She is a boy??

1.3K 91 8
                                    

Dei's POV

Kaliwa...kanan...kaliwa...kanan. Pati ako nahihilo na sa sarili ko. Andito ako sa labas ng dormitory namin at kanina pa ako palakad-lakad. Hindi kasi ako mapalagay simula kaninang umalis si Dei dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sya bumabalik. Tiningnan ko ang relo ko at five minutes na lang ay curfew na.

"Deny, asan ka na ba kasi? Hindi ko naman alam na madali ka palang magtampo. Bumalik ka na dito, please naman."

Nag-aalala na ako para sa kanya. Masyado yata akong nasobrahan sa kanya kanina. Napagsalitaan ko sya ng hindi maganda at sigurado akong nagtatampo na yun sa'kin. Eh bakit ba kasi inaway ko pa sya? Ayan tuloy...naglayas sya. Paano na lang kung mapahamak sya? Anong gagawin ko???

Dapat ba tawagan ko na sya? Oo, tama! Dapat tawagan ko na nga sya! Pero-

wala akong number nya. Eh hindi naman nya sa'kin binibigay ang number nya eh. At wala rin sya ng number ko.

~T_T~

Aha! May naisip ako! Pwede kong kunin ang number nya sa i.d. nya. Tama!

Pabalik pa lang ako sa dormitory nang biglang may kumapit sa braso ko. Lumingon ako at-

"Hi miss beautiful, saan ka pupunta?"

May dalawang lasing na lalaking nasa harapan ko na. At ang isa sa kanila ay mahigpit akong hawak sa braso.

"Halika! Sumama ka muna sa amin!" sabi naman nung isa.

"Ah...hehe...pasensya na po pero kailangan ko ng pumasok sa loob."

Pilit kong inaalis ang kamay nya sa braso ko pero hinwakan lang ito ng isa. Hindi ko na tuloy maigalaw pa ito dahil pareho na nilang kapit ang braso ko.

"At sa tingin mo...papayagan ka namin ha? Hindi!"

Nagpumiglas ako pero masyado silang malakas. Balak ko palang sanang sumigaw pero tinakpan ng isa ang bibig ko. Naisip kong sipain ang isa sa maselang parte at nang magawa ko ito- ayun napahiga sya sa sakit. Hindi ko napigilang hindi sumaya dahil nabitawan nya ako kaya tanging yung isa na lang ang may kapit sa akin sa braso ko.

"Aba! Loko ka ha!"

Bigla nyang itinaas ang isa nyang kamay at nakita ko ang isang bote ng beer. Balak nya itong ihampas sa akin at dahil sa takot ay napapikit na lang ako.

Waaaaah! Katapusan na ng buhay ko! Expected ko ng tatama sa ulo ko ang bote pero ilang segundo ang lumipas ay naramdaman ko ang pagkalas ng kamay sa braso ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at...

O_o

(⊙o⊙)

...nakita ko si Deny na binubugbog ang dalawang lalaki. Napanganga ako dahil sa galing nya. Para syang hindi babae kumilos at sa ilang sipa at suntok lang nya ay napatulog na nya ang dalawang lasing. Nakakamangha talaga! Parang slow motion pa ang ginawa nyang pagsagip sa akin.

Lumingon sya sa'kin at lumapit...
"Dei...ayos ka lang ba?"

Pero hindi ko nagawang sumagot dahil...






...first time nyang magsalita pero...bakit ganun yung boses nya...panlalaki????







At yung buhok nya...natanggal? Wig? Wig yung buhok nya????






Teka!




Pinagmasdan ko syang mabuti at...





...napahakbang ako palayo sa kanya at napatakip sa bibig ko.




Totoo ba 'to o nananaginip lang ako.

"Deny...p-panong...n-naging ikaw s-si....Alden?????"

Hindi ko na alam ang sunod na pangyayari dahil nawalan ako ng malay.
***



Nakatulog pala ako. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumangon sa pagkakahiga ko.

Bigla kong naalala yung nangyari kanina. Oh my- totoo ba yun???

"Buti naman nagising ka na."


Pamilyar ang boses na narinig ko. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang gwapong nilalang na nakatayo at nakasandal sa may pader habang nakalagay sa bulsa ang mga kamay. Si Alden Richards!


Naagaw ang atensyon ko sa damit at wig na nakapatong sa kama nya. At kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang suot ni Deny kanina. Si Deny na naging si Alden na ngayon?


Hindi pa rin ako natinag sa pwesto ko. Nakaupo pa rin ako sa kama habang bukas ang bibig ko.


"Totoo ang nakita mo kanina. Totoong ako...at si Deny...ay iisa."

Umupo na sya ngayon sa kama nya at magkatapat pa kami.


"P-pero p-pa'no n-nangyari yun ha? N-naguguluhan ako!"


"Mahabang kwento. Basta, nangpanggap akong babae at pumasok sa academy na 'to...dahil sa isang misyon. At mahalaga ang misyon na yun kaya dapat walang makaalam sa ginagawa ko. Pero ngayon...nalaman mo na."


May halong lungkot sa boses nya nang sabihin nya ang huling mga kataga. Sinisisi nya ba ako dahil nalaman ko?

"At ikaw lang dapat ang una at huling taong makaalam nito. Kaya Dei..."



Dei...tinawag nya akong Dei. Pero bakit parang may something sa way ng pagtawag nya sa pangalan ko. Para bang nakaramdam ako ng...kilig? Ugh! Hindi! Imagination ko lang yun.

Nagulat ako nang umupo sya sa tabi ko at inilapit pa nyang mabuti ang mukha nya. Napaunok ako dahil sa ginawa nya...ang awkward kasi eh.

"...umaasa akong wala kang ibang pagsasabihan nito dahil kung hindi..."



"Kung hindi? A-anong gagawin mo?"



Nakita ko ang pagguhit ng isang nakakalokong ngiti sa labi nya. At mas lumapit pa sya sa mukha ko na parang may hindi magandang gagawin.

Halos hindi ako makahinga sa pwesto naming 'to. Pero buti na lang at dumistansya agad sya.

"Saka ko na gagawin kapag hindi ka sumunod sa usapan natin." he said with a grin on his face.

Tumayo na sya.
"Sige na, matulog ka na. Wala namang ibang taong papasok sa kwarto na 'to kaya ayos lang na nakapanglalaki ako. Since alam mo na rin naman, wala ng rason para magtago."


Pinatay na nya ang ilaw at humiga na sa kama nya. Samantalang ako eh...nakaupo pa rin sa kama ko. Pilit kong ina-absorb sa utak ko ang mga nangyari pero parang wala pa rin ako sa sarili.

Napatingin ako kay Deny-este kay Alden na natutulog na. Si Deny na hindi nagsasalitang room mate ko, na gusto ni Jake...at si Alden na sikat, gwapo at leader ng isang banda....ay iisa?



Humiga ako at nagtabon ng unan sa ulo ko at saka nagpapadyak na parang bata.


Waaaaaaahhhhhhh! Paano nangyari 'to? Nagkaroon ako ng isang room mate na gwapo! At sa ilang araw naming magkasama, hindi ko man lang nalaman na sya si Alden.

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at tumingin sa kisame.

Ah! Kaya pala hindi nagsasalita si Deny kasi...mahahalatang lalaki sya. At palagi rin syang naka-longsleeves para hindi makita ang muscles nya.


Pero bakit ganun? Ang hindi ko matanggap eh....mas maganda pa sya sa'kin kapag naging si Deny sya. At sya pa ang gusto ni Jake! Arrgggh! Nakakaasar naman!










Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon