Dei's POV
Lunch break na kaya nasa cafeteria ako. Mag-isa lang akong kumakain nang biglang dumating ang prince charming ko.
"Dei, pwedeng makiupo?"
Halos hindi ko nalunok yung pagkain sa bibig ko dahil sa biglaan nyang pagdating.
"S-sure. Sige, upo ka." medyo nauutal pa ako.
Ilang minutong nagkaroon ako ng pagkakataong titigan ang gwapo nyang mukha. Pero natigil yun nang biglang may dumating. Napalingon kami sa mga lalaking nagkakagulo.
"Deny! Dito ka na lang sa amin sumabay."
"Deny, dito! Ililibre pa kita ng kahit ano."
"Crush kita Deny, ang ganda mo!"
Kaya naman pala, dumating kasi si Deny kaya halos hindi mapalagay ang mga tao sa loob ng cafeteria. Pero sa dami ng mga nag-aalok sa kanya, wala syang in-entertain. Pagkatapos nyang umorder, doon sya umupo sa may sulok. Mahiyain talaga sya.
"Balita ko, kasama mo sya sa dorm?"
Lumingon ako kay Jake nang itanong nya yun. Hindi kasi namin kaklase si Deny, sa kabilang section sya. Doon sya nagpalagay sa section na pinakamaunti ang estudyante.
"Oo. Doon na lang kasi ang available."
Muli kong tiningnan si Deny at pinagmasdan.
"Ang ganda nya no, kakaiba talaga sya." sabi ko."Maganda sya, gusto ko nga sya eh."
Para akong nabingi sa narinig ko. Ack! Anong sinabi ni Jake???
"A-anong s-sabi mo?"
Uminom muna sya ng softdrinks bago muling bumaling ng tingin kay Deny.
"I like her...pwede mo ba akong ilakad sa kanya?"
Waaaaaaaahhhhhhh! Nooooooooo!
Parang nahulog sa'kin ang kisame nang sabihin nya yun. Ouch! Ang sakit Jake! Bawiin mo ang sinabi mo!!!!
***
Alden's POV
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at pumasok. Pero laking gulat ko nang makita ko yung roommate ko na nakatapis lang ng towel, nakataas ang buhok at mukhang katatapos lang maligo.
"Deny, andyan ka na pala."
Itinaas nya pa ang legs nya para maglagay ng lotion.
Agad akong tumalikod dahil hindi ko na kinaya ang ginagawa nya. Mukha lang akong babae ngayon pero lalaki ako. Hindi magandang makita ko ang mga bagay na yun.
Bakit ba kasi naka-ganun sya?? Paano na lang kung ibang lalaki ang pumasok sa loob at pagsamantalahan sya? Hindi ba sya nag-iisip?
"Deny, okay lang naman...pareho naman tayong babae eh. Sige na, pumasok ka na dito."
Ramdam kong lumapit pa sya sa akin. At nang nasa likod ko na sya, hinawakan nya ako sa braso para humarap ako sa kanya. Agad ko namang iniwas ang mga mata ko.
"Bakit ba kasi ayaw mo akong tingnan ha? Siguro dahil walang shape ang katawan ko at flat-chested ako."
Hinawakan nya pa yung...yung ano nya...yung dibdib nya.
"Oo, alam ko namang mas maganda ang katawan mo kaysa sa akin pero sana naman wag mo ng ipamukha sa'kin!"
Hindi ko na kinaya ang atmosphere sa loob ng kwarto kaya umalis ako nang walang ibang sinasabi.
"Hoy Deny, bumalik ka dito? Saan ka na naman ba pupunta?"
Bago pa nya ako maabutan, naisara ko na ang pinto. Sa wakas! Makakahinga na rin ako ng maluwag.
Agad akong pumunta sa isang safe na lugar kung saan malayo sa babaeng yun. Agad kong kinontak si manager Kim.
"Hello? Alden napatawag ka?"
"Manager please, I'm begging. Ilipat nyo na ako ng kwarto. Hindi ko na kayang magtagal pa sa kwarto ko ngayon dahil sa babaeng kasama ko. Hindi tamang magsama ang babae at lalaki sa iisang kwarto."
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni manager.
"Ano ka ba Alden? Bakit ba ganyan ang reaksyon mo sa babaeng kasama mo sa dorm? Bakit? Naaakit ka sa kanya?""Of couse not! Hindi ako nagbibiro manager, hindi ko magagawa ang misyon hangga't kasama ko ang babaeng yun. Nangangamba akong baka sya ang unang makaalam ng pagkatao ko."
"Huwag kang mag-panic Alden. Huwag mo na munang isipin ang mga bagay na yan. Mag-concentrate ka sa misyon mo. Kung magpapahalata kang umiiwas ka sa mga tao, baka lalong paghinalaan ka nilang may tinatago ka. Basta sa ngayon, sakyan mo na muna ang mga nangyayari dyan, okay?"
Napabuntong-hininga ako...
"Okay. Fine."At pinatay ko na ang linya.
***Maine's POV
Nakakapang-insulto naman yung ginawa sa'kin ni Deny. Ganun ba talaga kapangit ang katawan ko para takbuhan nya ako? Tapos hindi nya rin magawang tingnan ang dibdib ko? Bakit? Dahil flat-chested ako?
Alam ko naman yun eh pero...hindi ko lang matanggap na sya mismo ang gagawa sa'kin ng bagay na yun. Idol ko pa naman sya dahil ang ganda nya tapos...ininsulto nya ako.
Nagpalit na ako ng damit at nag-ayos ng sarili. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina sa may cafeteria. Wala naman talaga akong balak na pumayag sa hinihiling ni Jake pero nagawa ko pa ring pumayag.
Flashback
Hindi agad ako nakasagot sa tanong sa'kin ni Jake. Hindi ko kaya! Ano ako? Masokista? Hahayaan kong masaktan ang sarili ko para lang sa taong mahal ko?
Hindi ko nga sinasabi sa kanya ang feelings ko tapos ako pa ang kinuha nyang tulay para ligawan si Deny? Ang sakit! Ang sakit talaga!
"Dei...sige na, pumayag ka na oh."
Para akong nakuryente nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. Huwag Jake, matutunas ako!
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakangiti sya sa'kin.
Bakit ganito? Ang hirap nyang tanggihan. Kahit na labag sa loob ko parang gusto ko pa rin syang pagbigyan. Hindi ko sya matiis.
"Oo, sige. Ilalakad kita kay Deny."
End of flashback
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanfictionLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.