Memories

1.1K 82 4
                                    

Alden's POV

Nag-isip agad ako ng pwedeng ipalusot sa babaeng 'to. Baka mamukhaan nya ako kaya kailangan ko ng makaalis.

"Wala! Naligaw lang ako pero paalis na rin ako."

"Outsider ka, eh hindi ba bawal ang outsider dito? At teka-pamilyar ang mukha mo!"

Naningkit ang mga mata nya na parang ini-scan ang mukha ko.
"Tama! Si Alden! Ikaw si Alden!"

Nataranta ako nang bigla syang sumigaw. Narinig tuloy ng mga estudyante sa labas kaya napatingin sila sa akin. Wala na akong choice kundi ang tumakbo. Kaya naman tumakbo na ako palabas ng room at wala na akong pakialam kung may mabangga man akong tao.

"Alden! Bumalik ka dito."

"Ha? Si Alden ba talaga yun?"

"Oo. Sya nga, nakita ko ang mukha nya. Ang gwapoooo!!!"

I ran faster. Hindi nila dapat ako maabutan lalo na't halos lahat ng babaeng estudyanteng nakakasalubong ko eh hinahabol na rin ako. Nahirapan akong makahanap ng matataguan dahil hindi ko naman kabisado ang academy na 'to. Basta tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako sa may basement. And there I finally found a room. Pumasok ako sa loob at ni-locked ito.

Mukhang hindi na ako nasundan ng mga estudyante dahil wala ng ingay sa labas. Nakahinga lang ako ng maluwag nang masigurong safe na ako sa lugar na 'to.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago magpasyang lumabas. Baka mamaya andyan pa sila at naghahanda akong lapain. Pero paghawak ko sa doorknob-

What the-locked pa yung pinto! Mukhang kulong ang abot ko dahil hindi na nabubuksan pa ang pintuan. I think there is something wrong here. Tiningnan ko ang buong paligid at nakita ang ilang mga tambak na gamit...and then I realized that it was an abandoned room...storage room to be exact.

Kinuha ko ang phone ko para kontakin si manager. But then-patay na ito dahil low bat. Why? Bakit ang malas ko sa araw na 'to???

Pa'no na? Paano ako makakalabas ng school na 'to ng buhay at buo pa kung na-stocked ako dito? Hindi nga ako pagdudumugan ng mga fans ko pero makukulong naman ako sa lugar na 'to.

Sinubukan kong buksan ang ilaw dahil medyo dumidilim na sa loob dahil pagabi na pero mukhang pundido na ito dahil hindi na gumagana. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang umupo na lang sa sulok at maghintay ng taong pwedeng tumulong sa akin.

Help! Somebody help me!

Akala ko talaga wala na akong pag-asang makalabas pa sa room na 'to but because of the beautiful voice I suddenly heard...nabuhayan ako ng loob. Isang boses ng babae na sa tingin ko ilang meters lang ang layo sa'kin.

Everytime by: Britney Spears

"At night I pray that soon the face will fade away...

And everytime I try to fly, I fall without my wings I feel so small.
I guess I need you baby.
And everytime I see you in my dreams, I see your face you're haunting me.
I guess I need you baby."

After I heard her voice, para akong na-mesmerized. Na sa halip na humingi ako ng tulong eh mas gusto ko na lang makinig sa pagkanta nya. It took a minute bago ako natauhan.

Who's that girl? Andyan pa kaya sya?

"May tao pa ba dyan? Miss...I need your help. Na-locked kasi ako sa loob, please tulungan mo 'kong makalabas."
sabi ko habang pinipihit ang doorknob at kinakatok ang pinto.

Wala agad akong nakuhang response. Baka nakaalis na sya. Tahimik na rin kasi sa labas mula nang matapos nya ang pagkanta nya. Baka napadaan lang talaga sya sa lugar na 'to.

Napaupo na lang ulit ako at nagba- baka sakaling hindi pa sya umalis.

But then I was right dahil biglang may narinig akong katok mula sa labas.
"Okay ka lang ba dyan? Don't worry hihingi ako ng tulong para makalabas ka na."

Napangiti ako. Akala ko umalis na sya.
"Okay pa naman ako dito, medyo madilim nga lang pero kaya ko pang maghintay."

"Ganun ba? Sige, eto oh...may maliit akong flashlight dito. Gamitin mo muna habang naghihintay ka."

Nakita kong may maliit na key chain syang isinuot sa siwang ng pintuan. Kinuha ko ito at flashlight nga ang key chain na binigay nya sa'kin. Binuksan ko ito...

"Basta hintayin mo lang ako dito ha."

Natawa ako bigla. Malamang hihintayin ko sya kasi hindi naman ako makakaalis dito kung hindi sya hihingi ng tulong.

"Sige, hihintayin kita."

Narinig kong paalis na sya. Pero pinigilan ko sya.

"Teka lang. Salamat nga pala at saka..."

Bahagya akong napatigil.

"...anong pangalan mo?"

"Meng. Meng na lang ang itawag mo sa'kin."

At tuluyan na syang naglakad palayo sa'kin.




Ilang minuto pa lang ang lumipas nang may narinig akong malakas na ingay na nanggaling sa pinto. Mukhang binabaklas ang doorknob nito. Tumayo ako at naghintay hanggang sa mabuksan ito.

Akala ko talaga makikita ko na si Meng. Pero nang buksan na ang pinto...isa sa mga staff namin ang bumungad sa akin. Pero bakit sya lang? Nasaan na si Meng?

"Alden, ayos ka lang ba?"

"Oo, okay lang ako. Nasaan na sya?"

"Ha? Sinong sya?" puno ng pagtataka nyang tanong.

"Yung babaeng humingi ng saklolo para tulungan ako. Hindi ba sya yung tumawag sa'yo para iligtas ako dito?"

"Walang babae Alden. Pinasunod lang ako ni manager sa'yo dahil nag-aalala nga sya sa security mo. Pero hindi agad kita nasundan dahil mabilis kang nawala. Hinanap pa kita hanggang sa napunta ako dito at nakita ko sa tapat ng pintong yan ang bracelet mo kaya nalaman kong andyan ka."

Inabot nya sa'kin ang bracelet kong nahulog nga kanina nang magtatakbo ako. Ibig-sabihin nyan...hindi pa nakakabalik si Meng. Pero gusto ko syang makita. Kailangan ko pa syang mapasalamatan.

"Halika na Alden. Baka makita ka na naman ng mga fans mo, paniguradong matinding habulan na naman 'to. Kaya tara na, naghihintay na sa'tin sina manager."

Tumango ako. Siguro nga hindi ko na makikita ang babaeng yun sa ngayon. But I'm sure there's a perfect time someday.

Bago umalis, iniwan ko pa rin sa tapat ng pinto ang bracelet ko. At yung key chain ni Meng...nilagay ko sa bulsa ko. Hindi ko man naibalik sa kanya yung key chain nya...at least iniwan ko sa kanya yung bracelet ko. At sana makita nya yun.

End of flashback

Love In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon