This is dedicated to Jhazminell_Arzibals. Thanks for supporting this story. Love lots😘
Alden's POV
Pagkatapos kong magpalit ng damit pambabae, umuwi na ako. Sa may bintana ako dumaan para walang makapansin sa akin. Doon din naman ako dumadaan sa tuwing pumupuslit ako palabas ng dormitory.
Pagpasok ko, nakita kong mahimbing nang natutulog ang room mate ko. Buti na lang dahil kung hindi, malamang mangungulit na naman yun. Humiga na ako sa kama ko para matulog. Pero ilang minuto pa lang ang lumipas nang mawalan ng ilaw.
Nag-brown out pa!
"Deny? Deny?"
Biglang nagising si Dei at tinawag nya ako na parang takot na takot.
"Deny, pwede bang tumabi muna ako sa'yo? Sige na, please?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Ano? Tatabi sya sa'kin. Ayoko! Ano sya sinuswerte?
At dahil madilim nga at wala kaming makita, naramdaman ko na lang ang pagtabi sa akin ni Dei sa higaan. Pang-isahan lang ang kama kaya naman sobra nya akong dinikdik.
Aba! Hindi pa nga ako pumapayag pero nagawa nya agad na lumipat dito sa kama ko. Masyado namang matatakutin ang isang 'to. Hay! Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa babaeng 'to.
Tatayo pa lang sana ako para buksan ang emergency light. Pero bigla akong hinila pahiga ni Dei at niyakap ng mahigpit.
"Deny, saan ka ba pupunta ha? Wag ka na umalis. Natatakot ako, please?"
Bakas sa boses nya ang takot. At sa higpit ng yakap nya...parang bigla akong nainitan. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil mainit lang talaga dahil brownout nga.
"Sige na Deny, please? Hayaan mo na akong tumabi sa'yo kahit ngayon lang." malumanay nyang sabi.
Wala akong nagawa para paalisin sya. Naawa rin naman ako dahil parang iiyak na sya. Kaya hindi ko na sya iniwan pa para buksan ang emergency light at hindi ko na rin sya pinaalis pa sa kama ko.
Magkatabi kaming natulog magdamag at nakayakap pa sya sa akin. Ang awkward pero hinayaan ko na lang hanggang sa makatulog sya. Siguro naman hindi magtatagal ang brownout na yan.
***
Umaga na. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad agad sa akin ang pagmumukha ni Dei. Napabangon ako nang ma-realized kong magkatabi pa pala kami hanggang ngayon. Ang lapit-lapit pa namin sa isa't isa at yakap pa nya ako.
Tumayo na ako at inayos ko ang damit ko. Halos hindi ako makapaniwalang pinatabi ko ang babaeng 'to sa kama ko.
Kaya bago pa sya magising, nagligo na agad ako at nag-prepare sa pagpasok para hindi ko na sya maabutan pa.
***Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko akalaing makakasalubong ko pa si Jake. Ayoko talaga syang makaharap lalo na't may gusto sya sa'kin bilang si Deny. Pero hindi ko na nagawa pang umiwas dahil nakita na nya ako. Kapag minamalas ka nga naman oh.
"Deny!"
Sumabay pa sya sa akin sa paglakad kaya nakakailang talaga.
"Papasok ka na ba? Hatid na kita."
Hatid? Para namang ang layo ng room ko para ihatid pa nya ako. Pss. Para-paraan pa ang isang 'to para makaporma sa'kin. Para sabihin ko sa'yo Jake...hindi tayo talo.
"Deny...natanggap mo ba yung... pinabigay ko kahapon kay Dei?" medyo nahihiya pa nyang tanong.
Tumango ako. Baka naman isipin nyang ang suplada ko kapag hindi ko sya in-entertain.
"Sana nagustuhan mo. Deny...ano kasi..."
Hindi nya matuloy yung sasabihin nya. Para bang nahihiya sya.
"...gusto sana kitang yayain mamayang after class...kung okay lang?"
Woah! Ang bilis naman yata nito! Ganito ba sya pumorma sa mga babae. Tss.
Tumango ulit ako. Ayoko naman talaga eh pero dahil may naisip akong plano...pumayag na ako. Wala na akong ibang naiisip na paraan para lubayan nya ako kaya dapat ngayon pa lang may gawin na ako. Wala akong panahon para makipag-date sa isang lalaking katulad nya. May misyon pa akong dapat gawin at ayokong maabala nya ako.
"Talaga? You mean...pumapayag kang makipagkita sa'kin mamaya? Yes!"
Halos hindi nya maitago ang saya at kulang na lang eh ipagsigawan nya sa buong campus na magkikita kami.
"Thank you Deny. See you later sa rooftop after class."
Nasa tapat na kami ng room ko at nagpaalam na sya sa'kin. Buti naman.
Tingnan na lang natin mamaya kung makapagpasalamat ka pa sa'kin.
***Jake's POV
Hindi talaga akong makapaniwalang pumayag agad si Deny na makipagkita sa'kin to think na kakikilala pa lang namin sa isa't isa. Masaya ako dahil binigyan nya ako ng chance. Sa dinami-rami ng mga lalaking may gusto sa kanya...pinagbigyan nya ako.
Pagkatapos ng klase, dumiretso na agad ako sa rooftop. Excited na akong makita muli si Deny at maamin sa kanya ang lahat. Sana nga lang hindi ako mautal sa harap nya.
Biglang bumukas ang pinto kaya lumingon ako. Napangiti ako nang makita ko si Deny.
"Deny...akala ko hindi ka na darating eh."
Humakbang sya palapit sa akin. Wala na akong dapat sayangin pa. Dapat umamin na ako sa kanya ngayon na! Ngayon na talaga!
Huminga ako ng malalim.
"Deny...kaya kita pinapunta dito kasi may gusto akong sabihin sa'yo."
Ako naman ang humakbang palapit sa kanya.
"Deny..."
Hindi ko natuloy dahil bigla nyang itinaas ang isang kamay nya. At nang tingnan ko ito...may sulat syang binibigay sa'kin.
"Teka! A-ano 'to?" tanong ko nang makuha ko na ang sulat.
Wala akong nakuhang sagot sa halip ay ngumiti lang sya sa akin. Hindi na sya nagtagal dahil umalis din agad sya. Balak ko pa sana syang pigilan pero ang bilis nyang tumakbo. Para syang lalaki dahil hindi ko nagawang habulin sya.
Napatingin ako sa hawak kong papel. Ano ba 'to? Bakit nya sa'kin 'to binigay nang hindi man lang pinakinggan ang sasabihin ko sa kanya?
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanficLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.