Epilogue

1.9K 123 19
                                    

I know mabibitin kayo ng sobra sa ending nito pero inuunahan ko na kayo...peace! I want to end this story this way at sana matanggap ninyo. Thanks for the overwhelming support. Sa nag-vote, nag-comment and nag-read.


Dei's POV

Tapos na ang competition, naghahanda na ang lahat para sa dinner na gaganapin sa studio. Hindi pa kami nagsisimulang kumain nang magkaroon ng fireworks display. Agad kaming pumunta sa may terrace para manuod.

Masaya akong nakatunghay sa langit at aliw na aliw sa fireworks.

"Nagawa mo!" tumingin ako sa side ko at nakita ko si Alden na sa'kin nakatitig.

"Nagawa mo rin...nagawa natin!" I said with a smile.

"Nanalo ang banda natin, ibig-sabihin..." binitin nya kung ano ang sasabihin nya pero gets ko kung ano ang tinutukoy nya.

Nanalo nga ang banda namin. Sobrang saya ko dahil first time ko lang na-experience ang bagay na 'to. Bukod sa kasama ako sa isang sikat na banda...nakalaban pa namin ang mga magagaling na banda sa bansa.

"Ano? Anong sabi mo?" biniro ko sya na parang hindi ko narinig ang sinabi nya dahil sa ingay ng fireworks.

"Hindi ko na sasabihin pa...gagawin ko na lang!"

At hindi nga sya nagbibiro dahil lumapit sya sa'kin. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko at...

...hinalikan nya ako sa labi.

Kasabay ng halik nya ang maingay at makulay na fireworks.

Hindi ko alam kung gaano katagal nya ako hinalikan kasi pakiramdam ko naglaho ang lahat ng bagay sa paligid at tanging kami lang ang tao.

Namalayan ko na lang na...tumahimik na ang paligid. Siguro tapos na ang fireworks display.

Dahan-dahan syang dumistansya sa'kin...

"Tama na muna yan, okay? Gutom na kasi kami."

Pareho kaming napalingon at nakita namin sina manager kasama si Hans at Ken at pati na rin ibang staff na nanunuod sa amin ngayon. Halatang gutom na talaga si Ken dahil sya ang unang nagreklamo.

"Tara na nga, kain na tayo!" yaya naman ni Hans at nauna ng pumasok sa loob, sumunod si Ken at unti-unti na ring pumasok ang iba hanggang sa kami na naman ni Alden ang natira.

Nagkatinginan kami sa isa't isa...
"May ibibigay nga pala ako." sabi nya.

Dumukot sya sa bulsa nya at nakita kong hawak nya yung bracelet nya na matagal ko ng iniingatan.

"My mom gave it to me, sabi nya...ibigay ko raw 'to sa babaeng gusto ko at ayaw ko ng pakawalan."

Kinuha nya ang kamay ko at itinakid sa'kin ang bracelet.

"Hindi pala ako nagkamali ng taong pinagbigyan nito noon dahil ikaw...hindi na kita papakawalan pa."

Niyakap nya ako ng mahigpit at niyakap ko rin sya. Masaya ako kasi nagkaroon ako ng pagkakataon na makasali sa banda nila at ipakita sa lahat ang talent ko. At higit sa lahat ay nagkaroon ako ng pagkakataong mahalin ng tulad nya.

Kumalas na sya pagkakayakap at tumingin sa'kin...

"Tara na!" inakbayan nya ako at sabay na kaming pumasok sa loob.

The end.



Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon