Dei's POV
"Pasensya na talaga Jake. Birthday kasi ng kaibigan ko at hindi ako pwedeng mawala. Sorry talaga, next time na lang tayo manuod."
Pumunta agad ako sa meeting place namin ni Jake. Sinabi ko sa kanyang hindi ako makakasama sa kanya ngayon.
"Ano ka ba? Don't worry, okay lang ako. Unahin mo na ang kaibigan mo dahil mas mahalaga ang birthday nya. May next time pa naman 'di ba?" he patted my head.
"Talaga? Salamat Jake kasi naintindihan mo ako."
"Wala yun. Sige na, baka ma-miss mo ang celebration. Enjoy!"
"Thank you. Ikaw rin, mag-ingat ka. Bye!"
***Hindi talaga ako pupunta sa birthday celebration nya. Balak ko kasing maghanda ng sariling surprise sa kanya pag-uwi nya ng dorm. Hindi ko alam na birthday nya at hindi ko man lang sya napagbigyan kanina...kaya gusto kong makabawi.
Namili ako ng mga ingredients sa cake na lulutuin ko at pati na rin mga materials para sa mga isasabit ko sa loob ng kwarto namin para magmukha namang birthday surprise.
Pumunta ako sa restaurant ni Alden. Kinapalan ko lang talaga ang mukha ko at sinabi kong gagawa ako ng cake para sa kanya. Wala naman kasi akong mga utensils at equipment na pwedeng magamit sa pag-bake kaya nakiusap ako. Buti na lang at pinayagan ako dahil minsan na akong nadala dun ni Alden.
Mabilis kong ginawa ang recipe ng sarili kong version ng cake at sinalang ito sa oven. For sure, nagkakasiyahan na sila ngayon sa studio para sa birthday celebration ni Alden. Hindi bale, okay lang kahit hindi ako naka-attend dun...mamaya ko na lang sya isu-surprise sa dorm.
Nang matapos ko agad ang cake, umalis na ako para umuwi. Inayos ko ang buong kwarto, naggupit ako ng mga letters na HAPPY BIRTHDAY at sinabit ito. Naglagay din ako ng mga balloons sa buong paligid.
Pinagmasdan ko ang kwarto...
"Sa wakas, natapos ko rin! Sana magustuhan ni Alden ang surprise na 'to."Napatingin ako sa relo ko at nagulat ako nang malaman kong gabi na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Sinuot ko ang isang party hat at inayos ang sarili ko. Any minute, darating na si Alden at hindi na ako makapaghintay pa.
20...30...40 minutes na akong naghihintay pero wala pa rin sya. Ano kaya kung tawagan ko sya? Pero kapag ginawa ko yun...mawawala na ang thrill. Baka malaman nyang may surprise akong hinanda para sa kanya.
Napahawak ako sa tyan ko. Ugh! Gutom na ako! Kelan kaya sya uuwi?
***Alden's POV
I decided to go home dahil hindi ko rin naman masyadong nae-enjoy ang party. Sinabi ko kanina kay manager na i-cancel na lang pero nag-insist pa rin sya. Ayoko naman talaga ng mga celebration na yan and besides...wala naman si Dei.
Sa bintana na ako dumaan dahil baka may makakita pa sa'kin. I noticed that the light was off. Malamang mahimbing ng natutulog si Dei ngayon.
I switched on the light and to my surprise...nakita ko si Dei na nakasubsob sa table habang natutulog. Nasa tabi nya ang isang cake na may nakatusok na kandila. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang set up ng kwarto. May mga lobo na nakasabit at may nakalagay ding HAPPY BIRTHDAY sa may pader.
Napangiti ako. I didn't expect this. Hindi ko naisip na magagawa nya 'to sa'kin...magagawa nya akong i-surprise. Akala ko ba kasama nya ngayon si Jake at nanunuod sila ng movie? Hindi kaya...she cancelled it?
Lumapit ako sa kanya. Kumuha ako ng icing sa hintuturo ko at ipinahid ito sa ilong nya. Naalimpungatan naman sya dahil sa ginawa ko. Halos manlaki ang mga mata nya nang makita ako.
"Alden?"
"Akala ko ako ang isu-surprise mo ngayon pero bakit mukhang ikaw pa 'tong na-surprise?"
Agad syang tumayo.
"Sorry. Ang tagal mo kasi eh, kaya nakatulog na ako."Tumawa ako. Nakakatuwa ang reaksyon nya, para syang bata. Tinakid ko sa ulo nya ang party hat na nakasabit sa leeg nya.
"Okay lang. Pwede mo pa rin namang ituloy ang surprise mo eh."
Kinuha ko ang isang party hat na nasa mesa at sinuot din ito. Kinuha naman nya ang cake at sinindahan ang kandila nito.
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday...happy birthday to you. Happy birthday Alden!"
Natigilan ako nang marinig ang pagkanta. Parang pamilyar ang boses nya.
"Alden, mag-wish ka na then i-blow mo!"
Hindi na ako nag-isip pa, nag-wish na ako at nag-blow ng candle.
Binaba nya ang cake at nag-slice nito. Nilagyan nya ako sa platito at binigay sa'kin.
"Tikman mo Alden!" parang excited na excited sya.
Sinunod ko naman sya at tumikim ako.
"Anong lasa? Masarap ba ha?" pangungulit nya.Bahagya akong nag-isip.
"Oo, masarap!"
"Talaga? Ako ang gumawa nyan eh." tuwang-tuwa sya nang malamang masarap ang cake nya.
"Ikaw?"
"Oo, ito ang tinatawag kong 'birth-Dei cake'. Mahilig kasing mag-bake ng cake ang nanay ko at sya ang nagturo sa'kin, kaya nga sabi ko sa'yo noon...baka culinary arts ang ipakuha nila sa'kin. I made my very own version at 'yan na yun."
Kumuha pa ulit ako ng cake gamit ang tinidor ko.
"Magaling. Pwede ka na talagang maging chef. Thank you sa pag-bake nito sa'kin."
"Wala yun." pinunasan nya ang icing sa ilong nya at kinain nya ito, natawa naman ako bigla.
"Gutom ka ba? Hindi ka ba pinakain ng Jake na yun ha?"
"H-hindi ah! Hindi naman natuloy yung lakad namin eh."
Hindi natuloy...dahil ba umuwi sya para sa surprise na 'to? Nag-effort sya para sa'kin?
"You mean...hindi ka na sumama sa kanya dahil sa birthday surprise ko?"
Yumuko sya at tumango. Napangiti naman agad ako. Pakiramdam ko ang espesyal ng araw na 'to dahil sa ginawa nya.
"Buti pa, kumain na tayo ng gawa mong cake. Samahan mo akong ubusin ang lahat ng 'to ha." umupo ako at nagsimulang kainin ang cake.
Umupo naman sya sa tabi ko at kumain na rin. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maubos namin lahat. Wala kaming pakialam kung gabing-gabi na, basta sinulit lang namin ang buong magdamag para magkwentuhan.
Feeling ko naungusan ko si Jake dahil sa ginawa ni Dei. Napatunayan kong mas mahalaga pa rin ako para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanfictionLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.