Alden's POV
One week before the Battle of the Bands.
"Isang linggo na lang ang natitira sa'tin Alden pero bakit parang wala ka pa ring balak kumilos?" pagkompronta sa akin ni Hans.
"Tama sya Alden. Kung hindi mo pa rin mahanap-hanap yang si mystery girl na sinasabi mo...bakit hindi na lang tayo maghanap ng iba?" dagdag ni Ken.
Nasa studio ako ngayon at parang pinagkakaisahan ng dalawang 'to.
"Gumagawa ako ng hakbang. Hindi na natin kailangan pang maghanap ng iba dahil malapit ko na syang makita."
"Pero Alden, nababaliw ka na ba ha? Isusugal mo ba ang banda natin para lang sa isang babaeng hinahanap mo na sinasabi mong tanging paraan para hindi tayo ma-disband. Alam mo kung talagang sya lang ang tanging solusyon sa problema natin...dapat noon pa man nakita mo na sya!"
Tumayo ako.
"Hindi ako susuko hanggang hindi ko sya nakikita. At mas pipiliin ko pang ma-disband tayo kaysa makahanap ng ibang papalit kay Dane."
Tumayo rin si Hans at alam kong galit na sya.
"Itigil mo na ang kahibangang yan. Kung kaya mong bitawan ang banda ng ganun-ganun na lang dahil sa babaeng yun...then mas mabuti pang mauna na akong umalis. Kung hindi ka makahanap ng panibagong member sa loob ng linggong ito...paninindigan ko ang sinabi ko."
Agad lumabas ng studio si Hans. Tumayo rin si Ken.
"Tama si Hans. Kapag hindi tayo nakasali sa Battle of the Bands dahil lang sa babaeng hinahanap mo...pati ako gagawin din ang sinabi nya. I'm sorry Alden pero kung hindi ka magde-desisyon...it's now or never." at sumunod na sya sa paglabas ng studio.
Naiwan akong mag-isa sa studio. Hindi ko alam kung tama pa ba ang bagay na pinaninindigan ko. Pati ang buong banda, nadadamay dahil sa'kin. I think, kailangan ko na talagang magdesisyon ng mabuti.
***
Dei's POV
Bukas na ang closing ceremony ng mga club sa school kaya late na akong makakauwi sa dorm dahil busy kami sa pagpa-paint. Wala ng mga estudyante sa school dahil kanina pa uwian.
Napansin kong medyo madilim ang langit at nagbabadyang umulan ng malakas kaya nagmadali na akong naglakad. Pero napatigil ako saglit nang makita ko ang isang tao na nasa may garden malapit lang sa dormitory namin. Nakaupo sya sa may ilalim ng puno at nakatitig sa langit.
Bakit lumabas sya ng dorm na ganyan ang itsura nya? Paano kung may makakita sa kanya, baka mahuli sya. Hindi sya nakasuot ng pambabae...he just wore a shirt and a pants at isang cap.
Lalapit pa lang sana ako pero nakita ko syang pinupunasan ang mata nya. Teka! Umiiyak ba sya?
Humakbang ako palapit sa kanya.
"Seriously? Si Alden Richards...umiiyak?"
Lumingon sya pero hindi ko makita ng maayos ang mata nya dahil sa suot nyang sumbrero. Tumayo sya...
"Hindi ah!"
"Wala namang masama sa pag-iyak eh. Natuwa lang ako dahil sa dinami-rami ng tao ako pa ang nakakita ng side mo na 'yan."
Hindi sya umimik.
"Alam mo kung may problema ka man, hindi ka nag-iisa. Andito ako para pakinggan ka."
"Wala naman akong problema." he still denying it.
"Eh ano yan? Bakit ka umiiyak?" I forced him to face me.
Lumapit ako sa mukha nya at pilit tiningnan ang mata nya. Hindi na nya naiiwas pa ang tingin nya sa'kin and he stared at me blankly.
"I feel worthless. Pati ka-banda ko...nagawa akong talikuran."
Nagulat ako nang marinig ko yun. Sa pagkakaalam ko, maayos ang pakikitungo nya sa mga ka-banda nya. Anong nangyari? Bakit nagkaroon sila ng problema?
"May kinalaman ba yun sa misyon mo?"
He nodded.
"Hindi ko man alam kung ano talaga ang problema mo pero ang tangi ko lang na maipapayo sa'yo ay gawin mo kung ano ang tama. Piliin mo ang bagay na sa tingin mo ay hindi lang para sa'yo pero makatutulong din ito para sa iba. Hindi naman masamang maging selfish minsan pero...it's better if we will make things selflessly. Doon kasi natin mapapatunayan na mas deserve nating makuha ang isang bagay kung wala tayong niloloko...at wala tayong iniisahan."
Nanatili kaming tahimik sa mga oras na 'to. Maybe he's just thinking about the right decision.
"You're right! Siguro nga...mas mabuting itigil ko na ang pagpapanggap na ito."
Itigil? Ang pagpapanggap? Ibig-sabihin...
"Dei...aalis na ako."
Pakiramdam ko tumigil ang buong mundo ko. B-bakit aalis na sya? Bakit?
***
Nakatitig lang ako sa bintana habang pinapanuod ang malakas na pagbuhos ng ulan. Matapos kaming mag-usap sa garden, bigla na lang umulan kaya pumasok na kami sa kwarto. At ngayon, busy sya sa pag-iimpake ng mga gamit nya. He said he will leave tomorrow.
"Alden, sigurado ka na ba sa desisyon mong yan?" lumapit ako sa kanya.
"Oo. Hindi ba ikaw na ang nagsabi na gawin ko kung anong tama? And it is the right thing to do. Ititigil ko na 'to habang wala pang nakakaalam. Ayoko ng may madamay pang iba."
"Pero Alden..."
Tumingin sya sa'kin na parang naghihintay kung ano ang sasabihin ko. A-ano nga ba?
"...tama! Oo, s-siguro nga mas maganda kung itigil mo na nga yan para wala ng iba pang madamay." tumalikod ako.
Haist! Bakit yun ba ang sinabi ko? Ang fail naman oh!
"Huwag kang mag-alala, kahit naman aalis na ako...pwede pa naman tayong magkita."
"Talaga?" napaharap agad ako sa kanya dahil sa saya.
"I mean...oo nga, pwede nga tayong magkita. Haha." I fake a laugh. Masyado naman yata akong obvious nito.
"Pupunta muna ako sa CR ha." nakakahiya na kay Alden. Baka kung ano ang isipin nya. Alam kong ayoko syang paalisin pero hindi nya dapat yun mahalata.
"Dei..."
Lumingon ako.
"...mami-miss kita!"
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanfictionLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.
