Dei's POV
Nagtatakbo akong pumunta sa labas ng campus namin habang hila-hila ang maleta ko sa pag-asang maaabutan ko pa sila. Late akong nagising kaya hindi agad ako nakapag-prepare sa pag-alis ko. Wala na nga si Alden sa dorm at hindi man lang sya nagpaalam sa'kin na aalis din sya. Mas nauna pa nga syang umalis eh at hindi man lang nya ako ginising.
Sabi pa naman ng adviser namin na bawal ang ma-late at kung late ka...hindi ka hihintayin ng bus. Kaya eto ako ngayon...nakatayo pa rin sa labas ng school at patuloy na umaasang hindi pa nga sila umaalis. Ako na nga 'tong nasa pinakamalapit na dorm...tapos ako pa ang nahuli. Kainis naman kasi! Bakit hindi ko namalayan ang alarm ko?
Sinubukan kong tawagan si Pat, isa sa mga kaklase ko. Nag-ring lang ng isang beses at sinagot agad nya.
"Hello, Pat!"
"Dei? Bakit ngayon ka lang tumawag? Kanina pa kami nakaalis sa school."
"Hindi ko kasi namalayan ang alarm ko kaya napasarap ang tulog ko. Nasaan na ba kayo? Baka pwede namang sumunod na lang ako?"
"Medyo malayo-layo na rin pero sa tingin ko pwede ka namang sumunod sa'min. Itetext ko na lang sa'yo ang address kapag nasa stop over kami."
"Thank you talaga ha, Pat. Sige, hihintayin ko na lang."
"Wala yun. Sige, ingat ka sa biyahe mo ha. Bye Dei!"
"Bye!" at binaba ko na ang linya.
Para akong nabuhayan ng loob sa tulong ni Pat. May pag-asa pa akong makasama sa retreat.
Maya-maya lang, dumating na ang text ni Pat. Sinend na nya sa'kin ang address kung saan pwede ko silang puntahan. Sumakay agad ako ng bus papunta sa lugar na yun. Sana maabutan ko pa sila dun.
Nakaramdam ako ng antok, ayokong matulog sa byahe pero hindi ko kayang paglabanan eh. Hanggang sa...nakatulog na nga ako.
***"Miss, gising na!"
Nakarinig ako ng boses ng isang matandang lalaki. Nang imulat ko ang mata ko, nakita ko ang konduktor ng bus.
"Hija, kanina pa kita ginigising pero mukhang puyat ka talaga dahil ang hirap mong gisingin eh."
Napatayo agad ako at napatingin sa paligid. Wala ng mga pasahero at tanging ako na lang. Sa palagay ko, paparada na ang bus para sa next na byahe nito.
ANO??? Bakit ang tagal kong nakatulog? Dapat idlip lang yun ah!
"Sige po manong, salamat sa paggising sa'kin."
Kanina pa ako nagbayad sa bus kaya dumiretso na ako sa pagbaba dala ang maleta ko. Umupo muna ako sa isa sa mga benches. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to, mukhang nakalayo na talaga ako.
"Ano ba 'tong nangyari sa'kin? Bakit ako nakatulog sa bus? Malamang, nakarating na yung mga kaklase ko sa lugar ng retreat namin, hindi na ako abot!" sabi ko sa sarili ko.
Hinanap ko yung cellphone ko para tawagan ulit si Pat pero-hindi ko mahanap. Hindi yun pwedeng mawala, kasama lang yun ng wallet ko-teka pati wallet ko...nawawala rin?!
No, don't tell me...nanakawan ako???!!
Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba nagkanda-malas-malas ako ngayong araw?? Naiwan na nga ako ng service namin tapos nanakawan pa ako ng cellphone at wallet? Paano na ako nyan uuwi?
Wala akong kilala sa lugar na 'to. Baka mapahamak lang ako kapag humingi ako ng tulong. Mabuti pa sigurong maglakad-lakad na lang muna ako. Baka sakaling may makita akong kakilala ko.
At wala na akong nagawa kundi ang maglakad habang hila ang maleta ko. Mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura ko. Nagugutom na ako, magtatanghali na pero mukhang malabong makakain ako.
Habang tinatahak ang malawak at isolated na daan...biglang may tumigil na puting van sa gilid ko. Teka! A-ano 'to? Baka balak akong kidnap-in nito? Naku po, wala akong maibabayad sa ransom ko. Maawa kayo!
Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang taong hindi ko inaasahang darating sa pagkakataong 'to.
"Alden?"
Hindi ko ma-explain ang sayang naramdaman ko nang makita ko sya. Para akong nagkaroon ng pag-asang mabuhay pa sa mundong ito. Feeling ko, dumating ang superhero ko.
Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at tumakbo ako sa kanya at yumakap.
"Dumating ka!" at dahil sa saya...hindi ko namalayang may tumulong luha sa mata ko.
Nang mag-sink in sa utak ko kung anong ginawa ko...bigla akong kumalas sa yakap ko sa kanya. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at inayos ang damit ko.
"Dei, anong nangyari? Bakit andito ka?"
"Balak ko sanang humabol sa retreat namin pero nakatulog ako sa bus. Paggising ko, nalaman kong nanakaw ang wallet at cellphone ko."
"Ganun ba? Buti walang nangyaring masama sa'yo. Don't worry...andito na ako."
Kinuha nya ang maleta ko sa kamay ko at sinakay sa van.
"Ano pang hinihintay mo? Let's go!"
Pumasok na rin ako sa loob ng van. Wala syang ibang kasama maliban sa driver. Saan nga ba sya galing? Nagpraktis kaya sya kasama ang banda nya? Hindi na ako nagtanong pa dahil bukod sa pagod at gutom ako eh ayokong marindi sya dahil sa mga tanong ko. Kaya tumingin na lang ako sa may gawing bintana at pinanuod ang mga nadaraanan namin.
"Alden...saan tayo pupunta? Akala ko uuwi na tayo?"
Lumingon sya sa'kin...
"Kumain muna tayo. I'm sure nagugutom ka na."Mas lalong kumulo ang tyan ko dahil sa sinabi nya. Talaga? Kakain kami? Pero...wala nga pala akong pera.
"Pero Alden kasi-"
"It's my treat kaya huwag ka ng mag-alala."
Napangiti na lang ako. Excited na akong kumain dahil gutom na gutom na talaga ako. After a few minutes, nakarating na kami sa isang restaurant. Namangha ako sa lugar dahil mukhang pang-mayaman lang ang lugar na 'to. Napansin ko rin na pili lang ang mga tao dahil siguro nga mayayaman lang ang pumupunta.
"Bakit hindi mo pa kinakain ang pagkain mo?"
Napatingin ako kay Alden. Masyado na akong nao-occupied ng mga iniisip ko. Kaya nagsimula na rin akong kumain.
"Alden...bakit hindi ka natatakot na makilala ng mga tao dito? I mean...hindi ka man lang nag-disguise."
Tumawa sya bigla na pinagtaka ko. May mali ba akong nasabi? Hindi ba madalas naman talagang mag-disguise ang mga sikat para hindi sila makilala ng mga tao?
"This resto is mine kaya hindi ko na kailangan pang magtago sa mga tao."
"Really? You mean...sa'yo 'tong magandang restaurant na 'to?!" I said with an amaze tone.
"Oo, binili ko 'to simula nang magkaroon ako ng banda. Gusto ko kasing may kapupuntahan ang perang pinaghirapan ko. Kaya I decided to own my restaurant."
Natuwa ako sa nalaman ko. Kung tutuusin, mayaman at may career na si Alden para hindi na sya magtrabaho pa para sa sarili nya. But then, ayaw nyang mapunta sa wala ang pinaghirapan nya. Siguro ang swerte ng mapapangasawa nya. Oo, bukod sa secure na ang future nya...may gwapo at sikat pa syang asawa.
"Why are you laughing?
Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko kung anong iniisip ko. Waaaahhhh! Bakit ba yun biglang pumasok sa isip ko? Erase. Erase.
Umiling ako...
"W-wala. Ang sarap kasi ng pagkain eh.""Good. Bilisan mong kumain dahil may pupuntahan pa tayo."
"Ha? Saan? Akala ko uuwi na tayo?"
"Since you're not able to join your retreat...let's just spend this day together." he said bago muling sumubo ng pagkain.
Spend this day together? Ibig-sabihin...kami...mamamasyal?
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanfictionLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.