Dei's POV
Excited akong umuwi sa dorm dahil expected kong andun na si Alden at magpapasalamat sa'kin dahil sa nangyari. Pero...
...wala sya. Madilim na pero hindi pa rin sya umuuwi. Huwag nyang sabihing late na naman sya uuwi dahil kung oo, naku hindi ko na sya hihintayin pa sa labas. Baka ma-harass na naman ako ng mga lasing.
Nainip na ako sa kahihintay kaya naisipan kong tapusin yung artwork namin sa art club. Habang nagpipinta, nakarinig ako ng ingay mula sa bintana. Dahan-dahan akong lumapit para alamin kung anong meron sa labas. Medyo kinakabahan ako pero nilakasan ko ang loob ko. Baka naman pusa lang.
Napansin kong bukas ang lock ng sliding window. Nakakapagtaka naman dahil palagi ko naman yung sinasara pero bakit bukas. Hinawakan ko ito at ready na akong buksan ito.
One...two...three!
Pagbukas ko...biglang sumulpot si Alden at sobrang lapit ng mga mukha namin. Kung siguro sumilip ako sa labas...malamang magdidikit ang mga labi namin dahil mula sa labas ay sumulpot sya sa may bintana.
•﹏•
Ako na ang unang umalis sa pwesto ko. Inayos ko ang damit ko at hinawakan ko ang pisngi ko dahil feeling ko namumula na naman ako.
Pumasok na rin sya sa loob at ni-lock ang bintana.
"Alden...a-anong ginagawa mo sa labas at b-bakit sa bintana ka dumaan? Pa'no kung may makakita sa'yo?" hindi pa rin ako mapalagay dahil sa nangyari kanina.
Muntik ko na nga syang hindi makilala kanina dahil naka-hoody jacket sya. Nang matitigan ko lang ang mukha nya...saka ko lang na-realize na sya nga yun.
Tinanggal nya ang hood ng jacket sa ulo nya at nilapag sa table ang dala nyang paper bag.
"May pinuntahan lang ako saglit. Dati pa ako dumadaan sa bintana kaya sanay na ako. Alam kong hindi ka pa kumakain ng dinner kaya sabay na tayo."
Binuksan nya ang paper bag at nilabas mula dito ang isang plastic ng isaw at dalawang balot ng kanin.
"Isaw? You mean...kumakain ka ng isaw? Si Alden Richards ay kumakain ng isaw?" hindi ako makapaniwala.
Tumawa sya.
"Anong tingin mo sa'kin, hindi tao? Oo naman, paborito ko nga yan eh. Tara kain na tayo!"Napangiti ako. Hindi ko akalaing kumakain sya ng streetfoods gaya ng isaw. Kumuha sya ng plato, kutsara at tinidor. Umupo na ako sa tabi nya. Hindi agad ako kumain dahil nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain sya.
Lumingon sya sa'kin at natauhan ako sa pagtitig ko sa kanya kaya inalis ko ang tingin ko. Oo nga pala...nagtatampo nga pala ako sa isang 'to. Hindi man lang nya ako naisipang kamustahin sa nangyari kanina.
"Thank you."
Tama ba ang narinig ko? Nag-thank you sya? Muli akong tumingin sa kanya.
"Alam ko namang ginawa mo yun para sa'kin. Ayan...yang mukha mo ang natamaan." he said.
"Wala yun. Kulang pa nga ang ginawa ko para makabawi sa lahat ng nagawa mo sa'kin. I should be the one saying thank you here...thank you."
I can't believe this! Dati kung mag-usap kami...para kaming aso't pusa. But now, it seemed that we're agreeing on the same thing.
"Gusto ko lang namang pagkatiwalaan mo ako. Kung anuman ang misyon na kailangan mong gawin...makakaasa kang wala akong ibang pagsasabihan. You can trust me...in fact I can help you. Kung kailangan mo ang tulong ko, I'm always here."
"Salamat pero sa tingin ko...kaya ko pa namang gawin mag-isa. Hihingi na lang ako ng tulong kapag hindi na."
"So...friends?" tanong ko sa kanya habang nakalahad ang isang kamay ko para sa shakehands.
Binigay naman nya sa'kin ang kamay nya at tumango.
"Friends!"
Tumawa ako at pati sya tumawa rin pero napatigil ako dahil biglang sumakit ang ilong ko.
"Ouch!"
Napahawak ako sa parteng natama ng bola.
"Masyado ka kasing tumatawa kaya nabanat yang ilong mo."
Inalis ko ang lumang band aid at medyo maga pa rin. Ang matangos kong ilong, sayang naman dahil tinamaan lang ng bola.
"Akin na nga! Ako na ang maglalagay ng bagong band aid."
Nagulat ako nang hilahin nya ako palapit sa kanya. Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang bagong band aid. Basta, namalayan ko na lang na nilalagay na nya yun sa ilong ko. Ang lapit na naman namin sa isa't isa.
Napatitig ako sa mga mata nya at ngayon ko lang na-realize na ang ganda pala ng mata nya. Nakakaakit.
"Dei, kumain na tayo!"
Napailing ako dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Baka gutom nga lang talaga 'to. Binaling ko na sa pagkain ang atensyon ko at kumain hanggang sa mabusog.
***Alden's POV
The next day...
Maaga akong umuwi dahil wala kaming last class kaya mas nauna ako sa dorm kay Dei. After a few minutes, dumating na sya at may inabot agad sa'kin syang papel."Ayan na ang list ng mga estudyanteng kasali sa music club." She said.
"Agad?"
"Anong agad?"
"I mean...nakuha mo pala agad itong pinapakuha ko sa'yo." hindi makapaniwalang sagot ko.
"Ako pa! Sabi ko naman sa'yo Alden...kapag kailangan mo ng tulong ko...I'm always here. Anytime. Anywhere."
Since nag-insist sa'kin si Dei na gusto nya akong tulungan sa misyon ko, humingi ako sa kanya ng favor. Actually, kaya ko namang gawin mag-isa ang misyon without any help pero naisip kong...maybe it's alright if I'm gonna ask one favor from her para matigil na ang pagtanaw nya ng utang na loob sa'kin. Besides...I can trust her. Kaya sya na ang pinahingi ko ng copy ng mga pangalan ng members ng music club. Maybe through this, I can recognize Meng by her name. Titingnan ko kung may Meng or pangalan na malapit sa Meng. At least pwede kong ma-identify kung sya nga yun.
"Dei...thank you nga pala."
"Wala yun. Anything, you can ask."
Napansin ko na busy sya sa...pag-iimpake? Bakit sya nag-iimpake? Aalis na ba sya?
"Aalis ka?"
"Oo. May class retreat kami ngayong weekend at bukas na ang alis namin kaya solo mo ang kwarto." Sabi nya nang hindi tumitingin sa'kin at busy sa paglalagay ng damit sa maleta nya.
"Ah. Enjoy na lang."
"Pero alam mo...ayaw ko talagang umalis eh." humarap na sya sa'kin.
My face brighten up. Hindi ko alam kung bakit.
"Why?"
"Kase...hindi aattend si Jake. Nagkasakit sya at hindi nya kayang sumama. Kaya nagda-dalawang-isip ako kung sasama pa ba ako."
Because of that jerk-I mean Jake kaya hindi sya sasama? Bakit ba masyadong mahalaga sa kanya ang lalaking yun? Bakit pati pagsama sa retreat nila ay nakasalalay pa rin dun sa Jake na yun? Ugh! Bakit ba pinoproblema ko pa ang mga bagay na 'to? I should be happy, at least kapag natuloy si Dei sa pag-alis... I can be alone and at peace for the mean time. Pero magiging masaya nga ba ang weekend without her?
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanfictionLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.