Hurt

1.2K 78 2
                                    

Dei's POV

"Okay, class dismiss!"

Agad kong niligpit ang mga gamit ko para lumabas at kumain ng recess. I'm walking now in the corridor when...

"Dei, pupunta ka ba ng cafeteria? Sabay na tayo mag-recess."

Sumabay sa'kin si Jake sa paglalakad.

"Sige pero...hindi ko kasabay ngayon si Deny. Hindi pa kasi kami nagkikita."

"Hindi naman si Deny ang gusto kong makasabay eh...kundi ikaw."

Napatingin agad ako sa kanya. Is it true? A-ako talaga ang gusto nyang makasabay?

"Dei...are you okay?" hinawakan nya ako sa balikat ko.

"Ah...oo...okay lang ako. Tara na, gutom na ako eh."

Um-order agad kami ng recess at umupo sa bakanteng table. Isusubo ko pa lang ang burger ko nang makita ko si Deny.

"Si Deny! Mas mabuti siguro kung i-invite natin sya dito."

Tumayo ako at lumapit kay Deny.

"Deny, doon ka na lang sa amin ulit kumain. Halika na!"

Hinawakan ko sya sa braso at hinila papunta sa table namin ni Jake. Sa tingin ko, ito na ang tamang pagkakataon para mapaglapit ulit ang dalawa. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang hiniling sa'kin ni Jake. Bukod dun, malaki ang utang na loob ko kay Deny. Siguro nga, ang ibigay sa kanya si Jake ng buong loob ang tanging paraan para makabawi sa kanya.

Pinaupo ko sya sa tapat pa mismo ni Jake. Wala namang imik ang dalawa...parang nagkakahiyaan pa sila.

"Kumain na tayo. Wait, kukuha lang muna ako ng tubig para sa'ting tatlo. Sandali lang ha."

At iniwan ko na sila dun. Hindi ko alam kung may problema ba o sadyang nagkakahiyaan lang sila. Habang bumibili, hindi ko maiwasang sumulyap sa kanila. Sana naman mag-usap sila para hindi masayang ang effort ko sa pagpaparaya.

Then I saw Jake talking to Deny. Hindi ko sya marinig but I think he's pretty serious on what he's saying.

























Alden's POV

Pagka-order ko pa lang ng pagkain eh bigla na namang sumulpot si Dei. At niyayaya na naman nya akong makisalo sa kanila ni Jake. Hindi na ako nakaangal dahil hinila nya ako.

Pinaupo nya ako at sa tapat pa mismo ni Jake. Hindi naman sa'kin makatingin ng diretso si Jake. I think, naiilang sya sa'kin.

Agad na nagpaalam si Dei na kukuha sya ng tubig para sa amin. Pero alam kong ginawa nya lang yun para maiwan kaming dalawa ni Jake at makapag-usap.

After a few seconds...

"Deny..."

Tumingin ako sa kanya...

"Nabasa ko na ang sulat. Naiintindihan naman kita eh...kung hindi mo ako gusto at may ibang lalaking nagpapatibok ng puso mo."

Ibang lalaking nagpapatibok ng puso ko? Babae...babae ang gusto ko at hindi lalaki. Pero sa ngayon...wala pa akong nagugustuhan. Wala pa.

"Pero kahit na ganun...hindi ko maipapangakong maibabaling ko agad ang atensyon ko sa iba. Ang hirap kasing mawala ng feelings ko para sa'yo Deny. And I think until now...I still feel the same."

Mahirap? Samantalang kung makatitig sya kay Dei eh parang in love na in love na sya. I'm sure ilang araw na lang...magiging sila na.

Napailing na lang ako...

"Deny...pinipilit ko naman eh. Pero masyado lang akong nasasaktan kapag naiisip kong may iba ka ng nagugustuhan."

I hardly try not to laugh on his reaction. Nakakatawa kasi ang itsura nya ngayon. Para syang bida sa isang teleserye at halos mangiyak-ngiyak na sya. I can't wait na makita ang reaksyon nya kapag nalaman nyang ang babaeng gusto nya ay...lalaki...gwapong lalaki. Bwahahaha!

