The Real Battle

1.3K 79 5
                                    

Dei's POV

Pinaliwanag sa'kin lahat ni Alden kung ano ang nangyari sa banda nila at kung bakit kailangan nila ako. Noong una, ayokong pumayag sa gusto nya dahil natatakot ako na baka ako pa anv magpatalo sa kanila. Pero naisip ko na siguro pagkakataon ko na 'to para ipakita sa lahat ang kakayahan ko. Gusto ko rin namang tulungan si Alden at ang banda nya kaya I decided to take the chance. Sincere din naman si Alden sa pagyaya nya sa'kin and I know all his efforts and sacrifices just to save his band. Pinangako naman nya sa'kin na hindi maaapektuhan ang pag-aaral ko sa pagsali sa banda nila.

Ilang araw bago ang Battle of the Bands, panay ang practice namin. Magagaling naman talaga sila kaya konting polish na lang ang ginawa namin.

And today...the real battle begins. Andito na kami sa venue ng competition. Prepare na ang buong banda at inayusan din kami para dagdag impact. Lumabas muna ako sa assigned room namin para magpahangin. Kinakabahan kasi talaga ako.

Umupo ako sa bench na nasa backstage.

"Dei!"

Lumingon ako and then I saw him, sumunod pala sya sa'kin. Ang gwapo nya talaga at mas gumwapo pa sya dahil sa suot nyang black vest.

Lumapit sya sa'kin at umupo sa tabi ko.
"You look beautiful." he said.

Beautiful? Ako ba ang sinasabihan nya? Tumingin ako sa taas pero wala akong nakitang langit dahil kisame ang nasa taas. I'm just checking kung ako ba talaga ang sinasabi nyang 'beautiful' at hindi ang langit.

"Why?" pagtataka nya nang makita nya akong tumingin sa taas.

"W-wala. Thank you kasi...first time lang na may magsabi sa'kin ng ganyan."

"Really? Hindi ka ba sinasabihan nun ni Jake?"

"Hindi. Bakit naman nya ako sasabihan ng maganda?"

"Dahil girlfriend ka nya?" nag-aalangang sagot nya.

I almost chuckled. Ano? Girlfriend ako ni Jake?

"Sinong nagsabi sa'yong girlfriend nya ako?"

"Ikaw. The last time I asked you, you didn't answer it directly and you just said secret. Anong meaning nun?"

Hindi ko na napigilan pang tumawa.
"I said secret but I don't remember that it's a yes! Hindi kami ni Jake."

Kumunot ang noo ni Alden. I think it's time to confess everything to him.

"Actually, may ipapagtapat ako sa'yo Alden." nahihiya ako pero kung hindi ko pa 'to gagawin then baka pagsisihan ko pa.

"Ha? Ako rin eh, may sasabihin sa'yo." he said.

"Ikaw na muna." I insist.

"Hindi, ikaw na muna.

"I think it's better kung ikaw na muna."

"No. Mas maganda kung ikaw."

"Sige ganito na lang. Sabay na lang tayo...okay lang ba?" I asked him.

"It's a nice idea."

"In the count of three...sabihin natin ng sabay."

Tumango sya. I sighed. Bahala na, kung ano mang mangyari.

"1...2..."

"....3!"

"Mahal kita!" we both said.

Hindi ako halos makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Akala ko, ako lang ang magsasabi ng bagay na yun sa kanya. But it turned out na...nag-usap na agad kami sa kung anong sasabihin namin dahil parehong-pareho talaga ang mga katagang lumabas sa bibig namin.

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon