Alden's POV
Pumasok ako sa loob ng studio. Medyo konti pa lang ang tao pero may ilan ng nag-o-audition sa harap. Wala akong balak sumali. Nagpunta lang ako dito para sa misyon ko.
Kailangan ko na syang mahanap at sana dito sya sumali sa music club. Hinding-hindi ko nakakalimutan ang ganda ng boses nya kaya kapag narinig ko sya, madali ko lang syang makikilala.
Sa likuran akong bahagi pumwesto, kung saan madilim at walang ibang tao. Balak ko lang talagang manuod ng audition.
May kumakanta sa harap pero hindi sya ang hinahanap ko. Nanatili lang akong nakaupo at nanunuod.
"Deny?"
Nagulat ako nang makita ko si Dei, ang roommate ko na nasa gilid ko na. Agad syang umupo sa tabi ko na takang-taka.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.
Dapat ako nga ang magtanong sa kanya nyan eh, anong ginagawa nya dito? Sinusundan nya ba ako? Pati ba naman dito manggugulo sya? Aish!
Wala akong balak na sagutin sya dahil hindi ako pwedeng magsalita. Binalik ko na lang ang paningin ko sa harap.
"Ahh, nanunuod ka lang pala. Music lover ka ba? Mukhang interesado ka sa pagkanta ah."
Masyado talagang madaldal ang isang 'to. Parang kahit na anong bagay eh pwedeng gawan ng kwento.
"May talent ako sa pagkanta at 'yang babaeng kumakanta...mas magaling pa ako sa kanya."
Napatingin ako sa kanya at napaisip. Hindi kaya-sya yung babaeng matagal ko ng hinahanap?? Imposible. Pero paano kung sya nga? Sabi nya magaling daw syang kumanta.
"Gusto mong marinig ang boses ko?"
Hindi pa ako tumatango pero hinanda na nya agad ang sarili nya sa pagkanta.
"Ehem...ehem!" nirolyo nya ang papel na hawak nya at ginawa itong microphone.
"Twinkle twinkle little stars. How I wonder what you are. Up above the world so high. Like a diamonds in the sky. Twinkle twinkle little stars. How I wonder what you.......are!"
Natawa ako dahil sa ginawa nya. Bukod sa pambata ang kinanta nya, ang exxage pa ng pagkakakanta nya. Haha! Grabe, hindi ko napigilan ang sarili kong matawa. Feel na feel nya pa ha.
"Bakit ka ba tumatawa ha? Ang ganda kaya ng version ko ng Twinkle twinkle little stars. Gusto mo ulitin ko?"
Natatawa akong umiling sa kanya. Hindi nya rin tinuloy dahil nagbibiro lang talaga sya.
Nang tumigil ako sa pagtawa, sya naman ang tumawa.
"Haha! Hindi ko alam na sa ganung paraan pala kita mapapatawa ha. First time kong nakitang tumawa ka."
Parang wala ng bukas kung makatawa ang isang 'to. Sa babaw ng kasiyahan nya, nagagawa nya pa akong hampasin.Inayos ko ang sarili ko at nagseryoso. Masyado nang natutuwa ang babaeng 'to. Hindi magandang isipin nyang natutuwa akong kasama sya. Baka mag-assume sya na close na kami. Kaya sa halip na makitawa ay hindi ko na sya pinansin pa at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa nag-o-audition sa harap.
"Oy Deny! Huwag ka namang magalit. Natutuwa lang talaga akong makita kang tumatawa. Oy, pansinin mo na ako!"
Hindi ko sya nilingon, seryoso lang akong nanunuod.
"Ay, si Jake nga pala! Kailangan ko pa syang balikan. Sige Deny ha, aalis na ako. Bye!"
At tumayo na sya at dali-daling lumabas sa studio. Jake? Sinong Jake?
***
Pumunta ako sa cafeteria para kumain ng lunch. As usual, pinagtitinginan na naman ako ng mga epal na lalaki na 'to. Kung alam lang nila kung gaano kagwapo 'tong babaeng hinahangaan nila ngayon...malamang mahihimatay sila. Eh mas gwapo pa kaya ako sa kanila.
Dala-dala ko ang tray kung saan nakalagay ang pagkaing in-order ko. Naghahanap lang ako ng bakanteng upuan nang lapitan ako ng mga mokong na 'to.
"Hey Deny! Doon ka na sa akin umupo, may bakante pa."
"Deny, tutulungan na kitang magbitbit."
"Deny, ano bang gusto mong pagkain. Treat kita."
Siguro kung wala akong misyon sa school na 'to...kanina ko pa sila nasapak. Bakit ba nila ako pinipilit? Gusto kong mapag-isa at ayaw kong makita ang mga pagmumukha nila.
Balak pa sana akong hawakan nung isa pero biglang may pumigil sa kanya.
"Itigil nyo na 'yan!"
Walang anu-ano ay nagsitakbuhan papalayo ang mga epal na lalaki.
"Okay ka lang?"
Oh? At sino naman 'tong lalaking 'to? Bakit takot sa kanya ang mga estudyanteng yun at bakit nya ako niligtas? Wow? Parang damsel in distress ang role ko dito ah at may dumating na tagapagligtas ko.
"Deny, halika! Sumama ka na lang muna sa amin."
Kapapansin ko lang na andito rin pala si Dei. Kasama nya pala 'tong lalaking nagligtas sa akin kanina.
Hindi na ako nakatanggi pa dahil inalalayan nya akong maupo sa table nila.
"Deny, hayaan mo na ang mga lalaking yun. Nagpapapansin lang yun sa'yo. Dito ka na lang sa amin sumabay sa pagkain, wala na rin namang ibang bakante eh."
Tumango na lang ako sa kanya dahil wala na rin naman akong choice. Nagsimula na akong kumain.
"Alam mo sa susunod na guluhin ka ulit ng mga yun, magsabi ka lang sa amin. Kami ang bahala sa'yo. Masyado ka kasing maganda kaya lapitin ka ng mga lalaki."
Bigla akong nabulunan doon sa huli nyang sinabi 'masyado raw akong maganda kaya lapitin ako ng mga lalaki'. Kadiri.
Naghanap ako ng tubig at buti na lang ay naabutan ako ng lalaking kasama ni Dei. Kinuha ko ito at uminom.
"Ayos ka lang?" tanong nya.
Tumango ako.
"Deny, ako nga pala si Jake."
Balak nya sanang makipag-shake hands pero hindi ko ito tinanggap. Tinanguan ko lang sya at nginitian gaya ng ginawa ko kay Dei noon.
Ahh, so sya pala yung Jake. Eh ano naman kayang koneksyon nya kay Dei???
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
FanfictionLove in Disguise By:post_it_girl Ang gwapong lead vocalist ng isang banda...magpapanggap na babae dahil sa isang misyon? Imposible. But believe it or not, it's true.