At dahil hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko, dali-dali akong tumakbo palabas ng cafeteria. Ayokong makita nya akong tumatawa. Mas pinili ko na lang na iwan ang pagkain ko at magtiis ng gutom kaysa pakinggan ang kadramahan ni Jake.







Dei's POV

Nakita ko ang pagtakbo ni Deny palabas ng cafeteria kaya nilapitan ko agad si Jake dala ang mga bote ng tubig.

"Jake, anong nangyari? Bakit umalis si Deny, may problema ba?"

Umupo ako sa harap nya.
"Kinakausap ko lang sya nang bigla syang mag-back out. Mukhang ayaw nya talaga sa'kin Dei."

Yumuko si Jake at bakas sa reaksyon nya ang pagkalungkot.

"Teka, pa'no mo naman nasabi yun eh nagsisimula ka pa lang naman? And besides may sinabi ba sya sa'yo na ayaw nya sa'yo?"

I was trying to cheer him up. Ayoko kasing nakikita syang malungkot.

Inangat nya ang tingin nya...
"Wala, pero...nagbigay sya sa'kin ng sulat at nakalagay dun na...ayaw nya akong paasahin dahil may iba na syang gusto."


Napanganga ako sa sinabi nya. Nagawa yun ni Deny? Binasted nya si Jake?

"Binasted ka nya? Agad?"

Tumayo ako-

"Teka! Saan ka pupunta?" pigil ni Jake.

"Kakausapin sya."


"Wag na Dei. I'm okay, I can handle this. Just let her kung yun ang gusto nya. Hindi ko sya mapipilit."



Napilitan na lang akong umupo at sundin ang sinasabi nya. Pero balak ko pa ring kausapin si Deny mamaya. Hindi ko papalampasin ang ginawa nya kay Jake. I know I should be happy for this...dahil ibig-sabihin nito may pag-asa pa ako kay Jake. Pero hindi naman ako ganun kasama. Mas pipiliin kong magpaubaya kaysa makitang nasasaktan ang mahal ko. Pero dahil sa pagpapa-ubaya ko...mukhang mas lalong nasaktan si Jake. Sinaktan lang naman sya ni Deny. At kahit kaibigan pa ang turing ko sa kanya...hindi ako magdadalawang-isip na kwestyunin ang ginawa nya kay Jake.

***






"Hoy Deny! Lumabas ka dyan, huwag mo akong pagtaguan. Mag-usap tayo!"

Pilit kong binubuksan at kinakatok ang pinto ng CR. Maya-maya lang ay bumukas na ito at lumabas sya nang puno ng pagtataka.

"Bakit mo binasted si Jake? Alam mo ba na sya ang hearthrob ng academy tapos nagawa mo syang isantabi ng ganun-ganun na lang. Sabihin mo sa'kin ang dahilan Deny. Bakit? Dahil ba hindi ka nagugwapuhan sa kanya? Wala sya sa standards mo? Masungit ba sya sa'yo ha? Ano?"


Walang syang naging sagot sa'kin. Nakatingin lang sya ng seryoso. At ang mas kinainis ko pa dun ay nang lampasan nya ako at pumunta sya sa may kama nya para mag-ayos ng gamit.

"Alam mo bang nagparaya ako dahil ang akala ko ay magiging masaya sya sa'yo. Pero anong nangyari? Sinaktan mo lang sya! Bakit hindi mo man lang sya binigyan ng pagkakataon tapos iniwan mo na lang sya kanina sa cafeteria? Hindi dahil kaibigan kita at may malaki akong utang na loob sa'yo eh hahayaan kong saktan mo si Jake."

Patuloy lang sya sa ginagawa nya na parang walang naririnig.

Hinawakan ko ang braso nya at hinila sya paharap sa'kin.

"Kausapin mo ko Deny! Magsalita ka!"


Pilit nyang inalis ang kamay ko sa kanya at naglakad palapit sa pinto. Pero bago pa nya magawang makalabas ay muli akong nagsalita.

"Aalis ka na naman? Ganyan ka naman eh! Palagi ka na lang umaalis sa tuwing ayaw mo sa sitwasyon! Kung yan ang palagi mong gagawin...ikaw rin ang mahihirapan!"

Pero hindi nya ako pinansin pa at lumabas pa rin sya ng kwarto.



Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon