hindi kita ang mukha nya dahil sa suot nyang cap. Nakalimutan kong may CCTV nga pala sa part na yun.

"Hindi ka na nga nakasama kahapon sa retreat ng klase nyo tapos nahuli ka pang may kasamang lalaki sa loob ng dormitory. Alam mo bang na-violate mo ang isa sa mga rules and regulation ng school? Paano mo ipapaliwanag sa amin ang bagay na 'to?" mataray na tanong ni Mrs. Fuentes.

Kinabahan ako bigla. Anong gagawin ko? Nahuli nila akong may kasamang lalaki at sa mismong dormitory pa. Hindi ko maitatangging ako yun.

"May pagkakataon kang magpaliwanag. Sabihin mo sa'min kung sino ang lalaking kasama mo at bakit kayo magkasama." si Ms. Jones naman ang nagsalita.

"Pero kung hindi ka magsasalita at napatunayan naming may na-violate ka...wala kaming magagawa kundi ang i-expel ka!"

Expel? Ayokong ma-expel? Ano na lang ang iisipin ng mga magulang ko kapag nalaman nilang napaalis ako sa school dahil sa isang lalaki? Pero kapag sinabi ko naman ang totoo...malalaman nilang nagpapanggap lang si Alden. Mabubuko sya at hindi nya matutuloy ang misyon nya dahil sa'kin. At kapag nangyari yun...para ko na ring sinira ang tiwala nya sa'kin.

"Ms. Mendoza...may gusto ka bang sabihin sa'min?" seryosong nakatingin sa'kin si Ms. Jones.

Naiipit ako sa sitwasyon ko. Ayokong ma-expel pero ayoko rin namang malaman nila ang sikreto ni Alden. Wala na akong choice...kundi ang magsalita. Mas gugustuhin ko pang mapaalis ako sa school kaysa ako ang magpahamak kay Alden.

"Wala po akong kailangang aminin..."

Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita.

"Wala syang dapat aminin dahil ako ang lalaking kasama nya!"



Napatingin kaming lahat sa estudyanteng pumasok na lang bigla. Teka! Bakit andito sya? At anong sinasabi nyang sya ang lalaking kasama ko?

Napatayo ako...
"J-Jake?"

"Totoo ba ang sinasabi mo Jake? Ikaw ang lalaking nasa video?" paniniguro ni Ms. Jones.

"Opo, ako nga po. Hindi ako nakasama sa retreat dahil may sakit ako. At nang malaman kong hindi rin pala sya nakasama, nakipagkita ako kay Dei dahil feeling ko hindi ko kayang mag-isa. Ako ang nagpilit sa kanyang ihatid na sya sa dorm nya. Pagkatapos nun, umalis na rin agad ako."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Hindi ko akalaing darating sya at isasalba nya ako.

"Ganun naman po pala Mrs. Fuentes. Mukha namang nagsasabi ng totoo ang mga bata. Hindi na kailangan pang ma-expel si Ms. Mendoza dahil wala syang nilabag sa rules and regulation ng school."


Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Ms. Jones. Ibig-sabihin hindi na ako mapapaalis pa at ang mas nakakatuwa pa nyan...hindi nila nalaman ang pagpapanggap ni Alden.




Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon