Alden's POV
Denny, Denny ang pangalan ko kapag nagpapanggap akong babae. Oh, wag nyo akong pag-isipan ng masama dahil lilinawin ko lang 'nagpapanggap'...it means hindi ako bakla gaya ng iniisip ng iba sa inyo.
In fact ako si Alden Richards, lead vocalist ng isang sikat na banda. Wala sa hinagap kong magagawa kong magpanggap na babae para lang sa isang misyon. Ayoko talaga. Sino ba namang matinong lalaki ang magpapanggap bilang isang babaeng estudyante sa isang academy? Pero dahil nga sa isang misyon na magsasalba sa banda namin...nagawa ko.
Long story. Basta may hinahanap akong isang tao na mahahanap ko lang talaga sa DUB Academy. Sa lalong madaling panahon, kailangan ko syang mahanap kasi tanging sya lang ang natitirang pag-asa ko...ng banda namin. Kaya eto, nakasuot ako ng pambabae.
"Ito nga pala yung kama mo. Ay, sorry. Maraming kalat, kasi naman hindi ko alam na may makakasama na pala ako. But don't worry Deny, lilinisin ko rin yan."
Tiningnan ko ang buong kwarto at okay naman. Maganda, maaliwalas sana kung wala ang mga gamit ng babaeng 'to dito. Medyo magulo kasi dahil sa mga kalat nya. Kababaeng tao, ang kalat ng kwarto.
Inalis nya ang mga damit at gamit nya sa kama ko at nilipat sa kanya. Nilapag ko na ang maleta ko para buksan at kunin ang mga gamit ko.
"Nga pala. Wala pa tayong formal meeting, ako nga pala si Nicomaine Dei C. Mendoza but just call me Dei."
Lumapit pa sya sa'kin at in-extend ang kamay para sa isang handshake. Tiningnan ko sya at nakangiti na naman sya gaya ng kanina.
Bakit ba ang jolly at ang friendly ng babaeng 'to? Gusto ko ngang umiwas sa mga estudyante dito para hindi ako mabuko tapos nagkataon pang sya ang naging roommate ko? Kapag minamalas ka nga naman oh.
Wala akong balak na kausapin sya kaya tinanguan ko na lang sya at tumayo para kunwari may kailangan akong gawin. Hindi na naman sya nangulit pa at hinayaan na lang ako.
Haist! Mukhang magiging challenging ang misyon kong 'to. Hindi ko alam kung makakatagal ba ako lalo na kapag ang babaeng yun ang kasama ko sa kwarto? Ewan. Sana, dahil gusto ko na agad wakasan ang pagpapanggap na 'to.
***
11 na pero hindi pa rin ako nakakatulog. Naninibago lang ako sa lugar ko ngayon tapos idagdag pa 'tong wig at hapit na damit na suot ko. Argh! Gusto kong tanggalin pero hindi pwede. Bakit ba kasi hindi ako nahanapan ni manager ng isang kwarto kung saan solo ako at wala akong kasamang iba? Ang konti naman ng mga available rooms dito at ito na lang talagang kwartong 'to ang available. Nagbago ako ng tayo at nakita ko yung roommate ko na mahimbing ng natutulog. Hindi talaga ako sanay na may kasama sa kwarto especially babae sya.
Dahan-dahan akong tumayo para patayin ang ilaw. Eh hindi pala nagpapatay ang isang 'to ng ilaw dahil takot sa dilim. Baligtad, dahil ako...hindi ako nakakatulog kapag bukas ang ilaw.
"Wag! Madilim..." nagulat ako nang magsalita sya nang patayin ko ang switch kaya muli ko itong binuksan.
Akala ko ba tulog na sya? At paanong nalaman nyang pinatay ko ang ilaw? Mulat ba sya kapag natutulog? Ay, ewan ko. Bahala na nga, kakausapin ko bukas si manager na ilipat ako ng kwarto. Ang kumplikado na nga ng sitwasyon ko, mas pinapakumplikado pa ng babaeng yan.
***
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanfictionLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.