Dei's POV
"Ubos na yung drinks eh...okay lang ba kung share tayo?"
Dumating si Jake bitbit ang isang juice drink, sa isang kamay ang dalawang straw. Anong ibig nyang sabihin...share kami sa iisang baso? Seriously?
"S-sige."
Pumayag din ako. Ayoko namang isipin ni Jake na ang arte ko at saka si Jake yan...aarte pa ba ako?
Nauhaw agad ako kaya kinuha ko yung isang straw at uminom sa juice. Pero hindi ko inaasahan na iinom din pala si Jake. Magkasabay na kaming umiinom sa iisang baso. Parang eksena lang sa mga palabas. Mas lalo akong hindi mapalagay nang tumitig sya sa'kin...as in sa akin lang sya nakatingin.
Bakit ako sinuwerte ng ganito? I can't believe this is happening. Akala ko hanggang sa panaginip ko na lang mararanasan ang bagay na 'to.
"Dei...may gusto talaga akong sabihin sa'yo eh."
"A-ano yun?"
Mas lalo akong kinabahan nang hawakan nya ang isang kamay ko.
"Pwede ba kitang ligawan?"
Waaaaahhhhhh! Anong sabi nya? Kung pwede nya raw akong ligawan? Ako? Liligawan? Nya?
"Dei, ayos ka lang ba?"
Mahina nya akong tinapik sa braso ko at doon pa lang ako bumalik sa realidad. Totoo ba yung sinabi nya?
"Jake...seryoso ka ba?"
"Akala mo ba nagbibiro ako?"
"Hindi. Hindi lang ako makapaniwala kasi 'di ba...may gusto ka kay Deny?"
"I'm just being honest to myself. Alam kong hindi nya ako gusto dahil may iba na sya. But I don't think closing my heart to others is the right thing to do. At ikaw! Ikaw ang napili ng puso ko. Sa tingin ko, in love na talaga ako sa'yo."
Napanganga ako sa sinabi nya. Para bang hindi pino-process ng utak ko ang mga sinabi nya. Bakit ganito? Dapat sobrang saya ko talaga ngayon dahil nag-confess sya. Ilang taon kong hinintay ang bagay na 'to pero...parang hindi ko maramdamang natutuwa ako.
"Dei, huwag mong isiping ginagamit lang kita para maka-move on kay Deny. Iba sya sa'yo at iba ka rin sa kanya."
"Jake..."
***
Alden's POV
Kanina pa nakatulala at parang wala sa sarili si Dei. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.
"May problema ba? Eto...uminom ka muna."
Nilapag ko sa side table nya ang isang basong juice. Mukhang nagulat pa sya nang makita ang juice.
"Bakit? Anong meron sa juice?"
Tumingin sya sa'kin...
"W-wala. May naalala lang ako."Umupo ako sa gilid ng kama nya, kung saan din sya nakaupo habang iniinom ang sarili kong juice.
"Alden, maniniwala ka ba kung sinabi ko sa'yong...gusto akong ligawan ni Jake?"Halos maibuga ko ang iniinom ko.
"Sinabi nyang gusto ka nyang ligawan?"Tumango sya.
"Oo, sabi nya sa tingin nya in love na sya sa'kin."Natawa ako bigla.
"Naniwala ka naman agad sa kanya.""Bakit hindi? Kilala ko si Jake...nagsasabi sya ng totoo."
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
Fiksi PenggemarLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.