Jake's POV
Binuksan ko ang papel na hawak ko at nakita ko ang sulat na gawa ni Deny.
Jake,
Alam ko nang may gusto ka sa'kin pero pasensya na. Ayokong bigyan pa kita ng false hope dahil may iba na akong nagugustuhan. Anuman ang nararamdaman mo para sa'kin I know it's just a big mistake. Sa ngayon ituon mo na lang ang atensyon mo sa ibang babae. Yung taong magmamahal sa'yo ng lubos. Gaya ni Dei. Hindi mo lang alam pero matagal ka na nyang gusto. Hindi nya lang magawang aminin dahil ayaw nyang masira ang pagkakaibigan ninyo. Pero sana bigyan mo sya ng pagkakataon.-Deny
Nagulat ako sa nabasa ko. Ano? Basted agad ako kay Deny kahit hindi ko pa sya nililigawan. May iba na pala syang gusto.
At si Dei...may gusto sya sa akin? Bakit ngayon ko lang nalaman? At bakit nya hinayaang ilakad nya ako kay Deny kung may gusto nga sya sa akin? Siguro nga...gusto nya lang akong maging masaya kahit sya ang masasaktan.
Agad kong tinago sa bulsa ko ang sulat nang dumating na ang ilang members ng art club, kasama na si Dei.
Lumapit ako sa kanya.
"Oh Jake, kanina ka pa andito?"
Hindi ko agad sya nasagot dahil nakatitig lang ako sa kanya.
"Jake!""Ha? Sorry. Ano nga ba ang sinasabi mo?"
"Sabi ko kung kanina ka pa andito? Mukhang may problema ka, meron nga ba?"
Umiling ako...
"Wala. Okay lang ako.""Ahh, mabuti naman."
Inayos na nya ang mga dala nyang coloring materials. May kailangan kasi kaming gawing painting at sa tingin ko, sisimulan na nya.
"Jake...may dumi ba ako sa mukha?"
"Ha? Wala, bakit?"
"Kanina ka pa kasi nakatitig sa'kin kaya akala ko may dumi ako sa mukha."
Hindi ko namamalayang kanina ko pa sya tinititigan. Hindi lang talaga ako makapaniwalang matagal na syang may gusto sa'kin. At kay Deny ko pa nalaman. Bakit ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'to. Maganda naman si Dei, masayahin, mabait at friendly pa. At ngayong tinitingnan ko ang mukha nya...sa tingin ko hindi sya mahirap mahalin.
Kinuha ko ang lata ng pinturang binubuksan nya.
"Anong gagawin mo?" agad umangal si Dei sa ginawa ko.
"Ako na ang magbubukas, tutulungan kitang mag-paint."
Hindi na sya umimik pa. Nakangiti lang syang nanuod sa ginagawa ko.
Hindi naman sigurong masamang subukang bigyan ko ng chance si Dei. I think it's about time na sa kanya ako tumingin.
***
Alden's POV
Dumaan ako sa may art club at hindi sinasadyang makita ko sina Dei at Jake na magkasama. Kanina, binigay ko yung sulat na ginawa ko para kay Jake. Ayoko nang umasa pa sya kaya naisip kong ipaalam na sa kanya ang tungkol sa feelings sa kanya ni Dei.
"Wow! Ang galing mo palang mag-paint Jake." sabi ni Dei.
"Inaasar mo ba ako?"
"Hindi ah! Ang galing mo talaga."
"Sige, sabi mo eh. Halika, try ko sa'yo!"
Lumapit sya kay Dei at pinahid nya sa mukha nito ang paint brush na hawak nya.
"Ang daya mo Jake! Babawi ako." at sya naman ang nagpahid ng pintura kay Jake.
Para silang mga batang naglalaro ng pintura. I think it's better. Ngayong napagtutuunan nila ng pansin ang isa't isa...hindi nila ako magugulo pa. Sana nga lang tigilan na ako ni Jake at kay Dei na sya magkagusto.
Mukhang bagay naman sila eh.
Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. I should be happy seeing them together. Pero may iba akong nararamdaman. Jealous? No. No way. Imposible. At kanino naman ako magseselos? Kay Jake? At bakit? Eh hindi naman si Dei ang tipo kong babae. Hindi sya pasado sa standard ko.
Ano bang nangyayari sa'kin? Kung anu-ano na ang iniisip ko. Puro nonsense lang naman. Makaalis na nga.
At naglakad na ako palayo sa lugar na yun. Hindi muna ako umuwi. Naglibot-libot muna ako sa campus para hindi ako ma-bore. Hanggang sa napadpad ako sa basement ng school. I saw a familiar room at the end of the building.
Two years ago. Sa storage room na yun. Una ko syang nakilala. Unang beses na narinig ko ang boses nya.
Lumapit ako at pinihit ko ang pintuan upang buksan ito. Hindi ako nabigo dahil bukas nga ito. Hindi pa rin siguro nare-repair ang pintuan nito dahil sira pa rin ang lock.
Pumasok ako sa loob at nilibot ko ang paningin ko para i-scan ang lugar.
Flashback
Napili ni Manager Kim na sa DUB Academy ganapin ang sunod naming music video para sa bagong album na ire-release ng banda. Pinagkaguluhan kami ng mga estudyante kaya doble ang security na hiningi ni manager para sa'min.
It took the whole day para matapos ang ilang scenes kaya medyo late na kaming makakauwi. Nakasakay na kami sa van nang maalala kong naiwan ko ang cellphone ko sa room na pinag-shooting-an namin kanina.
"Manager, ako na lang ang babalik. Kapag nalaman ng mga estudyanteng bumalik tayo paniguradong magkakagulo na naman sila." sabi ko kay manager.
"Yun na nga Alden. What if makita ka nila at pagkaguluhan? Ipakuha na lang natin."
"No need! I can manage. Baka na-misplace ko kung saan kaya mas mabuti kung ako na lang. Magdi-disguise na lang ako."
"Are you sure?"
"Yes manager. Just wait, babalik din ako agad."
Bago ako lumabas ng van, nagsuot muna ako ng cap at eyeglasses. Mahirap nang makita ng mga estudyante, baka madumog ako dito at hindi na makalabas ng buhay. Maingat akong nagtungo sa room kung saan kami nag-shooting. Buti na lang at wala pa ring mga estudyante kaya nagawa kong hanapin agad ang cellphone ko. Nilagay ko na ito sa bulsa ko at aalis na sana ako.
"S-sino ka? Anong ginagawa mo dito?"
Biglang may babaeng estudyanteng pumasok sa loob ng room. Patay! Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanfictionLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.