Alden's POV
Tiningnan ko ang wallet ko kung saan nakalagay ang key chain ni Meng. Hanggang ngayon tinatago ko pa rin 'to. Umaasa akong isang araw ay makikita ko na sya. Bukod sa pangalan nya, tanging boses nya lang ang alam ko. Pero hindi pa rin ako nauubusan ng pag-asa. Malapit ko na syang makita...nararamdaman ko. O baka nga nakita ko na sya, hindi ko nga lang alam na sya yun dahil hindi ko alam ang itsura nya.
Bago ako abutan ng gabi, umuwi na ako sa dorm. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto, si Dei agad ang sumalubong sa'kin.
"Buti naman at andyan ka na! Bakit ngayon ka lang umuwi Deny? Kanina pa kita hinihintay."
Oh? Eh ano naman sa kanya ngayon kung ngayon lang ako umuwi? Dumiretso ako sa may kama ko upang ibaba ang bag ko.
"Deny...favor naman oh! Alam kong nakakahiya pero kakapalan ko na talaga ang mukha ko. May extra ka ba?"
Bigla syang sumulpot sa tabi ko na parang nagmamakaawa. Ano kamo? Extra? Anong extra ang pinagsasabi nito?
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko sya ma-gets.
"Pwede bang humiram? Last day ko na kasi eh kaya akala ko wala na. Naubusan na ako at hindi pa ako nakakabili ulit."
-_-
Pakiramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko. Extra...as in extrang napkin yung hinihingi nya sa'kin??? At anong akala nya sa'kin...gumagamit nun? Oo, alam kong sa paningin nya babae ako pero bakit sa akin pa nya naisipang humingi.
Umiling ako sa kanya.
"Ganun ba? Sige, baka bumili na rin ako mamaya. Teka! Bakit namumula ang mukha mo? May sakit ka ba ha Deny?" balak pa sana nya akong hawakan pero agad akong umiwas.
Mabilis akong umiling at dali-dali akong nagtungo sa may pintuan para lumabas. Hindi ako komportableng kasama ang babaeng 'to lalo na ngayon. Hindi ko akalaing pati ang mga bagay na yun eh iaasa nya sa room mate nya.
"Ouch! Ang sakit!"
Pipihitin ko pa lang sana ang pinto pero hindi ako natuloy dahil sa pagsigaw ni Dei. Napalingon ako sa kanya at nakita kong hawak nya ang tyan nya at parang namimilipit sa sakit.
"Bigla na namang sumakit ang puson ko. Last day ko na pero bakit dini-disminnorhea pa rin ako?" pagrereklamo nya.
Mukhang hindi na nya kinaya dahil pumasok na sya sa loob ng CR. Napailing na lang ako. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. At wala akong balak na intindihin sila. Swerte ko na lang at lalaki ako.
Binuksan ko na ang pinto at lumabas na ako sa dorm.
***
"Thank you ma'am...come again!"
Kinuha ko na ang paper bag na inaabot sa'kin ng cashier at lumabas na ako sa convenient store. Pagkalabas ko kanina sa kwarto namin, dumiretso ako sa tindahan na malapit lang sa campus. Bumili ako ng sanitary pad at gamot sa disminnorhea.
Naglakad na ako pabalik ng dormitory. Pero habang naglalakad...napatigil ako at napaisip. Tinaas ko ang hawak ko at tiningnan itong mabuti.
"Bakit mo ba 'to ginagawa Alden? Bakit mo binilhan ang babaeng yun?" I said out of nowhere.
Saka lang ako natauhan sa ginawa ko. Bakit ko nga ba naisipan bang bilhan ang isang yun? Grabe! Ni wala sa hinagap ko na makakabili ako ng ganitong klaseng bagay sa buong buhay ko. Ang isang sikat na lead vocalist ay bumili ng napkin at gamot...ano na lang ang iisipin ng mga fans ko sa'kin??
Buti na lang talaga at nakapambabae ako. Hindi nila ako makikilala na ako si Alden Richards.
Pero sige na, kaya ko lang naman ginagawa 'to dahil naawa ako. Yes, I just did all this effort out of pity and nothing special. Nakakaawa lang talaga si Dei. Yun lang.
At muli akong naglakad papunta sa kwarto namin.
***
Dei's POV
Nasaan na ba si Deny? Bakit bigla na namang nawala yun? Hindi pa nga sya nagpapalit ng uniform tapos umalis agad sya.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Deny na may dalang kung ano. Lumapit sya sa'kin at nilapag sa kama ko ang bitbit nyang paper bag.
"Ano 'to?"
Hindi sya sumagot kaya ako na mismo ang nagbukas. At laking gulat ko nang makita ang ilang pack ng napkin at gamot para sa disminnorhea.
"P-para sa'kin ba 'to? Bakit andami eh last day ko na."
Ibig-sabihin lumabas sya para bumili nito. At talagang andami pa nyang binili, mga pitong pack yata yun ng napkin at iba't ibang brand pa. Para namang isang timba ang ilalabas kong dugo.
I didn't expect this. Ang bait talaga ni Deny. Mukha lang syang walang pakialam but deep inside...may puso sya.
"Deny...thank you talaga ha. Hindi ko na tuloy alam kung paano makakabawi sa'yo. Pero kung sakaling ikaw naman ang may kailangan...huwag kang mahiyang magsabi sa'kin ha."
Hindi na sya lumingon pa sa'kin pero nakangiti pa rin ako sa kanya. Hindi ko na sya kinulit pa at muli akong pumasok sa CR dala ang bigay sa'kin ni Deny.
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanficLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.